Kabayan, handa ka na bang mag-abroad? Mahirap talaga ang mag-abroad lalo na kung may maiiwan kang pamilya sa Pilipinas dahil mahirap ang long-distance relationship. Pero hindi ito dapat maging dahilan para panghinaan tayo ng loob sa pagtulak natin sa ibang bansa para maghanap-buhay. Marahil, marami sa ating mga kababayan ang hindi sang-ayon sa pag-alis ng isang kabiyak para mangibang-bayan pero sa panahon ngayon, survival of our family usually has overtaken the underlying risks of going abroad. Isa sa mga tamang paraan to survive a long distance relationship is for both partners to be surrounded by good friends and group of trusted people. Yung mga taong alam mo na may takot sa Diyos at mga tunay na kaibigan.
Marami na akong narinig na kuwento ng mga amiga na isasama ang kaibigang babae na mag-ballroom dancing or mag-aerobics para âdi raw malungkot sa pag-alis ni mister sa abroad, e ang siste, ibubugaw ang pobreng misis ng OFW at ma-inlove sa macho at gwapong D.I. or Gym instructor.
â Gener from KSA
Kalimitan kasi sa mga failure of marriage (oftentimes caused by infidelity) is when one partner is surrounded or always in the company of opportunistic person. Sa kaso ng babae, kunwari the male friend is there to comfort her, to fill in the void left by the husband who has gone abroad. Yun pala, he will just take advantage of the womanâs situationâbeing the down and lonely. On the other hand, there are also those female-friends na sa halip na bigyan ng spiritual guaidance at moral support ang friend na babae ay na-aaya pa ng mga aktibidades na kadalasan napupunta sa âdi magandang ending. Aba, marami na akong narinig na kuwento ng mga amiga na isasama ang kaibigang babae na mag-ballroom dancing or mag-aerobics kaya (para âdi raw malungkot sa pag-alis ni mister sa abroad), e ang siste, naibugaw pa ang pobreng misis ng OFW na ma-inlove sa macho at gwapong D.I. or Gym instructor. Walang masama sa paglilibang pero dapat piliin and appropriate na paglilibang base sa estado mo sa lipunan. Kung ikaw ay babae na may asawang nasa abroad, hindi maganda sa mata ninuman (lalo na sa asawa mo) na makita ka sa company ng ibang lalaki kahit na ang relationship ninyo is entirely professional. Pero sa dami ng kuwentong malungkot, kalimitan ganyan ang pinagmulan. Sa mga lalaki naman na naiwan sa Pinas at ang asawang babae ang nasa abroad, choose your barkada wisely. Kasi kadalasan ang mga masamang barkada ang kadalasan na nagbubuyo sa lalaking naiwan sa Pinas sa mga bisyo gaya ng beerhouse, sugal then later on pambabae na--ang resulta broken family. Lalo na si Mister siyempre proud sa mga barkada niya, "Pare, pensiyonado ako dito ni Misis buwan-buwan may remittance, o ano ang gusto ninyong pulutan?"
Sana lagi nating tandaan na ang pangingibang bayan ng ating kabiyak ay desisyon ng mag-asawa kaya kinakailangan na maging responsable tayo sa tungkuling na naiwan sa atin.
â Gener
Sana lagi nating tandaan na ang pangingibang bayan ng ating kabiyak ay desisyon ng mag-asawa kaya kinakailangan na maging responsable tayo sa tungkuling na naiwan sa atin. Hindi komo lalaki tayo ay hindi natin aalagaan ang ating mga anak. Huwag iasa sa yaya ang pagpapalaki sa mga anak. Bilang ama, punan natin ang responsibilidad na naiwan sa inyo ng inyong mga asawang babae. Huwag mahiyang magpalit ng diaper o âdi kayaây magpadede ng mga sanggol. Hindi naman nakakabawas ng pagka-lalaki ang mga gawaing ito kung ating gagawin âdi ba? Ang pag-a-abroad ay âdi dapat maging hadlang sa pangarap ninyo na guminhawa ang buhay at huwag matakot sa mga risks na kakaharapin ninyo dahil sa long distance family relationship. Bagamat may mga unrecoverable losses na kaakibat ng Pinoy migration katulad ng quality time at di nakagisnan paglaki ng mga bata o kayaây lost of physical intimacy. Pero hindi ba mas mabuti na siguro ito kaysa sa makita mong magutom at hindi makapag-aral ang mga anak mo dahil sa kawalan ng oportunidad dahil sa sistema sa ating bayan. Maging matatag lang tayo at palaging buksan ang komunikasyon sa isat-isa -- at iyan ang pinaka-importante. Huwag kalimutang tumawag sa Panginoon palagi at hindi lamang sa panahon ng kagipitan. Matuto ring tayong magpasalamat sa oras ng kasaganahan. -
GMANews.TV Gener Marcelo from KSA Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!