ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang kailangan ng ating mga anak


Para kay RVD of USA walang sinuman ang makapagsasabi na nagkulang ka dahil ang kabutihan lagi ng anak ang nais ng isang magulang. Ako rin ay may isang anak nais ko siyang lumaki ng sa amin ay may paggalang. Nais ko siyang palakihin kung paano kami pinalaki ng aming mga magulang. Ngunit sa panahon ngayon ay iba na ang approach na nababagay. Hindi na dapat ang sobrang istrikto. Dapat maging flexible tayo at gawing kaibigan ang ating anak. Sa tingin ko naging hadlang sa inyo ng anak mo ang distansya ng bawat isa. Naapektuhan rin ang oras - quality time nyo. Bonding time na dapat ay mas enjoy nyo kung kayo ay nagsasama sa iisang bubong. Ang mga bata pagdating ng “teens" ay nag e-explore sa mundong ginagalawan nila. Hindi na natin kayang suhulan o suyuin dahil nga hindi na sila bata. Mas kailangan nila ang kaagapay at pang-unawa sa panahon na iyon. Sa ngayon dinadaanan ng anak ko ang stage na ito. Yung panahon na laging galit sa magulang ang anak at ayaw nila na sila ay napapansin kasi sa pagkakaalam nila mali na naman ang ginagawa nila kaya sila napapansin. Ito rin ang mahirap na adjustment sa magulang. Mahirap maunawaan ang panahon na ito. Dito sila nagkakaroon ng crush at hanggang hindi sila nagmamature mahirap silang maunawaan. Pero kailangan nga nila ang gabay at pangunawa dahil ito yung period na ‘pag hindi sila naintindihan ng mga magulang ay ang barkada ang hahanapin nila. Hindi sila maunawaan sa bahay kaya sa labas ng bahay sila naghahanap ng enjoyment.


Mahirap maunawaan ang panahon na ito. Dito sila nagkakaroon ng crush at hanggang hindi sila nagmamature mahirap silang maunawaan. Pero kailangan nga nila ang gabay at pangunawa dahil ito yung period na ‘pag hindi sila naintindihan ng mga magulang ay ang barkada ang hahanapin nila. Hindi sila maunawaan sa bahay kaya sa labas ng bahay sila naghahanap ng enjoyment.
– EPV of Singapore
Hindi kaya naging labis ka sa pagbibigay ng luho sa kanya? May kasabihan nga na ‘wag mong palakihin sa luho ang anak dahil hindi matututong magsumikap. Hindi pa naman siguro huli ang lahat. Hindi kaya oras mo ang hinahanap n’ya dahil pamilya pa rin ang hahanapin natin sa oras na tayo ay nahihirapan sa ating katayuan. Kailangan n’ya nang kaibigan sa katauhan mo. Subukan mong kausapin siya bilang kaibigan at hindi bilang ama. Medyo matagal at mahirap ang daranasin mo upang maging kaibigan mo siya pero dahil sa magulang ka niya hindi magtatagal ay makukuha mo rin ang loob nya. May mga panahon na minsan dahil hindi natin maunawaan ang ating mga anak ay parang gusto nating sumuko. Pero hindi maaari dahil parang pinabayaan na rin natin sila. Mahirap at masakit ang nararamdaman mo pero kailangang ‘wag kang sumuko. Bilang magulang kailangan nila tayo higit kaninuman. Higit sa kaibigan, higit sa kamag-anak, higit sa asawa nila o nobyo at nobya. Dahil tayong magulang ang unang nasasaktan ‘pag sila ay umiiyak. Una tayong masisiyahan kung sila ay tumatawa. Magagalak sa karangalang tinatamo nila dahil sila ay ating kadugo. Sa ngayon minsan isang linggo nakikinig kami ng salita ng Diyos. Kahit alam ko na hindi siya nag e-enjoy ang alam ko mauunawaan din nya ito balang araw. Hindi man n’ya malaman ang kahalagahan nito ngayon ito ay magagamit n’ya pagdating ng panahon. . Isasama ko sa dalangin na nawa’y matutunan ng anak mo ang tamang daan. Nawa ay maramdaman niya kung gaano mo siya kamahal. Dalangin ko rin na pagkalooban kayo ng maraming oras na magkasama at maenjoy nyo ang presensya ng bawat isa. Maramdaman ng anak mo ang kahalagan ng pagpapakahirap mo ibang bansa at mapahalagahan niya ang mga naibigay mo sa kanya. Sabi nga lahat daw ng pangyayari ay may dahilan. Tingnan na lang natin ang mabuting dahilan. Ang maaaring maituwid ang mga pagkakamali. Ma-appreciate ang mga bagay na hindi natin napapansin. Mahalin ang mga bagay na minsan hindi natin napapahalagahan. Maraming bagay na nakakalimutan natin, hindi natin napapansin, hindi natin napapahalagahan. Minsan may mga kailangan nating napagdaanan o ma-experience para makita natin ang nasa paligid natin, ma-appreciate natin ang bagay o tao. Minsan kasi naka-focus agad tayo sa kinabukasan kaya hindi natin na eenjoy yung ating pinagdadaanan ngayon. Huwag mong isipin dahil sa nagkaganyan siya ay sira na ang kinabukasan niya. Ang lahat ay may puwang sa pagbabago. Minsan ang mga taong nadapa at bumangon ay mabilis na nakakarokober at mas nagiging successful. Dahil minsan naranasan na nilang madapa kaya ayaw na nila maranasan uli. Maraming salamat sa pagbibigay ng puwang at sana makatulong ako sa nararamdaman ni RVD of USA. God bless! EPV of Singapore Basahin: May Isang Anak Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!