Bago po ang lahat nais ko munang ipaabot ang aking taus-pusong pagbati sa aking mga kapwa OFW nang isang magandang araw kung sa araw man kayo nagbabasa, at magandang gabi kung sa gabi. Tagalog na tagalog po ano kasi akoây lumaki sa bansang may pagmamahal at pagpahalaga sa kapwa tao nila. Hindi po ako kagaya ng iba nating kababayan na sumakay lang ng eroplano at nakatungtong lang sa ibang kalupaan ng mundo ay naging spokening Dollar na o naiba na rin ang kanilang kultura at pag-uugali. Bakit kamo, marami po kasing kababayan natin sa abroad ang nagiging mayabang o sadyang likas na mayabang. Kapag nakahawak ng dollar, ang dila naman aruyyyy! Parang âdi na babalik at tutungtong o tatapak muli sa etyas ng aso, pusa, kambing. Para bang âdi na matutulog ng naka-kulambo sus! Sobra ang ilang Pinoy âdi po ba?
Sa mga kababayan ko, pinakamaganda ay huwag na tayo bumoto dahil alam na po ng nasa gobyerno o marurunong na pulitiko ang mananalo. Ginagamit lang po tayong mga inosenteng tao.
â Ehl Boy
Samuât-sari na kuwento na ang nababasa ko sa pahinang ito; May nagkukwento tungkol sa pag-ibig, may nagsusumbong lalo na sa gobyerno, at kahit sino po yatang OFW ay dumanas o dumaan sa mga kamay ng taong mapanglamang at makakapal ang mukha na nakaupo saan mang sulok ng gobyerno. Ang tanong lang po, ang daing po kaya ng mga kapwa ko OFW na sumusulat sa programang ito ay nakakarating man lang sa mga kinauukulan? O wala na rin po talagang dapat na pagkatiwalaan pa sa ating bansa? Wala na nga kaya talaga kaming mapagkakatiwalaan, huwag na rin tayong maging manhid o magbulag-bulagan. Huwag na rin po sana tayong magpagamit sa mga taoâ¦tao nga kaya ang mga nakaupo na o yung mga uupo pa lang at magpapayaman ng kanilang angkan. Opo, angkan âdi lang po sariling pamilya, angkan po âyan. Kapag nanunood nga po ako ng TV at nagbabasa ng news galing sa atin, naku po! puro pulitiko ang mga makikita mo. Kanya-kanya silang propaganda at ang mga tao naman kanya-kanyang kamay at kaway na para bang silaây may mapapala at mabibigyan baga ng trabaho kung sakali man na itoây maupo. Sa mga kababayan ko, pinakamaganda ay huwag na tayo bumoto dahil alam na po ng nasa gobyerno o marurunong na pulitiko ang mananalo. Ginagamit lang po tayong mga inosenteng tao.
Ngayon po kung puwede âdi ka na lang umuwi. Kasi âdi mo na rin ma-enjoy ang bakasyon mo dahil sa gulo at hirap ng buhay sa atin. Maraming manloloko, manggagantso, at mangagamit nang tao.
â Ehl Boy
Dati po nung bago-bago akong nag-abroad, nung kabataan ko, kapag dumarating o natapos na ang aming kontrata, tuwang-tuwa po at walang pagsidlan ang galak na nararamdaman naming. Kasi matagal na panahon ang lumipas ay makatungtong na naman ako sa lupa na aking kinalakihan â ang mahal naming bansa. Makakapiling uli ang mga mahal sa buhay, kaibigan, at kamag-anak- na matagal mong hindi nakaka-bonding. Hindi nakasama sa selebrasyon ng kaarawan, Pasko, Bagong Taon -- na minsan lang nagdadaan sa loob ng isang taon at sa buhay ng tao. Ngayon po kung puwede âdi ka na lang umuwi. Kasi âdi mo na rin ma-enjoy ang bakasyon mo dahil sa gulo at hirap ng buhay sa atin. Maraming manloloko, manggagantso, at mangagamit ng tao. Nakakawalang-gana po kung ganyang klase ng tao ang sasalubong sa iyo lalo na sa airport --paalis ka o papasok ng Pilipinas puro kawatan ang iyong madadatnan. Buong akala nila ang mga OFW ay mapepera, hindi nila alam na baka mas masarap o masagana pa ang katayuan nila sa buhay dahil sa ginagawa nilang pangbubuwaya. Silang ang madaling kumita ng pera habang ang isang OFW na katulad ko â na ang bawat perang kinikita o biyayang pinagkakaloob ng Diyos buwan-buwan ay sadyang dumadaan lang sa aming mga palad. Ang suweldo po namin ay masasabi ko pong pinagpaguran, galing sa tiniis na puyat, init ng araw, dinanas na gutom dahil sa pagtitipid. Lahat yan ay para may maipadala o maipakain sa mga naiwan sa Pilipinas. Tinitiis ang pangungulila na malayo sa anak, asawa, magulang, kapatid, kamag-anak na puwede mong takbuhan sa oras nang pangangailangan. Maasahan mo sila sa oras na ikaw ay nagkasakit o nagkaroon ng mabigat na problema. Pero wala po sila sa bansang pupuntahan mo, ikaw lang mag-isa ang tutulong sa pangangailangan mo. Sige po nakakasama lang ng loob sa tuwing naaalala ko ang mga tao diyan sa atin na âdi man lang tanawin o bigyang-galang ang isang OFW na matagal na panahong nawalay, naghirap sa ibang bansa. Salamat po at nawaây pagpalain po tayong lahat ng Panginoon, sanaây hawakan at baguhin ng Diyos ang ating maduduming kaisipan at pag-uugali. God bless us. â
GMANews.TV Ehl Boy ng U.A.E. Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!