ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Eroplano (2)


(Karugtong) Minsan nga, kapag nagbakasyon ang boss ko, o yung isang boss ay nagkasakit, kailangan kong bantayan ang lahat ng department na hawak nila. Sabi nang General Manager namin sa department head ko, “I guarded the front office like a dog," dahil bantay ko daw lahat, para walang makakagalaw sa department namin kahit wala ang mga amo. Ganun kasi ako karesponsable at ganun ko kamahal ang trabaho ko at ang mga taong nakapaligid sa akin. Sobrang tulong ang ginagawa ko sa kanila hanggang sinabi ko sa sarili ko na tama na ito… tigil na. Nag-aplay ako ng work sa ibang company, pero nang magresign ako hindi ako pinayagan ng General Manager naming. Napakabait niya sa akin, kahit na kinatatakutan siya ng lahat. Iyan naman ang maipagmamalaki ko sa aking trabaho, mahal ako ng mga boss ko kasi iba ako sa work. Halos tratuhin nila akong anak kaya siguro ‘yan ang ikinagagalit ng iba sa akin. Sabi ng GM namin, if gusto ko raw magbakasyon puwede naman daw yun, babayaran pa ng company ‘wag lang daw ako magresign. May expansion kasi ang hotel namin kaya gusto ng boss ko na manatili ako roon. Binigyan nya ako ng ibang choice na kung ayaw ko raw sa front office, sa accounting department daw ako ililipat kasi may background naman ako roon. Ngunit kapag nag-open na yung isang hotel, ililipat uli ako sa front office.


Tinanggap ko ang alok niya kahit ikinagalit pa yun ng boss ko sa front office. Hindi niya ako kinausap simula nang lumipat ako ng accounts. Pero para sa akin, lahat tayo ay may karapatang pumili kung ano ang gusto natin kapag nabigyan ng pagkakataon.
– Wheng from China
Tinanggap ko ang alok niya kahit ikinagalit pa yun ng boss ko sa front office. Hindi niya ako kinausap simula nang lumipat ako ng accounts. Pero para sa akin, lahat tayo ay may karapatang pumili kung ano ang gusto natin kapag nabigyan ng pagkakataon. Taong 2007, nagsimula akong magtrabaho sa accounts. Okay naman sana ang work ko roon, hindi pressured at okay pa ang mga katrabaho. Mga ibang lahi kasama ko sa work pero super bait sa akin. Para nga akong bunsong kapatid nilang lahat kasi ako ang pinakabata sa kanila. Matulungin ako sa lahat at lagi akong ngumingiti. Tuwang tuwa sila sa akin kasi sobrang parang bata ako minsan, masyado kasi akong napaagang sumabak sa responsibilidad kaya minsan laro pa ring pambata ang gusto kong gawin at kung umakto para pa ring bata. Doon ko naging kaibigan si Kuya R. Isa siyang graphic artist at ang office niya katabi lang ng office namin. Lagi kaming sabay kumakain kasi super mabait talaga siya kaya kuya siya ng lahat. Nagtrabaho na siya sa China for 10 years at sobra daw maganda ang treatment sa kanya roon. Maganda raw ang China dahil napaka-progressive na ngayon. Sinabi niya sa akin kung bakit ‘di ko i-try mag- aplay sa hotel sa China. Puwede raw akong maging manager doon. Malapit na raw ang Olympics noon kaya maraming hotel ang may hiring. Ang sabi pa niya sa akin, ang ugali ko daw ang gustong-gusto ng mga Tsino kasi malambing, palatawa, may confidence at smart. Inisip ko, bakit nga ba hindi, if may confidence ang kaibigan ko sa akin, dapat ako rin, kailangan ko lang gawin. Nangarap na naman ako na maging isang manager one day. I told myself in jest, "kapal ng mukha mo, gusto mong maging manager," pero bakit nga ba hindi?

May 8, 2009 naka-receive uli ako ng e-mail from the same company at tinatanong ako if magkano ang sahod na gusto ko. Sobra akong natuwa, matapos ang ilang e-mails na palitan, pinadalhan ako ng kontrata ng kumpanya noong May 13, 2009.
– Wheng from China
Nagsimula akong mag-aplay sa China trough e-mail pero unfortunately walang positive response. Ang sabi ni kuya R. sa akin, sige lang daw ng sige hanggang may makuha, kaya hindi rin ako tumigil. May 3, 2007 nag-aplay ako as Guest Service Manager sa isang hotel sa China. Feeling ko nga supervisor lang ang experience ko pero kinapalan ko na ang mukha ko na mag-aplay bilang manager. Kakayanin ko kasi nakaya ko nga dati, makakaya ko ulit. May 5, 2009 nagkaroon ng negative response kaya na disappoint ako ng konti. Pero sinabi ko sa sarili ko, “okay lang may work pa naman ako, ‘di naman ako nagmamadali." May 8, 2009 naka-receive uli ako ng e-mail from the same company at tinatanong ako if magkano ang sahod na gusto ko. Sobra akong natuwa, matapos ang ilang e-mails na palitan, pinadalhan ako ng kontrata ng kumpanya noong May 13, 2009. Napakaganda ng benefits nila -- free food and accomodation and net off tax pa ang salary. Sobrang thankful talaga ako kay GOD sa blessings na nakuha ko. Nagresign ako sa company sa Dubai at kahit hindi man naging madali ang pagtanggap ng boss ko sa aking resignation pero kailangan ko nang umalis. Para sa akin, nagawa ko na ang dapat kung gawin sa lugar na iyun, gusto ko namang makaranas ng ibang lugar. Sinabi ng GM ko na welcome ako bumalik kahit ano mang oras tumawag lang daw ako. Sobra akong nagpapasalamat sa mga experiences ko doon, isa iyon sa mga experience ko sa buhay na hindi ko matatawaran. Isang kayamanan na dadalhin ko kahit saan man ako magpunta. July 2007 nang dumating ako ng China. Hindi din ganun kadali ang mamuhay sa China. (Itutuloy) - GMANews.TV Wheng of China Eroplano (1) Eroplano (3) Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!