(Karugtong) Ngunit dumating ang pagkakataon na naisip ko na sa sobrang pagmamahal ko sa kapwa ko ay nakakalimutan ko na pala ang aking sarili. At may age na 28 ay wala pa pala akong kasintahan. Habang sa may nakilala akong isang babae habang nagbabakasyon ako sa Pilipinas. Buwan ng Agosto noon, nakipagkaibigan ako sa kanya at nagkapalagayan kami ng loob. Habang nasa Pinas ako ay lagi kaming nagte-text at tinatawagan ko siya. Hanggang sa magkahulugan kami ng loob. Sa totoo lang, napakatalino niya. At her age by that time (21), âdi pa siya nagko-college at nagtatrabaho siyang waitress sa Maynila para masuportahan ang kanyang pamilya sa Mindanao. Siya lang kasi ang inaasahan ng kanyang pamilya na susuporta sa kanila ksi wala na rin siyang ama. Matalino sya, she graduated sa elementary at highschool bilang Valedictorian. Kaya nanghinayang ako at nagdesisyon akong pag-aralin siya sa kolehiyo at kumuha ng kursong Nursing. Ramdam ko kasi ang kanyang dinaranas na paghihirap at pangarap na makatapos ng pag- aaral. Halos nakita ko sa kanya ang hirap na dinanas ko noong ako ay nag-aaral pa rin lang. Kaya âdi ako nag-atubili na pag-aralin siya. Naging maganda ang aming relasyon kahit na magkahiwalay kaming dalawa. Kahit na narito ako sa Riyadh ay ginagawa ko ang obligasyon ko sa kanya.
Patuloy ko siyang sinuportahan at kadalasan ay nagiging katuwang pa niya ako sa expenses ng family niya. Kasi nga âdi na siya nagwo-work kaya ako na rin ang sumusuporta sa pamilya niya kahit papaano.
â Z.S.
Lalo akong nagsumikap sa aking pagtatrabaho kasi marami na akong obligasyon sa Pinas. Marami na akong pinag-aaral, marami na akong tinutulungan. Wala kaming naging problema ng girlfriend ko, lahat ginagawa ko at ibinibigay ang mga kailangan niya para matapos ang kanyang pag-aaral. Magastos ang kanyang kurso kasi sa Maynila siya nag-aaral. Pero ganoon pa man, todo suporta ako sa kanya. Wala siya narinig na kahit na anong galit sa akin kasi gusto kong matupad niya ang pangarap niya sa buhay. Hanggang dumating ang isang pagkakataon na lalong lumaki ang gastusin ko sa Pinas nang magkasakit ang isang mahal ko sa buhay. Lalong lumaki ang aking gastusin pero kahit ganoon ang aking dinaranas ay âdi pa rin ako nakalimot sa girlfriend ko. Patuloy ko siyang sinuportahan at kadalasan ay nagiging katuwang pa niya ako sa expenses ng family niya. Kasi nga âdi na siya nagwo-work kaya ako na rin ang sumusuporta sa pamilya niya kahit papaano. Inunawa ko ang lahat, halos ibigay ko na ang buong buhay ko⦠ang buong pagkatao ko para lang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan niya. And pasalamat ako kay God kasi âdi niya ako pinapabayaan at kinakaya ko ang lahat. Dumating ang time na halos sumuko ako sa expenses. Kasi nagkasabay-sabay na ang gastusin. Pero âdi pa rin ako bumigay, ayaw ko rin naman masayang pinag-aralan ko kasi nanghihinayang ako. Sa ngayon ay 31 yrs old na ako at 25 naman ang girlfriend ko. Nagkaroon kami ng mabigat na problema, graduating na siya sa kursong nursing. Kahit na naghihirap ako now sa finances, todo support pa rin ako. Pero bakit dumarating ang time na parang âdi ako nauunawaan ng girlfriend ko? Bakit parang lagi pa siyang galit at âdi niya naiintindihan ang situation ko.
Sa ngayon ay 31 yrs old na ako at 25 naman ang girlfriend ko. Nagkaroon kami ng mabigat na problema, graduating na siya sa kursong nursing. Kahit na naghihirap ako now sa finances, todo support pa rin ako.
â Z.S.
Naroon ang nagagawa pa niya akong pagsinungalingan at âwag magsabi ng totoo. Naglilihim siya sa akin lalo na sa mga gastusin na hindi naman pala totoo. Kapag kino-confront ko siya ay lagi pa siyang nagagalit. Lagi niyang sinasabi na âdi niya ako niloloko at totoo ang sinasabi niya sa akin. Pero alam ko nagsisinungaling siya kasi nahuli ko siya. Ang paghingi niya sa akin ng P20K, sabi niya ipambabayad na niya ng next tuition fee. Sabi niya nagbayad siya at wait lang daw niya ang resibo. Kaya nakakuha na raw siya ng exams niya. Nagtaka ako after one day ay nagtanong pa rin siya na kailan niya ulit ng 20K. Kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko ang school nila at doon ko nalaman na âdi pa siya nagbabayad. âDi pa pala niya naibabayad ang pinadala kong P20K para s tuition nya. Bakit kailangan niya akong pagsinungalingan, bakit âdi niya maisip ang hirap ng isang OFW. Hindi niya nararamdaman ang hirap dito, bakit pa niya nagagawang magsinungaling sa akin gayong tinutulungan ko na nga siyang matupad ang mga pangarap niya. Bakit may mga taong ganito sa mundong ibabaw? Biglang dumami ang aking mga katanungan, nalito ako, âdi ko alam kung saan ako nagkulang. Halos made-depress ako sa aking natuklasan. Hindi niya maipaliwanag sa akin ang lahat bagkus ay galit pa siya. Hindi niya ako kinausap until now. Nalaman ng buong family niya ang ginawa niyang ito at galit na galit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganoon, hindi ko alam kung bakit kung kailan malapit na niyang maabot ang kanyang pangarap ay saka pa siya nagkakaganito.
Bakit kailangan niya akong pagsinungalingan, bakit âdi niya maisip ang hirap ng isang OFW...tinutulungan ko na nga siyang matupad ang mga pangarap niya. Bakit may mga taong ganito sa mundo?
â Z.S.
Napakahirap talaga ng isang OFW, masakit sa kalooban pero kailangan mong magtiis. Napakahirap kalabanin ang emosyon, sa problema, sa financial at sa lahat-lahat pa. Minsan naiisip ko, kung tama pa ba ang mga ginagawa ko para sa kapwa ko? Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Ang hirap talaga maging isang OFW. Sa ngayon magulo ang utak ko. âDi ko alam kung saan patutungo ang relasyon namin ng girlfriend ko. Di ko alam kung paano, kasi mahal na mahal ko pa rin siya. Pero feeling ko âdi niya pinapahalagahan ang aking paghihirap at ginagawang kabutihan sa kanya. Kahit minsan hindi ko siya niloko, lagi na kaming nagkakagalit this year dahil sa pagsisinungaling niya. Hay! napakahirap at napakabigat sa kalooban, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, hindi ko alam kung saan ako patutungo. -
GMANews.TV Z.S. ng Saudi Naguguluhan sa pinag-aaral na katipan (1) Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa
Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!