Magandang araw po sa lahat ng ating mga kababayan at sa lahat ng bumubuo ng GMANews.TV. Ito ay patungkol sa liham ni Nicole (bawal na pag-ibig) at Emelda (durog na puso sa bawal na pag-ibig) na aking nabasa. Nais ko lang ibahagi sa inyo ang pakiramdam ng taong mas higit na naagrabyado sa ganitong klaseng pag-ibig o bawal na relasyon. Taong 2005, isang pagsubok ang dumating sa buhay naming mag-asawa ng magkaroon ng kalaguyo ang aking mister habang siya ay nagtatrabaho sa ibayong dagat. Wala akong kamalay-malay na may ginagawa na palang hindi maganda ang aking mister. Araw-araw naman kasi kaming nag-uusap at dahil na rin siguro malaki ang tiwala ko sa kanya na âdi niya ako pagtataksilan, pero mali pala ang lahat. At dahil sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos sa akin, itoây aking natuklasan nang magbakasyon ang aking mister sa Pilipinas. Dahil nawalan siya ng isang mahal sa buhay at naniniwala ako na ito ang naging paraan ng Lord para mabunyag ang lahat. May kasabihan tayo na walang lihim na hindi nabubunyag at isa rin ito marahil sa naging kabayaran sa kasalanan ng asawa ko.
Nakadadagdag pa sa sakit nanararamdaman ko yung mga text messages na natatanggap ko sa babaeng âyon at halos patayin na niya ako sa mga messages niya sa akin.
-- April
Kung masakit para kina Nicole, Emelda at sa iba pang mga babae na gumagawa nito, mas durog ang puso at doble or triple pa ang sakit na nararamdaman ng tunay na asawa. At isipin na rin kung ano ang magiging epekto nito sa mga anak. Mas gugustuhin ko pa na masugatan ng pisikal kasi ano mang oras puwede mo itong gamutin para maibsan ang sakit. Pero hindi katulad ang sugat sa emosyonal napakatagal bago mawala ang sakit. Mahabang panahon ang hihintayin mo bago maghilom ang mga sugat. Nakadadagdag pa sa sakit na nararamdaman ko yung mga text messages na natatanggap ko sa babaeng âyon at halos patayin na niya ako sa mga messages niya sa akin. Sabihin bang âmamatay na daw ako." Pero alam ko na ang lahat ng iyon ay babalik sa kanya dahil naniniwala pa rin ako sa karma. Hindi ko alam kung paano ko siya patatawarin pero sa tulong ng Diyos, sa kalakasan at tapang na ipinagkaloob niya sa akin, nagawa kong patawarin ang aking asawa. Naisip ko rin ang mararamdaman ng aking anak at hindi ako makapapayag na lumaki ang anak ko na walang ama. Ayokong masira ng tuluyan ang pamilya ko dahil lamang sa mga ganitong klaseng babae. Mga babaeng walang ibang inisip kundi ang sarili nilang kaligayahan. Sana naman isipin ninyo yung mga anak na higit na masasaktan at maaapektuhan. Balang araw magkakaroon din kayo ng sariling pamilya at ipanalangin ninyo na âdi nâyo sana ito danasin dahil sobrang sakit para sa tunay na pamilya. Naniniwala ako at nanampalataya sa Diyos na hindi niya ipahihintulot na mawasak ang pamilya ko. Alam ko na hindi niya kami bibigyan ng pagsubok na âdi namin makakaya at malalampasan. Sa ngayon naging mas matatag ang aming pamilya, ang relasyon at pag-ibig naming mag-asawa. Higit sa lahat ang relasyon namin sa Diyos. Dalangin ko sa mga mag-asawa at pamilya na dumaranas ng ganitong klaseng pagsubok na sana mapagtagumpayan at malampasan ninyo ang lahat ng ito na buo pa rin ang pamilya ninyo. Magagawa ito sa tulong lamang ng ating Panginoong Hesus. Siya lamang ang higit na makakatulong sa atin at walang imposible sa Diyos. God is in full control. Sa ngayon, kami ng mister ko ay magkasamang naghahanapbuhay dito sa Gitnang Silangan para sa kinabukasan ng aming mga anak, patuloy na pinagpapala ng ating Panginoong Hesus. Sana kahit paano ay may natutunan kayo sa aking liham. More power sa GMANews.tv at sa lahat ng ating mga kababayan, pagpalain nawa kayo ng ating Panginoong Hesus.
April Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa
Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!