ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

‘Di ko sinasadyang maging kerida


Isa po akong masugid na tagasubaybay ng GMANews.TV/Pinoy Abroad. Salamat kasi inaanyayahan nyo ang lahat na makibahagi sa usapang ito. Itago nyo na lang ako sa name na Rosemarie. Masakit mang aminin, pero isa po akong kabit. Pero naniniwala ako na talagang mahal ako ng lalaking kinakasama ko dahil ilang ulit ko ng ginusto na makipaghiwalay sa kanya pero tumatanggi siya . Nasa abroad po siya ngayon at tatawagin ko lang po siyang si “S." Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin po ang aming relasyon. Naging matalik ko siyang kaibigan sa abroad noon kung saan din ako nagtrabaho for three years. Hindi ko po alam na may pagtingin pala siya sa akin. Hanggang noong malapit na akong ikasal sa boyfriend ko, nagpaalam ako sa kanya na uuwi na ako para magpakasal sa nobyo ko na isang seaman.


Nagulat ako nang sa lips niya ako halikan. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, hanggang sa ‘di ko na namamalayan na naglalapat na pala ng matagal ang aming mga labi.
– Rosemarie
Tinanong niya ako kung puwede raw niya akong halikan bilang goodbye kiss. Pumayag naman ako kasi akala ko beso-beso lang o sa pisngi lang niya ako hahalikan para magpaalam. Pero nagulat ako nang sa lips niya ako halikan. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, hanggang sa ‘di ko na namamalayan na naglalapat na pala ng matagal ang aming mga labi. Iyon na ang umpisa na ‘di na niya ako tinatantanan dahil sa pangyayaring iyon. Nag- try ako na i-avoid ko siya, ‘di ko na sinasagot mga calls niya, at biruin n’yo magdamag siyang maghintay sa baba ng flat namin sa abroad para makausap ako. Isa akong DH sa abroad, samantalng engineer si S. Naaksidente pa siya sa work dahil sa ‘di raw siya makapag-focus sa work nang iniiwasan ko na siya. Isang araw, akalain n’yo ba naman nang may pinuntahan ako ay nagkasalubong kami sa isang lugar. Sa harapan ng napakaraming tao, niyakap niya ako, umiiyak siya at nagmakaawa na mag-usap kami. At that time ay inis at awa ang naramdaman ko. Ang matindi, hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakaluhod siya sa harapan ko habang nakatingin sa amin ang maraming tao. Ano ang magagawa ng marupok na tao na katulad ko e ‘di pinansin ko na siya. Inisip ko na ibigay na lang sarili ko na katulad ng ibang lalaki na iba – lalo na sa ibang bansa – ang gusto lang nila ay makuha ang katawan ng babae.

Alam ko na mali na makipagrelasyon sa kanya pero kapag nilayuan ko siya ay masisira naman ang work niya. Ano na lang ang mangyayari sa pamilya niya kung uuwi siya?
– Rosemarie
Pero nagkamali pala ako, kasi lalo niya akong hinigpitan kasi daw ako ang unang babae na nakuha niya ng “buo" pa. At ikinuwento niya sa akin na pinakasalan lang niya ang misis niya kasi nabuntis niya ito. At dahil hindi naman sila nagkaroon talaga ng relasyon ay talaga daw na ‘di sila nagkakasundo ng misis niya. Alam ko na mali na makipagrelasyon sa kanya pero kapag nilayuan ko siya ay masisira naman ang work niya. Ano na lang ang mangyayari sa pamilya niya kung uuwi siya? Marami rin ang nagsabi na siguro nga talagang kami kasi naging bestfriend pa kami. Karamihan sa mga friends ko ay walang alam sa pinagdadaanan ko. Sa tunay na kabiyak ng lalaking kinakasama ko, maniwala ka ‘di ko sinasadyang maging No. 2. Talaga lang na kapag iniiyakan na niya ako ay ‘di ko siya kayang saktan. Kahit nasa Pinas ako o nasa abroad, siya ang laging tumatawag, at araw-araw kaming nagcha-chat. There is one time na ‘di ko sinasagot mga calls at sms niya, nagulat na lang ako nang bigla siyang umuwi para lang daw maipakita niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Lahat daw ay gagawin niya huwag lang daw akong mawala sa buhay niya. Mga Kapuso, kung kayo ang nasa katayuan ko ano ang gagawin ninyo? Kaya sinabi ko na sa aking sarili na hihintayin ko na lang na magsawa siya sa akin. Ngayon ay may isa na kaming anak at five years na rin an gaming relasyon. Thanks a lot mga Kapuso sa pagbabahagi kong ito. – GMANews.TV Rosemarie Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!