Sakripisyo sa Bermuda
Magandang umaga mga kapwa ko OFWs. Masyado po ako naiinspire sa mga sumusulat dito, araw-araw ito na po ang aking libangan dito ngayon. Isa po akong nurse sa atin sa Pilipinas. Six months lang ako nagtrabaho sa isang ospital sa atin bilang volunteer pa. Sa dami ng mga nurses sa atin hindi na kayang i-accommodate ng mga ospital ang mga nurse. Dahil sa hirap maghanap ng permanenteng trabaho, mas ginugusto na lang ng mga kapwa ko Filipino ang magtrabaho sa ibang bansa. Anak din ako ng isang OFW. Alam ko kung gaano kahirap ang maiwan pero naintindihan ko lahat ng mga sacrifices ng aking mama na 20 years sa ibang bansa. Dahil sa kanyang pag-alis, gumanda ng buhay namin. Nakapagtapos ako, at nakatulong siyang mapagtapos ang aking mga pinsan. Year 2008 nang nabalitaan na lang namin na hindi na pala siya na-renew sa kanyang trabaho. Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman naming. Masaya kasi magkakasama na kami sa Pilipinas, malungkot dahil wala na ang magbibigay sa amin he he he. Dahil sa nangyari, pinilit ko ang mama ko na kunin na lang niya ako para kahit papaano ay makapagsimula na rin akong magtrabaho sa ibang bansa. Iniisip ko noon na mahihirapan na kami (lalo na ako) kapag nasa Pilipinas na ang mama ko. Mahirap nang gumalaw âpag wala na kaming pera dahil kung maghahanap ka ng trabaho kailangan mo rin ng perang panggastos. Ayaw ko naman na ang ipon na niya ang gagastusin ko. Inisip ko kasi, pinag-aral na nila ako, bakit pati yung konting naipon nila eh sa akin pa gastusin. Taong 2008 ay pinili kung mag-alaga ng isang matanda rito sa Bermuda. Kaysa maging nurse, nagkasabay ang application ko rito at sa Saudi noon. Sa isang ospital sana ako sa Saudi pupunta pero nang makita ko ang pagkakaiba⦠mas malaki ang difference ng sahod dito (Bermuda) at sa Saudi. Hindi naman sa pagmamayabang, kikitain ko rito ng two weeks ang sahod ko sana sa Saudi. Pero ang kapalit naman ng malaking kita mo rito ay pananabik sa mga naiwang pamilya. Single pa ako kaya mga magulang ko ang naiwan ko sa Pinas. Pero may long term boyfriend na ako kaya ang sakit sakit nang umalis ako. Siya ang isang dahilan kung bakit ayaw ko rin umalis. Nasanay akong siya palagi ang kasama ko. Pero wala kami magawa, kailangan naming mag-sacrifice para sa aming mga pangarap. Pag-alis ko sa bahay namin bitbit ko ang mga pangarap ko sa aking pamilya na ang kapalit ay matinding pangungulila. Sa airport pa lang hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko nang magpaalam sa aking magulang. Pagyakap ko, iyak na ako ng iyak hanggang makapasok sa departure area. Nakita ko ang mga kapwa ko Filipina sa isang toilet, umiiyak din siya. Umalis daw siya sa atin ilang taon na ang nakararaan, at pag-uwi niya sa Pilipinas ay bangkay na lang ng tatay niya ang dadatnan niya. Pero mas matatag pa rin yata siya kaysa sa akin. Sabagay hindi talaga maaalis sa atin ang ganitong ugali lalo na sa mga baguhang katulad ko heâ¦heâ¦he. Sa loob naman ng eroplano pinipilit kong hind na umiyak pero hindi ko talaga mapigil. Karamihan yata ng mga kasabay ko sa eroplano ay namamaga ang mga mata, kakaiyak din siguro heâ¦heâ¦he. At nang mag-take-off na ang airplane, para na akong mamamatay. Gusto ko nang bumaba at huwag ng ituloy ang pag-alis ko. Pero wala nang atrasan, nandito na ang opportunity, umalis ako sa Pinas na may lungkot. Paglapag na paglapag ng eroplano sa airport ma pinuntahan ko, doon na bumuhas ang luha ko, hindi na ako basta- basta makauuwi. Sa unang mga araw ko rito âdi ko pa masyado naramdaman ang homesick ko dahil nandito pa ang mama ko. Pero pag-uwi niya sa Pilipinas parang gusto ko na rin umuwi. Iniisip ko na lang, ano magiging buhay namin kung uuwi ako. Sa una kong araw sa trabaho, dati âdi ko matanggap ang trabaho ko. Umiiyak na lang ako sa toilet dito, hindi ko pinapahalata na malungkot ako, mahirap na baka mapauwi ako. Mabait ang mga amo ko at pamilya niya. Parang miyembro na rin ang turing nila sa akin. Pero hindi mo rin maiiwasan kung minsan na may topak siya, kaya kung minsan pinababayaan ko na lang ang matanda. Kaya lang hanggang kailan ko kaya siya matatagalan? Kung minsan sinasagot ko na rin siya kung alam kung nasa tamang lugar ako. Minsan âdi ko na mapigilan nawawala tuloy yung âTLC" (tender loving care) ko bilang nurse nagiging âtiger lion care" na heâ¦heâ¦he. Minsan may pagsisisi rin ako kung bakit mas pinili ko ang malaking kita. Nami-miss ko ang dati kong trabaho, ang profession ko na pinaghirapan ko ng ilang taon. Pero okey lang dahil alam kong stepping stone ika nga ng mga tao rito. Balang araw sa pagtitiyaga at pananalig sa Diyos ay makakamit din ang pangarap at plano sa buhay. Maraming salamat sa GMA na nagiging inspirasyon ng mga kapwa nating Pinoy ang mga kwento nila rito. More power OFW and may all God bless us. Sincerely yours Cherry Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!