Kamusta po. Ako ay isang masugid na tagasubaybay ng Kwentong Kapuso. Parati kong binabasa ang ibaât-ibang kwento ng buhay ng mga OFW sa column na ito. Marahil nga ay marami ang nagbigay/nagbahagi ng kani-kanilang istorya. Sa kwentuhang nasaktan at muntik ng masira ang pamilya dahil sa mapanirang KABIT o dahil din sa mga nangangaliwang asawa. Bilang isang legal wife, masakit, at hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin. Kahit sino sigurong legal wife na naloko, nasaktan, ang kabit ang mas matapang pa. Ramdam mo ang saksak sa pagkatao mo bilang isang legal wife. Ilang ulit mo mang tanungin ang sarili mo kung anong nangyari at bakit nagkaganito? Wala ka namang ginawang mali sa asawa mo, bakit ka niya sinaktan? At kahit hindi ka kahit nanloko, pero bakit pa rin nila nagawa na saktan ka? Marahil nga sabihin natin, at gaya ng lagi nating nadidinig o katwiran ng mga lalaki, "Uuwi pa ba kami para lang umihi?" Ewan, tama ba yun? Pero para sa aming mga legal wife, masakit yun na katwiran ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa? Samakatuwid, may kinakasama na sila. Kahit sino daw na OFW ay talagang ganyan daw ang buhay. Wala tayong magawa, tayong mga legal wife. Lakas loob minsan sumasagi sa isipan natin, "eh, kung ganun, bakit sila lang ba ang marunong?" Mga reason out na malimit ay humahantong sa wasak na pamilya.
Kahit sino daw na OFW ay talagang ganyan daw ang buhay. Wala tayong magawa, tayong mga legal wife. Lakas loob minsan sumasagi sa isipan natin, "eh, kung ganun, bakit sila lang ba ang marunong?" Mga reason out na malimit ay humahantong sa wasak na pamilya..
â Shaine
Iâve been in this kind of world. Masakit, isa akong asawang sinaktan, masakit. Hindi sumagap sa isip ko na magtataksil ang aking mahal na asawa na tawag ng tawag sa akin na, "Ma, mahal na mahal kita. Ma, kailangan kita. Love you very much". Wala sa isip ko, sagot ko, " Love you din, love. âWag kang mag-alala, mahal na mahal ka namin at kailangan ka namin ng mga anak mo." Two months, 5 months to 6 months, ganun pa rin, hanggang sa, " Ma, punta ka na rito, halika, kailangan kita. Ikaw ang kailangan ko, may visa ka na, nakausap ko si mama, siya ang maiiwan sa mga bata. Halika na Maâ¦kailangan kita." Lahat biglang nagbago. Hindi talaga sumagi sa utak ko ang kung ano, kahit masakit sa akin na iwanan mga bata. Hindi ko akalain na sa aking pagdating dito sa Middle East, ang aking pagsunod, after few months, ay doon ko malalaman ang lahat. Grabe ang biglang bagsak ng mundo ko, I was completely torn apart. Yung kabit ang mas matapang. Naalala ko ang sabi niya, âSisirain ko ang pamilya mo. Ginawa sa aking lahat ng asawa mo, mahal niya ako." Ang dami kong masasakit na salita na nadinig sa kanya. Gaya nga ng sinabi ng kabit na gagawin ang lahat para manira pamilya, sisirain ang pagkatao mo at self confidence, at ang love between you and your husband. Muntik na, muntik na akong naniwala sa lahat ng pinagsasabi ng babaeng yun. At honestly, nahulog ako sa mga bitag ng kabit, I was completely torn apart. Unti-unti kong kinakausap asawa ko, "Totoo ba yun? Totoo ba ang lahat ng iyon? Sige hiwalay na tayo, punta ka na sa kanya. Wala akong ginawa sa inyo, nagpakasaya kayo, naging mag-asawa kayo at during those time of yours, hindi ako nanggulo sa inyo. At hindi ako nanira sa pagsasama nyo. Umalis ka na, hindi malalaman ng mga anak mo na hiwalay tayo dito. Ito ang kasulatan na hindi malalaman ng bata ang nangyari sa atin dito, at buwan buwan din may sustento ang mga bata from you. tapos na tayo." But then, umiyak ang asawa ko... humihingi ng sorry, ang tahimik nya.... naaksidente pa habang nagmamaneho ng kanyang kotse, ang tahimik niya.... "Ikaw ang kailangan ko, hindi siya. Masakit sa kanya kasi hindi siya ang pinili ko kaya gusto nyang mawasak ang pamilya ko. Mahal ko kayo ng mga anak ko, ikaw. Kailangan ko kayo."
. Hindi ko akalain na sa aking pagdating dito sa Middle East, ang aking pagsunod, after few months, ay doon ko malalaman ang lahat. Grabe ang biglang bagsak ng mundo ko, I was completely torn apart..
â Shaine
Ngayon, after 5 years na ang lumipas, everything is okay with us. Ang gulo sa amin noon ang siyang dahilan kaya siguro naging matatag ang aming samahan. Gaya ng maraming nagsasabi, bakit ang bilis ko raw makalimot sa maling nagawa ng asawa ko, bakita madali akong nagpatawad sa asawa ko. Ang sagot ko, "Mahal ko ang asawa ko at sa ilang taon na naming nagsasama mula nang mangyari iyon ay tama na siguro ang mga panahon na iyon na ginulo ang aming samahan. â Ilang ulit siyang humingi ng tawad. Tapos na yun at ginawa nâya ang lahat upang magamot ang wasak kong puso at maibalik ang dati naming samahan. Isa siyang mabuting ama, asawa, kaibigan at good provider. Yun na lang ang dapat kong pansinin, pagtuunan ng pansin kaysa sa minsan niyang naging maling desisyon o nagawa sa buhay. Kaya tayong mga legal wife, maging matatag tayo if darating sa buhay ng ating mga asawa ang mangabit at paglaruan ang mga babaeng mahihina ang loob, ang manira sa ating pamilya at buhay natin. Kapag mahal mo siya, ipaglaban mo⦠alam natin mahal pa rin nila tayo. Kaya nga lang may mga babaeng makasarili, that you have to fight for it again. -
GMANews.TV Shaine Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!