ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Hindi alipin ang OFWs


Gandang araw. Nabasa ko ang 'Puna sa Tsokolate' ng isang kababayan natin. Nakakatawa ang mga nakasaad sa kanyang 'blog' o kung anuman pwede nating itawag doon. Nakakatawa in a way na parang ignorante sa kasalukayang estado ng buhay ng tao. Ayon sa kanya, tanggap niya na tawagin ang Pilipinas na ‘Nation of Servants.’ Pero naisip ba niya kung ano ginagawa niya nung isinusulat o tinayp niya ang mga yun? Ano kaya ang trabaho niya? Nasa Pilipinas kaya siya o isa ring OFW na ''nagpapaalipin? Manager kaya siya ng isang malaking kumpanya? Pero masasabi mo ba na hindi ka nagpapaalipin kung manager ka ng isang kumpanya? I doubt it. Alipin ka pa ring matatawag kung ang tingin mo sa mga OFW ay mga alipin. Alipin ka rin ng kumpanyang pinapasukan mo. Hindi naman kesyo ikaw ang pinakamataas sa kumpanya mo e hindi ka na nagtatrabaho. Oo, masasabi natin na ang trabaho mo ay masarap kasi malaki ang kita. Nabibili mo ang mga gusto mong bilhin pero ang laman din lagi ng isip mo e ano? PERA din. Tama hindi ba?


Animal instinct. Bakit ka titigil sa isang lugar kung alam mo na hindi ka mabubuhay dito? Tama ba?
– A guy from somewhere
Mali kasing sabihin na alipin ang isang tao kung ang ginagawa niya ay hindi sapilitan. Oo may kapalit pero yung ang reward sa ginagawa mo. Umaalis ang mga taong may “dekalidad na isip" sa ating bansa dahil sa oportunidad. Sa Pilipinas maraming oportunidad kaso sa dami ng tao sa Pilipinas ay hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na ito. At sa mga taong hindi nabigyan ng oportunidad, sa ibang lugar sila naghahanap ng oportunidad. Animal instinct. Bakit ka titigil sa isang lugar kung alam mo na hindi ka mabubuhay dito? Tama ba? Tama. Sabi nga ni Bizjoker ang mga 'aliping' OFW na ito ang inaasahan ng mga banyagang ''nang-aalipin.'' Para sa sumulat naman ng 'Tsokolate', wala lang…natatawa lang ako...Peace. A guy from somewhere Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!