Nagpapasamalat po ako unang-una sa inyo dahil nagkaroon po ng ganitong kolum ang mga katulad naming OFW na nagsasakripisyo sa ibang bansa. Mabuhay po tayong lahat. Nais ko lamang pong i-share sa inyo ang aking naging karanasan dito sa Middle East. Tawagin nâyo lamang po ako sa pangalang Mary. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho sa isang Hotel dito. Maayos naman po ang aking company at marami na rin akong natulungang mga kamag anak na galing pa sa Pilipinas. May mga natulungan din akong makapasok sa parehong hotel na pinagtatrabahuhan ko. Ngunit sa sobrang nais kong makatulong, âdi ko na inisip ang sarili ko. Lahat ng mga malalapit sa akin na gustong pumunta rito ay tinulungan ko dahil maganda naman ang aking record sa aming company. âHindi naman ako kahit minsan tinanggihan ng amo ko sa mga ipinasok ko. At ang huli kong ipinasok ay ang asawa ng aking pinsan. Naawa ako sa kanya dahil ang dami-dami na niyang inaplayan diyan sa Pinas pero âdi siya makaalis-alis. Umuwi ako sa atin nang May at pagbalik ko nang June rito ay agad kong inayos ang visa nâya, so madaling salita, in a month by August she came here in Dubai. Wala akong ibang hinangad kundi ang makatulong.
But after a month only, nakaroon siya ng boyfriend dito na isa ring empleyado ng aming company. Kinausap ko siya na hindi ko naman puwedeng panghimasukan ang buhay niya. Ang sa akin lang, huwag niyang pabayaan ang kanyang pamilya na nasa Pinas.
â Mary
But after a month only, nakaroon siya ng boyfriend dito na isa ring empleyado ng aming company. Kinausap ko siya na hindi ko naman puwedeng panghimasukan ang buhay niya. Ang sa akin lang, huwag niyang pabayaan ang kanyang pamilya na nasa Pinas. Mayroon na siyang 3 anak at ang asawa naman niya ay nasa Qatar. Ngunit sa bandang huli ay humantong lang sa wala ang kanilang relasyon. At iyong naging boyfriend niya rito ay galit sa kanya. Halos lahat daw ng pera niya ay nakuha ng asawa ng pinsan ko. Wala siyang narinig sa akin na kahit ano kahit na siya ang naging usap-usapan ng mga ka-opisina namin. Wala pang isang buwan nagkaroon na naman siya ng relasyon sa isang manager dito sa kabilang hotel namin. Kahit ano ang marinig ko rito âdi pa rin ako nagsalita dahil noong bago palang siya dito ay sinabihan ko na siya. Ngunit isang araw may nadiskubre ako na kahit kailan sa buong buhay ko ay âdi ko inakalang mangyayari. Tulad niya, ako ay may asawa at anak na rin. Ang asawa ko ay nasa Qatar kasama ng asawa niya. Pero mas nauna akong umalis sa asawa ko. Taong 2004 ay nandito na ako at nagtatrabaho, at ang asawa ko naman ay 2007 nang makaalis ng Pinas.
Hindi ko akalain na âyon palang nababalitang kabit ng asawa ko at ang babaeng tinulungan at pinagkatiwalaan ko ng sobra ay iisa.
â Mary
Naiwan sa biyenan ko ang mga anak ko. Hindi ko alam na bigla na lang na âdi ko na sila makontak. Araw at gabing iniiyak ko iyon sa asawa ng pinsan ko. Bakit nagkaganoon ang sitwasyon ko. May nagsabi raw sa Tita ko kaya daw nila itinatago ang mga anak ko dahil mayroon akong boyfriend dito. Tinanong ko ang pinsan ng asawa ko kung siya ba ang nagkakalat ng ganoong balita sa Pinas. Pero siyempre itinanggi niya âyon. Dahil nga God is really great, itinuro niya sa akin ang mga sagot sa tanong ko nang mabuksan ko ang email ng asawa ko. Doon ko nakita ang isang sulat sa babaeng kapangalan ng asawa ng pinsan ko. So ang ginawa ko, nag-sign in ako sa Yahoo Mesenger na ID ng asawa ko ang gamit ko, at doon nakita ko na online ung email ID na sinulatan ng asawa ko. Nag-try ako na i-chat ang asawa ko at sumagot naman. Hinuli ko sila at nahuli ko naman pero wala pa rin akong idea kung sino ang babae. Ang ginawa ko, tinawagan ko ang asawa ng pinsan ko para sabihin sa kanya na nahuli ko ang asawa ko na may babae at ka name pa niya. Pero bago ko nasabi âyon ay bigla na lang nag-appear sa screen ko na, "kausap ko sa phone ang asawa mo at may binabanggit siya na email mo daw ay nabuksan niya." Hindi ko na alam pa kung ano ang sumunod na nangyari. Basta naibaba ko na lang yung phone at nanginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam na âyon palang nababalitang kabit ng asawa ko at ang babaeng tinulungan at pinagkatiwalaan ko ng sobra ay iisa. Nang magkita kami sa bahay, ipinamukha ko sa kanya na kaya naging sirang sira ako sa pamilya ng asawa ko ay dahil siya ang may gawa ng lahat. Nais pala niya kaming paghiwalayin na mag-asawa. Siguro sa sobrang hiya niya kung mayroon nga siya nun, nagresign siya sa work at umuwi ng Pinas. Sa ngayon hiniwalayan ko na rin ang asawa ko dahil hindi ito ang unang pagkakataon na niloko niya ako. Ok naman na ang aking buhay. Kahit pa nag-iisa rito at nagsasakripisyo alang-alang sa mga anak ko. Salamat po ng marami at na i-share ko ang aking story. Sana po ay maging aral ito sa lahat na huwag basta basta magtitiwala. -
GMANews.TV Mary ng Dubai Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa
Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!