Isang tula, isang kasaysayan
Una sa lahat, ito po ang aking kasaysayan. Ginawa kong tula, kwento ko ng aking buhay. Sa bansang banyaga ako ngayon ay namumuhay. Ilalahad ko lahat upang inyo'y matatalakay. Magandang araw o magandang gabi sa inyong lahat po, ganun din po sa GMA at maraming salamat. Ito po ang inyong lingcod, RVD po lamang, Hindi po ako taal na makata kundi nagsubok laang. Noon pang kabataan ko, narating ko ang bansang disyerto, tawirin ang dagat, sa himpapawid sakay ng eroplano; "Mafi Moskela Sadik", unang salitang arabo ang natutunan ko Sa kapwa ko manggagawa kung saan ako ay nagtatrabaho. Tuwing Biyernes, walang pasok, " balad " ang pinupuntahan, Nakakasilaw ang mga ginto't singsing, mga kwentas at hikaw; Ibinebenta sa "Souk", nakaladlad lang minsan, âdi namataan ng tinderong lito, ang iba sa kanila'y naiisahan. Labintatlong taon sa hotel kung saan ako ay kusinero, Eksperto ako at magaling sa pagkaing arabo't mediteranyo: "Melokeya", may halong manok, ang aking isang paborito, "Bamia" din na may halong tupa, pangalawa ito. Madalas kong lutuin kapag may handaan, kaarawan o kasalan Ang tinatawag na "kosi", buong tupa ang ipinapasok sa hurnuhan. Malutong din ito at masarap na parang lechong baboy na rin. Kaya lang bago ilagay sa hurno, ilaga muna't palambutin. Bago ako magpatuloy sa karugtong ng aking kasaysayang tula, Mayroon lang akong ipapahiwatig sa tulad kong nasa ibang bansa: Iwasan ang sugal at iba pang bisyong sa atin ay makakasama. âWag padalus-dalos, perang pinagpaguran ay ingatan sana dahil ito ay mahalaga. TNT ako ngayon sa US ngunit patuloy pa ring nakikisalamuha. Hindi ako kusinero, kundi caregiver na! Isang ulyaning matanda, Pumupunas ako ng p***t datapwat dolyares naman ang kapalit, hindi ba? May mga pamangking nag-aaral ng nursing at sa taong ito'y magsisipagtapos na. Kay tagal ng panahon, sa sarili ko, lagi ko itong itinatanong, Kailan pa kaya ako makakaalpas sa kinalalagyan ko ngayon? Mahina ang katawan, ako ngayoây maraming sakit ang nararamdaman, Tulad ng rayuma, bato sa kidney at alta presyon. Labindalawang taong gulang lamang ang anak ko noon nang huling makapiling at iwanan, pakiwari ko'y musmos pa rin bagama't siya ay dalawampu't walong taong gulang na sa ngayon. Nakikibaka pa rin ako sa tulin ng pahahon, at nagbakasakaling makauwi na sa aking lupang sinilangan, Labing-anim na taon na ring hindi ko nasisilayan ang lahat ng mga minamahal kong sa Pilipinas naiwanan. Binawian ng buhay ang itay ko, lungkot ang aming naramdaman! Hindi ko man lang siya, sa huling mga sandal, nahagkan. Nilisan na itong mundong ibabaw, noong kailan lamang. Itay ko! Itay ko! bakit hindi mo man lang ako hinintay? Paano na ngayon ang bago mong relong lagi mong inaasam-asam, Itay? Kay tagal nang hindi ko sa iyo naipadala't naibigay! Ipagpaumanhin ninyo, Itay, ang aking pagiging malilimutin at pabaya. Paalam na sa iyo, Itay, ang mapagmahal naming tatay. Labing-anim na taon, nang kita'y yakapin noong araw na ako'y paalis. Ako'y iyong hinagkan. Hindi ko akalain iyon na ang huli kong yakap, at iyong huling halik, Itay. Subalit hindi mapapawi't maglalaho ang iyong huling ngiti sa aking puso't diwa, Itay. Patuloy itong laging sariwa habang ako'y naririto at nabubuhay sa mundo, Itay. Dito magtatapos ang kasaysayan kong tula na sa inyo'y aking tinalakay, Sana sa darating na panahon, buhay ko ay magkaroon ng maraming saysay; Sa mga sandaling ito, nababakas ko ang anino ko na tila walang buhay. Kailangan ko nang humayo na at punasan muna ang luhaan kong mga mata. Nabasa na pati kilay. -GMANews.TV RVD of USA Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!