ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Bawal na Pag-ibig


Nasa Dubai ako ngayon, three years na ako rito. Mayroon akong boyfriend na Pilipino. Mahal na mahal ko siya kahit na alam kong hindi naman kami magkakatuluyan talaga. Yes, isa po ako sa mga taong na-involve sa may-asawa na.

Dati, mayroon akong kaibigan sa Pilipinas na nagkaroon din ng affair sa isang married man, pinagsabihan ko siya. Hindi ko maisip na ako rin pala ay mapapasok sa ganitong sitwasyon.

Dati, mayroon akong kaibigan sa Pilipinas na nagkaroon din ng affair sa isang married man, pinagsabihan ko siya. Hindi ko maisip na ako rin pala ay mapapasok sa ganitong sitwasyon.
– Nicole
Dalaga ako, walang anak. Unang-una pa lang naming pagkikita sinabi na niya sa akin na may asawa at dalawa na siyang anak. Maayos naman kami, napag-usapan namin na hindi talaga kami magtatagal, hindi kami forever. Alam namin sa isa’t-isa kung saan kami dapat lumugar. Alam kong hanggang dito lang ang relasyon naming…walang patutunguhan kahit pa naka-one year. Alam kong bina-value niya ang family niya sa Pinas. Ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi lalaki ang mga anak niya na hiwalay ang pamilya. Hindi naman siya nagkukulang sa mga pangangailangan nila, hindi siya nagbago sa kanila. Kahit nga ako, pinapaalalahanan ko rin siya kung sa tingin ko hindi na siya nakakatawag. Ayaw ko kasing mawasak pamilya niya or maging dahilan ako.

hindi lahat ng mga pumapasok sa ganitong relasyon ay sinasadya. Masasabi ko lang na nagmamahal ako hindi nga lang siguro sa tamang panahon
– Nicole
Ang sabi pa nga ng mga kaibigan namin, weird daw yung relasyon namin. Alam naman namin na hindi talaga puwede pero patuloy pa rin kami. Alam ko na mahal niya talaga ako – at ganun din naman ako sa kanya. Pero kaya ko siyang pakawalan pagdating ng panahon. Alam din niya na darating ang panahon na magpapakasal ako sa iba…weird nga yata talaga kami. Basta ang alam namin masaya kami sa isa’t-isa. Masaya kami kung anong mayroon kami ngayon. Pero hindi rin mawawala ang tanong -- hanggang kailan? Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang istorya ko para malaman ng iba na mayroon talagang nangyayaring ganito. Pero hindi lahat ng mga pumapasok sa ganitong relasyon ay sinasadya. Masasabi ko lang na nagmamahal ako hindi nga lang siguro sa tamang panahon – GMANews.TV Nicole ng Dubai Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!