Kababayan bakit iniiwasan?
Magandang araw po sa ating mga kababayan saan mang sulok ng mundo kayo naroroon. Nawaây ang pagpapapala ng Diyos ay sumaatin lagi. Nais ko lang magkomento sa kuwento tungkol sa 'huwag tatalikuran ang kabayan.' Iyan po ay totoo at dapat naman na magtulungan ang mga kapwa Pinoy na nangangailangan ng tulong. Subalit âdi natin masisi kung may mga Pinoy na ang ugali ay paiwas lagi sa kapwa Pinoy o maging isnabera't isnabero, at ayaw ng magtiwala. Kasi po sa aking experience noong ako ay nasa Thailand, doon ko nakilala ang kapwa Pinoy na nagsamantala sa kahinaan ko. Niloko ako at sa iba pa nating mga kapwa Pinoy sa Bangkok o marahil sa ibang panig din ng Thailand. Wala siya pinipili lalo na pagdating sa pera . Kahit anong klaseng tao - mabait, malupit, bakla, tomboy, babae, lalaki, mayaman o mahirap â kahit sino inuutangan niya. Ang kapal ang face niya dahil kahit may pambayad na siya ay kusa siyang tumatakas. Kaya naging ga-bundok ang utang niya hanggang ngayon. Tago siya nang tago sa mga inutangan niya kaya kawawa yung mga tao. Kaya mula noon ay natutunan ko yung lesson na huwag basta-basta magtitiwala. At minsan po may ugali na ako na nang-iisnab kasi naiisip ko na mabuti pang âwag na lang makakilala ng Pinoy kung siya rin lang naman ay katulad ng nakilala kong manloloko sa Thailand. Isa siyang professional swindler kung tawagin namin. Napakahirap na pong magtiwala kapag nagkaroon ng hindi magandang naranasan sa kababayan. Kaya naiintindihan ko rin po yung ibang tao kung bakit ganun ang pag-iisip nila. Pero kung likas na mapagmataas sila kahit wala namang kapwa Pinoy na gumagawa ng masama, at natural na sa kanila yung ugaling yun, wala na po tayong magagawa. Sana lang magmilagro si God na baguhin sila, anyway dito naman po sa mundong ibabaw ay nagkalat ang masama at mabuting tao. âDi lang talaga maiwasan na ma-meet natin sila pareho. Kaya nga po sa Thailand may mga tao akong ayaw na ayaw ko at may mga tao akong mahal na mahal ko. Yung mga tao na may puso at totoo. Pero kahit papaano ay nagta-try pa rin akong makipagkaibigan sa mga new Pinoy dito sa bansang tinitirhan ko. Yun nga lang, nag-iingat na lang at kapag pera na ang usapan lalo na't kung malaking halaga. Lahat po sila ipinagdarasal ko. Ang akin lang, anuman na mayroon kami sa ngayon - malungkot, masaya, very blessed or nagsa-suffer - yun po marahil ay prudukto ng ating mga gawain. Kasi ang Diyos marunong magbigay ng gantimpala at pagpapala sa mga mabubuti at pagpapala or pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa masasamang tao. Kung magbabago sila, tatanggapin niya. âYan lang po at God Bless sa ating lahat. Liza ng Germany