Kulungang walang hawla
Magandang araw po. Ako po'y isang first time OFW dito sa Saudi Arabia. Nangarap na mangibang bansa agad pagkatapos ng board exam at makuha ang lisensya bilang isang inhinyero. Sa pananatili ko po rito, ang pang-araw-araw ko lamang na gawain ay kumain, matulog at trabaho. 'Yan po ang daily routine ko rito kaya naibigan kong magsulat ng mga kwentong buhay OFW dito sa Saudi. Pino-post ko ito sa aking blog sa Friendster. Hindi ako manunulat o magaling sa pagsusulat. Isinusulat at ikinukwento ko lamang ang mga napapansin ko at iba't-ibang kwento na aking naririnig at mga pangyayari na aking naoobserbahan. Kaya nga tinawag ko itong "kwentong walang kabuluhan." Masaya ako kapag nakagagawa ng kwento at nawawala ang pagka-homesick ko dyan sa ating bansa. Nais ko po lamang ibahagi ang isa sa mga ito. Pasensya na kayo kung hindi maayos o organisado ang pagkakagawa. Buhay OFW⦠masaya na mahirap. Una akala mo âpag nakarating ka na sa bansang pupuntahan mo okey na. Pero hindi mo alam, simula pa lang ng maraming mangyayari sa buhay mo bilang OFW. Minsan iiyak ka na lang sa isang sulok dahil nami-miss mo na ang mga mahal mo sa buhay. Akalain mo ba namang dalawang taon ang bubunuin mo sa pagbabanat ng buto at todong trabaho sa ibang bayan may maipadala lang sa Pinas at maiahon ang buhay na lugmok at baon sa utang. Ibaât-iba at sari-sari ang kwento ng buhay mayroon ang isang OFW. Mayroong kwento ng tagumpay, kwento ng pangungulila, mayroon ding kwento ng pagkadapa ngunit bumabangon, at may lumalaban para sa pamilya. Ano pa man âyan susuungin at haharapin ni Juan Dela Cruzâ¦Pinoy pa! kahit saan mapunta, Pinoy pa rinâ¦hehehe. Mabalik tayo sa buhay OFW. Masarap pakinggan âOFW, Bagong Bayani." Tinagurian at binansagang âBagong Bayani ng Bagong Henerasyon!" Animoây kay ganda ng buhay sa abroad at walang problema. Hindi nâyo lang alam marami rito yun⦠whahaha!!! Sa totoo lang, malamang ginamit lamang ito para makaahon ang Inang Bayan at si kawawang Juan Dela Cruz sa baon ng kumunoy. Bilang Overseas Filipino Worker lalo na rito sa Middle East, masasabi ko lang mahirap talaga, higit lalo siguro kung ikaw ay babae. Hindi ko mawari kung kakayanin ko ang manirahan at magtrabaho rito kung ako ang naging babae. Balot na balot ang katawan, marami ang bawal at limitado ang kilos at galaw. Bawal makihalubilo sa mga lalaki, pumasok sa hotel na mag-isa at tingin saâyo ay prostitute. Ayaw ko man sabihin at bansagang "kulungang walang rehas" subalit yun ang totoo. Nasabi kong mahirap hindi dahil sa trabaho kundi ang malayo sa pamilya at mga mahal sa buhay. Lungkot, luha, at tamlay ang iyong mararamdaman lalo na kapag ikaw ay nasa gitna at hinahamon ng maraming pagsubok. Tapos walang makakatulong s'yo o maasahan kundi ang sarili mo lamang. Mahirap magkasakit dito, walang mag-aalaga at aalalay sa iyo sa panahon ng pangangailangan. Nandiyan ang mga kaibigan subalit hindi sa lahat ng oras ay matutulungan at mabantayan ka nila dahil kailangan din naman nilang pumasok sa trabaho. Masaya din naman dahil napapawi ang lungkot at lumbay sa tuwing sahuran. Dadaan lamang sa kamay at wala pang bente-kwatro oras, ayun na si Juan Dela Cruz, nag-aaya ng lumabas at magpapadala ng pera sa pamilya. Kahit pa abutin ng ilang metro ang pila tinitiis âyan ni Juan makarating lang sa Pinas ang perang pinagpaguran bago man lang mag-umaga. Tawag dito, tawag diyan ang gagawin kung natanggap na ba ng mahal sa buhay ang pera (hindi man lang mag-text kung natanggap na nila) at ayun ubus na palaâ¦ha..ha..ha.. Gayunpaman, masaya pa rin si OFW dahil nakatutulong at nakapagpapasaya siya ng mga mahal sa buhay sa Pinas. Imporatante sa lahat, sa kabila ng maraming pagsubok at hamon ng buhay dito sa ibang bansa tanging ang Diyos lamang ang ating kakampi at karamay. Sa Kanya lamang tumatawag at humihingi ang gabay at tulong sa pang-araw-araw na gawain. Huwag lamang tayong nakalimot sa pagtawag sa Kanya at tayoây Kanyang pakikinggan. - GMANews.TV RODEL T. Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!