ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Hindi kayo damo na basta na lang tumubo


Hello. Kumusta na kayong lahat diyan, mga anak ko at asawa ko. Miss ko na kayong lahat. Una sa lahat, happy birthday kay Kayleigh Jon. Sana ay maging maligaya ka sa year na ito. Mahal na mahal ka namin ng mama mo at mga kapatid mo. Kaya nga pala ako nag-email din ay para masabi ko sa inyo at maitama ‘yung mga bagay na nagiging isang problema ni Mama diyan sa inyo. Una kong sasabihin ang naging hirap ni Mama sa akin ‘nung una pa lang kaming nagsama. Nagtiis si mama na malayo ako noong si Ate Kim pa lang ang anak namin. Nagkasakit siya ng goiter nang hindi ko alm, kasi ‘di niya sinasabi sakin kasi nga nasa barko ako ‘nun. Delikado kaming magtrabho nang may problemang iniisip. Isa pa, wala pang mobile noon, mahirap kami magtawagan kasi nasa dagat ako. Sulat lang ang naging way ng communication namin, delayed pa 'yun. Noong umuwi ako, nagulat ako sa itsura ni Mama, pumayat siya at lumaki ang eyes nya dahil sa goiter niya. Tiniis niya yun hanggang naipagamot namin at matanggal.


Hindi namin alam ni Mama ang gagawin namin, paano kami mabubuhay.
– Papa Dubai
Pagkatapos noon, umalis ulit ako para magbarko. Nagtiis na naman si Mama na malayo ako, para sa anak naming. Pag-uwi ko, naputulan naman ako ng daliri at nawalan ng trabaho. Akala ko iiwan na ako ng Mama niyo noon kasi nga parang wala na akong silbi that time, kaso hindi niya ginawa. Kung gaano ako katagal sa hospital, ganoon din siya. Hindi siya umuuwi ng bahay, doon na rin siya natutulog, hanggang sa lumabas ako ng MCU. Araw-araw, kasama ko siya pagpunta sa MCU para sa check up hanggang umalis ulit ako papuntang Germany. Hindi na ako tinanggap ng boss ko kasi nga ‘yung kmay ko, ‘di na akong pwedeng magbarko. Hindi namin alam ni Mama ang gagawin namin, paano kami mabubuhay. Nagpasya siyang magpunta sa Taiwan para magtrabho. Nagtiis na naman siya para sa pamilya. Sumunod ako doon, hanggang magkaroon kami ng isang Kayleigh. Umuwi siya at nag-stay na lang sa ‘Pinas para alagaan ang dalawang anak naming. Tiniis naya ang lahat ng hirap. Siya lahat ang gumagawa. Nasira na ang magaganda niyang daliri sa kalalaba ng damit halos araw-araw. Wala pang diapers noon, kaya talagang hirap siya pero tiniis niya ‘yun para sa pamilya. Umuwi ako para magkasama tayong lahat. Hanggang sa magkaroon naman kami ng isang Ayis na npakataba noong baby pa. Nadagdagan na naman ang trabaho niya sa bahay, pero ‘di siya nagrereklamo kasi nga mahal na mahal niya ang mga ank naming. Siya ang nagtuturo sa inyong magbasa, magsulat. Sa gabi, gising siya. Binabantayan niya baka basa na ‘yung lampin ni Ayis. Halos ‘di na siya natutulog. Kinabukasan, trabaho na naman. Ayaw niyang kumuha ng katulong kahit kaya naming magbayad, kasi gusto niya siya lang ang mag-aasikso sa mga anak niya. Mula damit, pagkain, pag-aaral, lahat siya lang. Idagdag pa ‘yung kunsumisyon ni Mama sa’kin. Nauubos ang pera namin sa kakasugal ko. Tiniis niya lahat ‘yun para sa pamilya. Tapos dumating na si Daboy. Lalong sumaya tayong lahat, mula ‘nung baby siya hanggang sa natuto siyang lumakad. Lahat ng oras ni Mama nasa mga anak niya. Tutok talaga siya sa inyo. Dumating na naman ang panahon na kailangan na naman niyang umalis ulit. Nagpunta siya sa Dubai. Sobrang hirap dito, sa paghahanap ng trabaho, dahil ‘di naman siya graduate, wala siyang makitang job na malaki ang salary. Mainit ang panahon sa paglalakad niya. Minsan, kausap ko siya habang naglalakad sa initan, umiiyak siya. Sabi ko na lang, uwi na siya kung ‘di na niya kaya. Kaso ayaw niya kasi gusto daw niyang magtrabaho para sa mga anak niya. Sobra ang hirap niya dito bago siya nakakuha ng job. Tiniis niya lahat. ‘Yun lang matulog ang isang ina na hindi katabi ang mga ank ng isang araw ay napakahirap na, ‘yun pa kayang taon nang hindi mo makasama ang mga anak mo na simula noong maliit pa ay kasama mo. Lahat ‘yun ay kinaya ni Mama, hanggang sa nagkasakit siya dito sa Dubai. Halos namatay na si Mama dito. Dinala siya ng ambulance sa Dubai Hospital. Kulay itim na ang paa niya. Ang tagal bago siya naka-recover, hanggang umuwi na lang siya. Panibagong hirap na naman ang tiniis niya, ang malayo siya sa’kin. Wala siyang makausap tungkol sa mga bagay-bagay sa pamilya natin. Kapag may problem diyan, solo lang siyang gumagawa ng paraan para ma-solve niya. Maiintindihan niyo lhat ‘yan kapag lumaki na kayo at nagkapamilya rin kagaya ni Mama. Ito ngayon ang tanong ko, Kaya niyo bang gawin ang lahat ng ginawa ni Mama para sa pamilya niya? Kulang pa ang mga isinulat ko, marami pang iba. Isang halimbawa lang, tingnan niyo ang mga kamay ni Mama. Bakit ganyan ang naging itsura niyan? Dahil sa pag-aasikaso sa atin. Bakit siya nagkakasakit? Dahil sa pag-intindi sa’tin. Ngayon, masasabi niyo ba na walang ginawa si Mama para sa inyo. Lalahatin ko na kayo, lumalaki kayo na nakakalimutan niyo ang lahat ng mga sakripisyo ni Mama sa inyo. Hindi kayo damo lang na tumutubo sa lupa. Inaalagaan kayo kaya kayo naging isang bata at tao. Ngayon, tumbasan niyo naman ng pagmamahal at paggalang kay Mama ang lahat ng ginawa niya. Lalo ka na Daboy, ‘wag mong tinatawag na pangit si Mama. Si mama mo ang pinakamagandang Mama sa mundo. Mahal na mahal niya kayo, kaya ‘wag mo na tatawaging pangit, ako na lang. Sa inyo mga girls, umpisahan niyo nang isipin kung ano ang ginawa niyo na hindi dapat na kapalit sa mga ginawa ni Mama. Mahal ko kayong lahat, pero kung lalaki kayo na walang pagmamahal at paggalang kay Mama, ‘wag niyo na rin akong igalang at mahalin. Bastusin niyo na rin ako kapag nariyan ako. Pareho na lang kami. Mag-isip kyo ha. I love you all. Mabuhay ang pamilya natin. -GMANews.TV Papa Dubai Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!