ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Lihim na binitbit sa UAE


Magandang araw po mga Kapuso at kapwa ko OFW! Ako ay isang OFW dito sa UAE. Tulad ng iba, nakararanas din ako ng iba’t ibang pakiramdam: kasiyahan, kalungkutan, at pangungulila. Pero ngayon ay maayos naman ang aking kalagayan dito. Isa akong professor sa Pilipinas bago ako nagpasyang magtrabaho rito sa UAE. Maayos din naman ang aking kalagayan noon ngunit sa lumalaking gastusin ng pamilya, ako’y napilitang mangibang bansa. Ang mga karanasan ko sa Pilipinas ay siya kong hinahanap-hanap pagdating dito, kasabay ng aking pagnanasang matulungan ang pamilya. Makulay ang aking buhay at pananaw sapagkat marami akong mga pinagdaanan na aking natagumpayan. Pagdating sa pag-aaral, ‘di naman sa pagmamayabang ako’y nangunguna sa klase mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Marami akong mga naging kaibigan dahil talagang likas sa akin ang pagiging matulungin hangga’t kaya ko. Sa akin umaasa ang pamilya ko, kaya hindi ko sila binigo kahit kailan, hanggang ngayon. Kaagad akong nakapagturo pagkatapos ng aking kolehiyo. Halos kakaunti lang ang agwat ng edad ko sa mga naging estudyante ko (college students) dahil sa maaga kong pagsabak sa professional field. Ako’y isang “closet gay" to be honest. Hindi mo makikita sa aking panlabas na anyo ang pagiging “berde" ng aking dugo, lalo na kung sa una mo palang akong nakita. Marunong akong magtago ng aking damdamin at ikinikilos. Nagsasabi ako ng parte ng buhay ko depende kung sino ang aking kasalamuha. I have lived my life into compartments and I let people, friends, my family to know things about me that I want them to know. Limitado ang kilos ko, limitado ang pagsasalita ko, limitado ang buhay ko. Marami ang humahanga sa akin sa pagtuturo. Magaling daw akong magturo at magaling magsalita sa klase. May pagka-istrikto ako sa klase, pero madalas ding namang magbiro. Kaya naman siguro gustong-gusto ako ng mga bata. Fashionista ang bansag nila sa akin sa school dahil kakaiba daw akong manamit. Metrosexual ang dating kaya naman medyo marami ang humahanga sa akin. Dito ako nakaranas ang mga tukso mula sa mge estudyante kong lalaki. Marami akong “naka-do" sa kanila. Kung iisipin, karamihan gusto lang maging mataas ang grade sa subject nila kaya pumapatol sa kanilang professor - lalaki man o babae. Ngunit in my case, sila pa itong nagpapakita ng motibo sa akin, nagyayayang gumimik at pagkatapos kung saan-saan ako dadalhin para masunod ang pagnanasa nila. Dito ko nakita ang ibang side ng mga lalaki na ‘di ko inaakalang pagnanasaan ang kapwa lalaki, lalo pa’t professor nila. May isang nag-aya sa akin sa motel at siya raw ang sasagot. Nag-overnight kami sagot nya lahat ang gastos. Mapanganib ngunit gustung-gusto ko, ginusto kong ako’y gustuhin nila. Pagdating sa klase, parang walang nangyari, normal lang ang takbo ng buhay. Kaya tuluy-tuloy lang at never akong naging “issue" sa school. Marunong akong magtago at marunong din magtago ang mga nakaka-angkin sa akin. Marami-rami rin sila ngunit hanggang ganoon lang, walang commitment, no strings attached. Heto na’t kailangan ko nang umalis patungong UAE. Hindi naging madali ang paghahanap ko ng work dito. Araw-araw ang lakad sa paghahanap ng trabaho. Araw-araw ang pagbili ng newspaper at madalas ding nag-i-Internet. Homesick na ako, ‘di ako sanay sa ganitong klase ng buhay, konti ang mga kilala mo at you’re on your own ika nga. Madalas akong umiiyak sa gabi, naaalala ko sila sa bahay, tiyak na sila’y nag-aalala rin sa akin. Nakipagsapalaran lang naman kasi ako rito, walang katiyakan kung makakahanap ng trabaho. Halos mag-iisang buwan na nang may kumpanyang tumawag sa akin for an interview. Umalis ako ng maaga dahil medyo mahaba rin ang biyahe. I had an interview for the first time and it turned out to be the last one because I got the job. Right after the interview, pinahintay lang nila ako saglit sa waiting