Alay sa minamahal kong Ina
Ako po si Reynoel Agno na nagtatrabaho dito sa Abu Dhabi at isa sa maraming subscriber ng GMA Pinoy TV dito sa UAE. Gusto ko pong ipaabot sa aking mahal na Ina ang tulang ginawa ko para sa kanya ngayong Mother's Day. Marami pong salamat at alay ko rin sa lahat ng mga ina ang tulang ginawa ko dahil sa kanilang mga sakripisyo bilang ilaw ng tahanan sa bawat pamilyang Pilipino. Salamat ng lubos. MAMA: Alay sa minamahal kong Ina ni Reynoel Agno Marami pong salamat sa mga sakripisyo nâyo, Lalung-lalo na sa po noong bata pa ako; Minsaây nakakagalitan at minsan ngaây napapalo, Ngunit tanggap ko ito dahil dito ako natuto. A lam kong 'di ako magkakaroon ng isang matuwid na buhay, Kung walang isang butihing ina na sa akin ay gumabay; Hindi nga naging hadlang sa inyo ang pagkawala ni ama, Dahil ipinagpatuloy ninyo ang mga naiwang tungkulin niya. Marahil kulang pa ang buhay ko upang suklian ang mga kabutihan nyo, Laloât matuwid na landas itong tinatahak ko; Kayo po ang inspirasyon ko upang maging ulirang magulang, Na sa amiây iminulat nyo nang walang pagkukulang. Aking sasamantalahin ang pagkakataong ito, Upang magpasalamat at batiin kayo; Happy Motherâs Day po, mahal kong ina, Hindi namin kayo makalilimutan kahit kamiây may pamilya na. - GMANews.TV Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!