(Karugtong) Tumira kami sa mga magulang ko. Ang nanay ko lang ang nakakaalam ng totoong nangyari sa amin ng anak ko. Sapagkat hindi puwedeng ipaalam sa mga kapatid ko at lalong-lalo na sa tatay ko. Lumipas ang halos isang taon, nagbago na raw si Kupido sabi ng mga kamag-anak niya. Pinababalik na kami ng anak ko doon, at ginawa ko namanâ¦pero nagkamali ako. Wala man ang epekto ang shabu sa kanya, nandun pa rin yung ugali niyang pambubugbog sa akin, tiniis ko pa rin. Nag-buy and sell ako ng mga gulay sa kanila para kumita samantalang siya naman ay araw-araw na pumapasok sa talyer ng kaibigan niya. Marami raw silang ginagawang mga sasakyan ngunit wala namang sahod dahil gumagamit pala sila sa bisyo. Nang panahong iyon ay ipinaglilihi ko ang anak kong lalaki.
Huwag mong isipin na siya ang nagpapatibok ng âyong puso, kusang tumitibok âyan.
â Ampit ng Shanghai
Nagdesisyon akong doon na kami tumira sa mga magulang ko. Sumama naman siya ngunit sa bisyo lang siya naging maparaan. Ni kahit kusing wala siyang ipinakain sa amin na galing sa kanyang sariling pawis. Nang ipanganak ko ang pangalawa naming anak, iniwan na naman niya kami. Gaya ng dati, inaway niya ako at ang mga tao sa amin. Sa mga panahong iyon, ang nanay ko ang gumawa ng tungkulin niya para sa aming mag-iina. Ten months later, kinuha ako ng ate ko sa Taiwan. Umuwi siya sa lugar nila kasama ang panganay ko na noon ay two-years-and-10-months na. Samantalang 10-months naman ang bunso ko na naiwan sa pangangalaga ng nanay ko. Ipinapadala ko ang lahat ng pangangailangan nila. Noong mag 1-year-old na ang bunso ko ay kinuha din niya. Nang mabalitaan kong napapabayaan naman ang mga anak ko, kinausap ko ang tiyahin niya at binayaran ko nang buwan-buwan. Kasama ang allowance nila ay naging kulang pa rin ang ipinapadala ko. Nagdesisyon akong mag TNT sa Taiwan dahil mas malaki ang kita. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil hindi pa rin daw magkasya ang ipinapadala ko. Nandiyan na mag-aalaga daw siya ng baboy, na ibinigay ko rinâ¦iyon pala nawaldas niya ang pera. Ang sahod ko ngayon ay dumadaan lang sa kamay ko kasi ipinadala ko na lahat sa kanila. Kung ano ang nangyari sa mga pinaghirapan ko, âdi ko alam â gayung ang kita ko noon ay talo pa ang sahod ng duktor.

Umuwi ako after 2-years dahil nahuli ako na kagagawan din ng walang pusong kapwa Pinoy. Ipinahuli kami para makuha niya ang mga part-time na pinagkakakitaan namin. Dumating ako sa Pinas na mayroon na naman siyang babae. At cellphone ko pa pala ang gamit niyang pang text. Nasa cellphone ko pa rin ang message niya para sa babae niya hanggang ngayon. Ganunpaman, I gave him another chance, ganyan ako ka-martir. Nagtungo ako sa Macau after 2-months at hindi ako pinalad doon hanggang makarating ako rito sa Shanghai, China. Sa first year ko rito, tuloy pa rin ang pagpapaka-martir ko⦠kesyo âgive him one last chance". Ikinuha ko siya ng tricycle na panghanap-buhay para raw matulungan niya ako. Konting bagay lang naman ang hiling ko sa kanya, yung maihatid-sundo niya sa eskwelahan ang mga anak ko dahil hindi rin naman niya pinanghahanap-buhay yung motor. I realized lately na ang dagat gaano man kalawak, mapupuno rin. I have to move on, ayaw kong siya ang dahilan ng hindi pagbuti ng buhay ng mga anak ko. Ayaw kong paapekto sa kanya, I had enough and I suffered more than enough.
My kids made me complete and they are the most that matters to me. Anything happened in my life, I have no regrets. For it, I found a new me, stronger than before
â Ampit ng Shanghai
Now I have wide-eyes open and started my new life for my childrenâs better future. Naka-stable job na ako with very supportive boss and a lot of good opportunities coming my way. I told myself, thank you to that Pinoy na nagpahuli sa akin sa Taiwan. Thank you sa mga in-laws ko na sumira sa musmos na relasyon namin ng anak nila for what they did. I suffered so much and I found myself strong enough to face such difficulties. Thank you to Kupido for giving me all those sacrifices. And nevertheless, I thanked him for I have my two adorable children who gave me all this strength and bring me where I am now. My kids made me complete and they are the most that matters to me. Anything happened in my life, I have no regrets. For it, I found a new me, stronger than before, ready to face the world. My new motto: â Huwag mong isipin na siya ang nagpapatibok ng âyong puso, kusang tumitibok âyan". I have to see the beauty of life in this world without Kupido. Life is too short for Kupido to waste. Happiness is what I deserve so I could give my kids a better present and future. I would like to acknowledge my sister in-law (Kupidoâs sister) for her understanding and her supervisions for my kids. Maraming salamat po sa GMA site sa paglaan ng space for Pinoy Abroadâs story. At maraming salamat sa oras ninyong pagbasa ng kuwento ng buhay ko. Mabuhay ang Pinoy Abroad! Mabuhay ang GMA! â
GMANews.TV Ambit ng Shanghai Mapaglaro man ang buhay (1) Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!