ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Lumayo sa tukso


Una sa lahat nagpapasalamat ako sa GMANews.TV/Pinoy Abroad at binibigyan nyo po kami ng pagkakataon na masabi ang nasa loob namin kahit pangit man ang kwento. Alam nyo po malaking tulong sa akin ang pagbabasa ng inyong mga kulom. Kaya po nandito ako para masabi ka rin ang mapait kong karanasan dito sa Kuwait. Since 1997 until now nasa abroad pa rin po ako as care giver. Una po sa Taiwan nagkaroon po ako ng karelasyon na Pinoy na may asawa. Actually po ‘di ko ugali na magpapansin sa lalaki. Sila po ang kusa na lumalapit at nagpupumilit na gustuhin ako. Tumagal po kami ng years, tapos after that nagkahiwalay kami dahil nagtapos na ang kontrata ko. After three months nakabalik ako ng Taiwan at nagkaroon naman ako ang karelasyon na may asawa. Nagkaroon ako ng sexual relationship sa kanya kasi sabi niya pakakasalan niya ako. Pero yun pala ay kasinungalingan lang.


Sana po bilang payo ko sa mga kababayan ko na nasa abroad, ‘wag kaagad magtiwala sa mga matatamis na dila ng lalaki.
Iyon ang una kong karanasan sa sex. Siya po ang naka-una sa akin dahil malaki po ang tiwala ko sa kanya dahil nga inakala kong binata siya yun pala lolokohin niya lang ako. After ng 2 years umuwi na ako ng Pinas at pumunta naman sa UAE. Doon ko naman naranasan ang pananakit ng amo nang sapakin ako kaya po sobra ang hirap na naranasan ko sa UAE. Hindi po ako nakatapos ng kontrata dahil nag-away po kami ng amo ko. Taong 2005 nang pumunta ako sa Kuwait as caregiver. After 2 years ay may nakipagkilala sa akin na Pinoy at sabi niya hiwalay na siya sa asawa. Ayon po nagtiwala ulit ako at may nangyari sa amin. Hanggang sa magsawa na po ako dahil ubod siya ng sinungaling at parang balewala ako sa kanya. Kahit po maraming nangyari sa amin, ‘di po ako nanghinayang sa kanya dahil sinungaling nga. Alam nyo po, ang gulo ng isipan ko kung bakit puro paghihirap ang nararanasan ko dito sa abroad…puro kabiguan. Sana po bilang payo ko sa mga kababayan ko na nasa abroad, ‘wag kaagad magtiwala sa mga matatamis na dila ng lalaki. Naghahanap lang sila ng panakip-butas sa kalungkutan nila. Sana nga po matuto na ‘ko sa mga bad experiences ko. Totoo po na madaling magkasala dito sa abroad kaya tayong mga babae ay kailangan maging matatag sa anuman tukso. ‘Yan lamang po ang maibabahagi ko tungkol sa buhay abroad. Marami pong salamat sa PINOYABROAD/KuwentongKapuso. Ito po ang lagi kong binabasa gabi-gabi dito sa Kuwait. Kasi po malaki po ang tulong sa akin nito at ito po ang inspirasyon ko para hindi po ako malungkot dito sa Kuwait . More power to all GMA staffs. Miss M of Kuwait Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!