Buhay Abroad
Kumusta mga kababayan! Eto uli ako nag-post ng blog para sa mga kababayan nating nasa ibaât- ibang lugar ng mundo. Alam ko madami sa atin ang nagbabasa ng mga blogs sa Pinoy Abroad. Bukod kasi sa nakakatulong ito para maibsan ang ating kalungkutan sa pagkakalayo natin sa pamilya, nabibigyan pa natin ng sapat na kaalaman ang iba nating mga kababayan na balak pa lang o first time na mag-abroad. Kung maayos lang sana ang patakbo sa gobyerno natin hindi na natin kailangan mangibang bayan âdi po ba? Kung mag-a-abroad man tayo siguro mamasyal lang tayo para naman makakita tayo at makarating sa ibang lugar. Pero malabong mangyari na mabago pa ang sistema sa gobyerno natin. Imbes na papunta tayo sa kaunlaran lalo lang naghihirap ang ating bayan. Kaya nga nandito tayo ngayon sa ibang bansa hindi para mamasyal kundi maghanap ng magandang trabaho at sweldo. Pero alam naman natin na lungkot ang kalaban nating mga OFW. Lalo naât makaka-encounter tayo ng iba nating kababayan na parang âdi kumikilala ng kalahi nila. Siguro ang tama nating gawin ay ang maging friendly hindi lang sa kababayan natin kundi maging sa ibang lahi. Friendly sa tamang lugar at kilos lamang dahil may bansang conservative at kailangan natin igalang ang kultura ng bansa kung saan tayo naroroon. Totoo nga po na malaki ang naitutulong sa pamilya natin ang magandang kinikita natin dito sa ibang bansa. Kung dati ay âdi natin agad maibigay ang gusto ng pamilya natin nang nasa Pinas pa tayo, ngayon kahit papaano ay napapatikim na natin sa kanila ang kaunting kaginhawaan. Pero iyon ay depende sa laki ng kinikita ng bawat isa sa atin. Minsan ang pag-a-abroad din ang nagiging ugat ng inggitan sa pamilya o sa mga kapitbahay natin. Iyan naman talaga ang madalas mangyari âdi po ba? Para po sa akin ay biyaya ng Panginoon kung tayo po ay makakapag-abroad. Sa dami po ng nag-aaply sa mga agency diyan sa atin sa Pinas, napakasuwerte na po natin kung isa ka sa matatanggap papuntang abroad. At kung nakarating ka na sa ibang bansa sana huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay sa atin. Maging mas malapit tayo sa Panginoon nang sa ganoon ay maiwasan natin ang temptation sa abroad. Lagi po nating tatandaan na ang âtrials" po ay si Lord ang nagbibigay, ngunit ang âtemptation" ay galing sa masasama. Mahirap po kasing magsalita ng tapos; na isa akong tuwid at mabuting tao kasi wala namang perpekto sa atin. Ang pagmamahal ko na lang po sa pamilya ko at higit sa Panginoon ang siyang nagiging sandata ko laban sa mga tuksong nakakaharap ko sa araw-araw na pamumuhay dito sa ibang bansa. Isipin na lang po natin na kaya tayo nagtitiis sa sobrang kalungkutan, sobrang init o sobrang lamig ay upang makatulong tayo - hindi lang sa pamilya natin - kundi para na rin sa iba nating kababayan at sa ating bansa. Minsan nakikita natin ang ibang kababayan natin na para bang hindi nanghihinayang sa pera na kinkita nila sa abroad. Nandiyan ang pumupunta pa sila sa mga club, minsan naman bili ng bili ng mga makabagong electronic gadget kahit meron pa sila. Masabi lang ba na nakasasabay sila sa uso. Pero ang pamilya naman nila ay âdi mapadalhan ng sapat. Dapat po ay gumising na tayo sa mga pagkakamaling ito habang may panahon pa tayo at hindi pa huli ang lahat. At hindi nawawala sa pag-a-a-abroad ang magkaroon ng âbawal na pag-ibig." Ang dahilan po ng iba ay âdi nila kayang tiisin ang lungkot; ang iba naman po ay talagang nakagawian na niya ang ganito. Alam po ba natin na maaring isang pamilya ang masira natin kung papatol tayo sa may mga may pananagutan na? Paano kung may mga anak na sila? Gusto nyo bang kamuhian kayo ng mga asawa at anak ninyo? Oo ngaât masarap ang pakiramdan kung may napapasagot ka o may nagiging GF o BF ka sa abroad ngunit âyan po ay pansamantala lang at may masamang karmang kapalit. Kaya nga po hanggang maaga pa ay putulin ninyo ang bawal na relasyon. Pinapatawad ng Panginoon ang mga taong nagsisisi sa kanilang mga nagawang kasalanan kung itoây hindi na nila muling gagawin o uulitin. At sa mga kababayan po natin na nag-iisip na ganoon kadaling kitain ang pera sa abroad, nagkakamali kayo. Hindi po ganoon kadali dahil ang dami po naming naisasakripisyo kapalit ng perang kinikita namin dito. Nandiyan ang hindi mo makita at nasusubaybayan ang pag-aaral at paglaki ng mga anak mo. Ako nga âdi ko man lang nakikita ang first baby ko âpagkapanganak ng misis ko this July. Hindi pa kasi schedule ng vacation ko. âYong iba âdi nila maalagaan ang mga kapamilya nilang maysakit o nangangailangan ng pag-aaruga nila. Minsan pag-uuwi ka na kailangan kahit papano may pasalubong ka sa mga kapitbahay mo para âdi nila isipin na nagbago ka na. Okey lang po na minsan mamahagi tayo ng biyaya na binigay sa atin ni Lord sa tamang paraan lamang. Sa mga makababasa nito, hindi ko hinuhusgahan ang mga taong alam kong nalilihis ng daan. Ang sa akin lamang ay may panahon pa para makapag isip-isip tayo kung ano ang tama at maling landas na tatahakin natin. Nasa atin po ang pagpili at kung ano man ang mapili natin ay maging handa kang tanggapin ang magiging kapalit nito. At sa ilan nating kababayan na minsan sobrang taas ang tingin sa sarili nila, magbago na po tayo nang sa gayun ay mahalin kayo ng kapwa ninyo at pagmalasakitan. Ang âBuhay Abroad" ay puno ng kalungkutan, malapit sa tukso at maraming pagsubok na pagdadaanan. Kaya kung tayo po ay may balak na mag-abroad ay dapat na magiging matatag ka sa mga bagay na nabanggit ko. Kasi kung hindi ay kabiguan ang matatamo natin. Sana ay nabigyan ko kayo ng kaunting kaliwanagan. Ingat pong lahat ang mga kababayan nating mga OFW, maging matatag po tayo at manalig sa Taas nang sa gayun po ay lagi niya tayong gabayan tungo sa kabutihan. Salamat mga Kapuso at sa PinoyAbroad, more power! God Bless To All! CERI11072008(DubaiI)