ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Dapat na ba 'kong sumuko?


Mabuhay! Isa po ako sa mga tagasubaybay ng GMA. Solid na solid po ako. Nais ko lang ibahagi ang aking buhay na hangagang ngayon ay labis pa ring naguguluhan. December 2004 nang pumunta ako ng Dubai na may visit visa. After 4 days, nagkaroon na agad ako ng work. June 2005 ay sumunod naman ang husband ko from Saudi para dito na din magtrabaho. And after one year, ang tatlong kapatid ko naman ang nakuha ko. Nang magkatrabaho sila at makatikim ng dirham, parang ‘di ko na sila maabot. Iniwan na nila ako sa ere. April 2007, nagresign ako sa work ko after two and haft year of service. Umuwi ako dahil ‘di ko kayang tiisin ang mga anak ko, nanay ako at mahirap mawalay sa mga anak. Sabi ng asawa ko, bi-visahan din ako after 6 months dahil may ban nga ako. Kukunin ako kasama 2 kids namin. Sa Pinas, nagmadali akong pag-process ng passport kids ko. After one year sa Pinas, may email ang sis ko at kalakip ng pics ng asawa ko sa isang bar na may kasamang tatlong babae. Yung katabi niya at dikit pa ang paa nila, kabit daw niya. Kitang-kita sila ng kapatid ko – na ‘di naman nagpakita sa kanila. Bagong boarder namin yung girl kasi may pinapaupahan nga kaming flat at doon din kami nakatira. Yung isang room, nilagyan ng naming ng partition. Sa partition, asawa ko at sa kabila ay apat na bedspaces. Doon tumira yung girl na Kapampangan. Isang masahista sa saloon, na nasa ibaba lang ng building namin nagwo-work.


After one year sa Pinas, may email ang sis ko at kalakip ng pics ng asawa ko sa isang bar na may kasamang tatlong babae. Yung katabi niya at dikit pa ang paa nila, kabit daw niya. Kitang-kita sila ng kapatid ko – na ‘di naman nagpakita sa kanila.
– Alice
Hanggang sa two years na ay wala pa ring visa na dumating. Sabi ng asawa ko, mahirap pa raw kasi may recession. At bukod doon ay magpapalit daw siya ng company. Kapag tumatawag siya ay may sakit siya lagi. Noong May 2009, nang visahan ako. Iniwan ko ulit mga anak ko. Kahit masakit, tiniis ko, kumita lang kahit kaunti. Nadatnan ko pa rin ang napapabalitang kabit ng husband ko sa bahay namin. ‘Di ako makatulog nang unang gabi. Ipinakilala sa akin ang mga bagong boarders maliban sa kanya. Alam ko ang mukha niya pero ‘di ako nagtanong. Masaya sa bahay, chikahan sa mga boarders except for one na ‘di makitingin sa akin ng diretso. Nagtanong na ako sa mga kasambahay at iisa ang sinasabi nila - na kesyo ‘pag di daw ako nakita, aakalain ang asawa ko at girl na ‘yon ang mag-asawa. Sweet daw kasi sila lagi. Breakfast in bed pa nga raw ang asawa ko at laging umuuwi for lunch thinking na malayo sa bahay naming ang office niya. Sabagay, aakyat lang naman yong girl eh., 3rd floor ang flat namin. Nasa ground floor ‘yong saloon ng girl. Wala ng tao sa bahay kapag daytime. At kapag lumalabas ako at nakikita ng mga old friends namin, ganun din ang sinasabi nila. Kahit kasama ko ang asawa ko, pinaprangka nila ito. Pero todo tanggi naman asawa ko, tsismis lang daw. After ng two weeks ko sa Dubai, umalis na yung girl sa bahay. Ni hindi nagsalita sa akin. Umuwi ng Pinas kasi na-terminate – karma siguro. Hindi ko alam if alam ng asawa ko. Maraming beses na rin kaming nag-away ‘bout that. Many times na rin akong nabugbog dahil sa kakatanong ko. Bumalik ang girl after one month, at doon pa rin tumira sa building na tinitirhan namin. Limang doors lang ang pagitan sa flat namins. Minsan nagkasabay kami sa lobby ng building. Hindi makaimik asawa ko, tapos sabi ko, “Hay, ang kabit." Nag-init ang girl at sinabing, “Kami pa rin hanggang ngayon." Tapos nagsisigaw na. Nabanggit ko nanam, “Parausan ka lang. Kahit ilang beses pa kayong mag-sex ng asawa ko, sa tingin mo ba mapapasaiyo siya? Oh ayan, angkinin mo siya." Maya-maya lang umuwi rin ang asawa ko sa akin. ‘Di ka na siya naawa sa mga anak at asawa niya sa Pinas. Nagpapagamit siya sa kung sino-sino sa Dubai.

Sana pagpayuhan ninyo ako. Kayang-kaya kong mawalan ng asawa pero ayaw kong maging broken ang family ko, ayaw kong lumalaki ang mga kids ko na walang ama.
– Alice
Sana pagpayuhan ninyo ako. Kayang-kaya kong mawalan ng asawa pero ayaw kong maging broken ang family ko, ayaw kong lumalaki ang mga kids ko na walang ama. Iyong eldest ko ay 19 years old na, at 8-years old naman ang bunso, pareho silang boy. Hindi ko rin alam if nagkikita pa sila hanggang ngayon. Lumalabas pa rin ang asawa ko lalo kapag Friday, at babalik na lang after 3-4 hours. Ayaw kong mag-isip ng masama pero naguguluhan ako. Wala ngang naiiwan sa suweldo niya, laging zero balance. Obligado na akong magpadala sa mga anak ko, hati pa kami sa pambili pagkain. Kanya-kanya rin kami ng pera. Sabagay kahit noon pa, ‘di niya naman ipinapahawak sa akin ang pera niya. Would you believe, 6 months na ako sa Dubai pero mga 12 times pa lang kaming nagse-sex…sapilitan pa. Hindi ko rin alam kung asawa pa niya ako o ako na ang lumalabas na kabit. Minsan tinatanong ko ang aking sarili, “Saan ba talaga patungo ang family life ko?" Bugbog na ang damdamin ko. Bahala na ang Diyos, sa Kanya ako nakakapit. Inspirasyon ko ang mga kids ko. Tuloy ang ikot ng mundo ko, kahit ano pa man ang mangyari. Sa mga kababayan ko, God doesn’t give any trials na ‘di natin kaya. Tuloy ang buhay. Behind the clouds, the sun will still shine. Salamat po at sana mapagbigyan ng pagkakataon ang letter ko na ma-publish sa column ninyo sa Pinoy Abroad. God bless & more power. Lubos na gumagalang, Alice sa Dubai Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!