ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Huwag mapagod sa pag-abot ng iyong pangarap


Magandang araw po sa ating lahat na mga Pinoy saang dako man kayo ng mundo naroroon! Mabuhay po tayo! Natutuwa po ako, nai-inspire, nakakapulot ng lessons or infos thru this Pinoy Abroad…kuwento ng mga buhay lalo ng mga OFW. Noong bata pa po ako dama ko na ang kahirapan ng buhay. Anim po kaming magkakapatid at ako ang pangatlo. Ang mga magulang ko ay magsasaka, meron kaming kapirasong farm. Ngunit yun ay ‘di sapat para matustusan ang lahat ng aming pangangailangan. Kaya ang ginagawa ng mga magulang ko ay nakikitrabaho sila kung kani-kanino para lang makaraos kami sa araw-araw.


. Ang mga magulang ko ay magsasaka, meron kaming kapirasong farm. Ngunit yun ay ‘di sapat para matustusan ang lahat ng aming pangangailangan. Kaya ang ginagawa ng mga magulang ko ay nakikitrabaho sila kung kani-kanino para lang makaraos kami sa araw-araw.
– Liz ng Germany
Nakikita ko kung paano sila naghihirap. Nagkakasugat at tumitigas ang mga kamay nila dahil sa pag-aani, pagtatanim ng mga palay at iba pa. Nang magsimula na kaming mag-aral sa high school, pinatira kaming magkakapatid sa lola namin na 7 kilometro ang layo ng bahay mula sa amin. Mas malapit yung bahay ng lola ko sa school kaysa sa amin. Tatlo kami ng ate ko na nakitira doon at hindi naman nagtagal ay grumaduate yung panganay naming kapatid sa high school at nag-college rin agad. Kaya kaming dalawa na lang ng ate ko yung nakikitira sa bahay ng lola ko. Maliban doon sa isa naming tito na may pamilya na at 6 na anak nang mga panahon na iyon. Yung tito ko saka yung asawa n'ya ay magsasaka rin. Kapag wala silang ginagawa sa farm sa pangunguna ng asawa ng tito ko(ni tiya) naglalaro sila ng cards, kasama yung iba pang kapitbahay ng lola ko. Parang fiesta lagi sa bahay ng lola ko, araw-araw maraming tao. Tapos sumasali rin yung isa ko pang tito at tita sa paglalaro. May mga anak sila noon na maliliit, kaya kapag nakikita nila ako inuutusan nila ako na alagaan yung mga bata. Sa loob kasi ng maghapon yun lang ang ginagawa nila. Tapos kapag nagkamali ako ng konti sa pag-aalaga sa bata, kunyari umiyak kasi nakainom ng medyo mainit na gatas, galit na sila n'yan sa akin. Maghapon ay sinisigawan ako ng tito ko para sabihing bobo ako, eh kung tutuusin ‘di ko naman dapat gawain yun, tsaka nagsusugal lang naman sila. Nasasaktan ako ng husto at humihingi ng paumanhin dahil sa takot na para bang sinadya ko yung nangyari kahit ‘di naman. Iniisip ko na lang na marahil ‘di s'ya nanalo kaya mainit ulo. Kasi ayokong magtanim ng sama ng loob basta kapamilya ko. Kaya hinahabaan ko na lang ang pasensya ko. Lagi ko noong naiisip na edukasyon lamang ang paraan para mabago ang buhay ko. Kaya naman kahit average type lang po ako, nag-aral pa rin ako ng husto hanggang sa natapos ko yung kursong edukasyon at hindi ko inisip na mag-asawa agad. Gusto ko kung mag-aasawa ako at least 25 pataas na ang edad ko. Kasi gusto kung unahin yung pagtatrabaho at makalasap man lamang ng biyaya ang mga magulang ko mula sa pinaghirapan ko…at nangayari naman po yun.

Ngayong nakaahon na rin sa problema, pangarap ko rin po siyempre na matagpuan ang tunay na pag-ibig. Noong una malas ako sa pag ibig sa isang Thai-Muslim na nagpaluha lang sa akin. Pero ngayon eto ako kasama ang aking mapagmahal na asawang “puti".
–Liz
Kung ano yung ginawa ko, ganun din ang ginawa ng mga kapatid ko. Kahit na nga minsan nagkakaproblema ang pamilya namin at nasasaktan mga magulang naming. Kutulad na lamang nung mabiktima ako ng illegal recruiter, sobrang tindi nun kasi yung utang ay umabot sa mahigit 1 taon na hindi nabayaran. Kasi yung culprit ay nangako sa akin ng non-existent job at s'ya ang nagkamal ng maraming pera. Pero napakabait ng Diyos, dahil may tinapos ako kaya nakakuha ako ng teaching job at nabayaran ko mga utang namin. Bukod sa utang ay may personal na problema din ang isa kong ate pero buwan lang naman yun at nasolusyunan din kaagad. Ngayon po medyo iba na ng konti buhay namin, medyo okey na kaysa noon lalo na noong time na ‘di pa namin nababayaran yung utang gawa nang illegal recruiter. Talagang matinding unos sa buong pamilya namin ang dumaan. Ngayong nakaahon na rin sa problema, pangarap ko rin po siyempre na matagpuan ang tunay na pag-ibig. Noong una malas ako sa pag ibig sa isang Thai-Muslim na nagpaluha lang sa akin. Pero ngayon eto ako kasama ang aking mapagmahal na asawang “puti," na guwapo, at nagbibigay sa akin ng lahat lalo na ang pag-ibig. Nakakapagod, nakakapanghina man na abutin ang mga pangarap pero maging determined po tayo, matatag, prayerful at laging ‘wag kalilimutan na gawin ang tama. Dahil iyan po ay may gantimpalang nakalaan lagi, kung di man ngayon ay maaring sa ibang araw. O kaya kung hindi man sa’yo ‘yan ibigay maaring may ibang magandang bagay na gustong ibigay sa iyo ang Diyos. Saludo sa mga OFW, Liz ng Germany Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!