area, and then tinawag ulit ako and presented already the offer letter. Tuwang-tuwa ako, at least makakapag-start na ko sa work the next working day. Maayos naman sa work, dalawa lang kaming Pinoy sa una kaya malaki rin ang adjustment. Pero maayos naman, mabait ang naging unang manager ko. Dahil bago lang ako sa lugar, ‘di ako masyadong lumalabas ng accommodation dahil hindi ako familiar sa place. Malayo rin kasi ang place namin sa city. Taxi lang ang sasakyan mo at medyo tipid pa sa budget. Sa aking pagta-taxi, madalas akong matipuan ng mga driver. Nagpaparaos sila habang hinihimas-himas ang hita ko. Madalas na ganito ang eksena kapag nagta-taxi ako, gusto ko naman kasi namimis ko ang mga naiwan ko sa Pinas. Madalas habang naghihintay ng taxi, hihintuan ka ng mga private vehicles. Tatanungin kung saan punta mo at mag-o-offer na ida-drop ka. ‘Pag maayos naman ang hitsura, kinakagat ko naman. Alam ko naman, hindi ka lang naman nila gustong ihatid kundi gusto ka ring pagparausan. Ayos lang, type ko naman yung guy. Libre na sa pupuntahan, nakaraos pa. Na-late ang employment visa ko. Hindi pa dumarating mag-e-expire na visit visa ko. Wala akong choice, pina-exit ako ng company, sagot nila sa may Kish Island. May pangamba sa una ngunit ayos na rin, at least panibagong experience ulit. Sa airport ng Kish habang nakapila ako sa immigration, may nagsabi sa akin na dayuhan na okay daw ako. Tinanong niya ako kun saan ako magtse-chek-in. Nang sabihin ko, sumagot siya na doon din daw sya. Sabi nya, sabay na kaming mag check-in para sama na kami sa kuwarto. Okay naman siya kaya pumayag na rin ako. Again sabi ko, “charge it to experience na lang." Nasa hotel na kami para mag-check-in nang malaman namin na ‘di pala pwedeng magsama isang kwarto ang magkaibang lahi, so hiwalay ang binigay na rooms sa amin. Gayunpaman, pinuntahan niya ako sa room. Sabi niya, pwede naman daw ako sa kwarto niya kasi wala naman siyang kasama. Pumayag ako at nagsama kami sa room. Gaya ng inaasahan, nagtalik kami at nagparaos. Ilang araw din ako doon, at ilang beses din kaming nagtalik. Nang dumating ang visa ko, kinailangan ko ng bumalik sa trabaho. Iniwan ko siya roon sa hotel at ‘di na kami nagkausap pagkatapos ng mga nangyari sa amin. Balik na uli ako sa trabaho, normal na naman ang buhay. Ilang araw lang, dumating na employment visa ko, at tuluy-tuloy na. Ilang buwan lang ay na promote na ako sa work. Nalipat ako sa ibang department at iba na rin ang manager ko, Mabait din naman siya at lalong tumaas ang tingin nila sa akin sa work. Magiliw lahat sila sa akin. Binansagan akong ‘Tom Cruise’ ng una kong manager. Yung iba, sinasabing kamukha ko raw yung isang actor nila sa India. Ang tingin nila sa akin ay ‘star,’ ewan ko ba kung ganoon din ang tingin nila sa lahat ng Pinoy. Gustong-gusto nila ang kaanyuan ng mga Pinoy. Siguro ako ang naging daan para dumami pa ang mga kababayan natin dito sa company namin. Halos Filipino na ang hina-hire nila kumpara noong una na dalawa lang kami. Masaya naman ngayon sa office kasi parang nasa Pinas din lang ang work ko sa dami ng mga kasama kong kababayan. Biruan, tawanan kahit maraming gawain sa office. Madalas nagpa-party kami kapag weekends upang maging masaya at mawala ang aming homesickness at stress. Ngayon may ka-steady na akong taga Egypt. Magka-edad lang kami. Mabait siya at parati ang punta niya sa bahay para bisitahin ako. Salamat naman at ayos lang sa mga kasambahay ko na Pinoy din. Nauunawaan naman nila. Tuloy pa rin ang pagpapadala ko sa bahay. Sila pa rin naman ang inspirasyon ko. Pero mas masaya ako ngayon kasi may nagmamahal sa akin at ganoon din ako. Sana tuluy-tuloy na ito at sana dumating ang point na masabi ko na ito sa aking pamilya. Hindi pa kasi nila alam. Natatakot ako, pero sana matanggap nila kung sakali. Naghihintay lang ako ng tamang panahon at sana dumating na ‘yon. Salamat po. Mac-mac Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!