Good lover: Pinoy o dayuhan?
Kumusta kayo mga kabayan sa buong mundo? Ang aking kwento ay tungkol sa aking lovelife. Taong 2003 nang akoây nagkaroon ng kasintahang Pinoy. Hanggang sa akoây magpasyang mag-abroad noong 2006 pero nanatili naman ang aming relasyon. Ang daming promises namin sa isaât-isa. Siyempre ilang taon din kayong hindi magkikita, at iyakan hanggang sa airport. Sa mga unang araw ng aking pangingibang bansa, lagi ko siyang naiisip, nakikiusap sa aking pinsan na nagvisit-visa kung pwedeng mahiram ang cellphone niya at kunwari ay tatawagan ko lang ang aking mahal na ina. Pero ang totoo, tatawagan ko lang pala ay ang aking mahal na bf. Ganun talaga kapag love mo ang bf na naiwan sa Pinas. At ang bf naman ay magti-text sa roaming na dala-dala papunta ng abroad. Salamat na lang at may roaming na ngayon para makatipid ang ating mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas âpag magti-text. Dumaan ang dalawang buwan, nagkaroon na ako ng magandang trabaho. Ang aking bf ganun pa rin, nagti-text pa rin lagi sa roaming. Pero habang tumatagal e umuutang na kesyo wala ng budget at may babayaran sa bahay. Siyempre ang mapagmahal na gf magpapadala naman agad. At habang tumatagal ako sa ibang bansa ay palaki naman ng palaki ang inuutang o hinuhothot na ba ang tawag dun sa akin ng aking pinakamamahal na bf. Pagkalipas ng isa at kalahating taon nang pagpapahiram ng pera sa pinakamamahal na bf, biglang tumigil na siya sa pagti-text at parang naging display na lang ang roaming ko. âYon pala e may iba nang pinagkakaabalahan ang bf ko. Ang mga perang napadala ko e hindi na pala para sa negosyong pinag-usapan namin kundi sa mga babae na umaaligid sa kanya. Ang masaklap pa yung binabayarang kong motor na para sa aming dalawa sana at buwan-buwan kong pinapadalhan na pambayad e hindi pala inihuhulog, at ginagastos niya sa ibang bagay. Hay sobra na ito. At ang masakit pa, parang kasalanan ko pa dahil umalis daw ako âdi raw sana siya naghanap ng iba. Dahil sa kanyang masakit na ginawa, akoây napilitang makipag-chat sa ibang mga lahi. Hanggang may naging bf ako na isang Arabo. Kahit ayokong makipagrelasyon sa ibang lahi ay napilitan ako para makalimutan ang panggagantso at pangloloko ng aking Pinoy na bf. At ngayon ay mahigit isang taon na kami ng bf kong Arabo. Marami akong adjustments na ginawa dahil kung wala akong pasensya ay baka matagal ko nang hiniwalayan ang Arabo. Maraming nagsasabi na âdi kami magtatagal at lolokohin lang nya ako. Pero dun ko napatunayan na mali silang lahat. Ipinakilala ako ng bf kong Arabo sa kanyang pamilya, isinasama sa mga family gatherings nila. Ang aking mga kaibigan naman nagtataka dahil wala raw mga Arabo na ipinapakilala ang mga Pinay na gf sa kanilang pamilya. May mga hinala na ang mga Arabo na bf ng mga Filipina rito ay may mga asawa at anak na. Pero ang aking bf ay certified na single. Tsaka kasalanan na rin ng ilan nating kababayang Pinay dahil hinuhothutan nila ang mga bf nilang Arabo kaya hindi sila sineseryoso. Nasa saâyo na âyan kung ang hanap mo e tunay na magmamahal saâyo, âwag pera ang pagbatayan mo. Aking pinagmamalaki na akoây naiiba sa mga Filipina na narito sa UAE. Never akong humingi ng pera or any material sa aking bf na Arabo. Kaya ako'y mahal na mahal at gustong-gusto ng kanyang pamilya. Ngayon naiisip ko, sino ba ang tapat at mabait na kasintahan, Pinoy ba o ibang lahi? Kayo na po ang magpasya. â GMANews.TV Salamat. Kiray sa UAE Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!