Magandang araw sa inyo mga Kapuso. Ako po ay si Ricardo, nagtatrabaho dito sa Israel bilang caregiver â kung tawagin ay "Holy Land." Mag-aapat na taon na po ako rito. Sa unang pagdating ko rito, masayang-masaya ako dahil isa sa mga pangarap ng isang Kristiyano ang makapunta dito sa Israel. Nandito ang mga lugar na nakikita at nababasa natin sa Bibliya. Sa aking paglagi dito, nakapunta na ako sa mga "Biblical places" na tinutukoy sa ating Banal na Libro. Nandiyan ang Jerusalem na siyang kapitolyo, at dito rin bababa si Kristo pagdating ng araw ng paghuhukom. Ang "Dead Sea" naman ang lugar kung saan maraming turista na may sakit sa balat ang dumarayo at naliligo sa pag-asam na gagaling sila. Ang "Bethlehem" na lugar ng pinanganakan ni Kristo. Siyempre ang Nazareth kung saan nakatira ang pamilya ni Kristo. Ang Jordan River ang lugar kung saan benendisyunan si Kristo ni John the Baptist, at marami pang iba. Isa na siguro ako sa mapalad na Kristiyano na nakapunta rito. Sa dami ba naman ng Kristiyano sa mundo.
Hindi po totoo na madaling kitain ang pera sa ibang bansa. Pagtatrabahuhan mo ito para ikaw ay kumita ng maganda. Kaya sana ay huwag ninyong kalilimutan na magpasalamat sa inyong mahal sa buhay kapag nakatanggap kayo ng "magandang balita.
â Ricardo
Nung araw ng una kong suweldo, masayang-masaya ako dahil ito na yung bunga ng aking pinaghirapan sa pagtatrabaho bilang caregiver. Sa isip ko, may maipapadala na ako sa aking pamilya sa Pilipinas. Nagpaalam ako sa aking employer para pumunta sa malapit na padalahan ng pera. Sabik ako na maipadala na sa mga mahal ko sa buhay sa Pilipinas ang bunga ng aking pinaghirapan. Napakasarap ng feeling na pagkatapos mong maipadala ang pera sa kanila. Maya-maya lang ay alam mong mahahawakan na nila ang "hard earned" money na iyon. Pagkatapos, panahon naman para itawag sa kanila ang âmagandang balita" mo sa kanila na naipadala mo na ang pinaghirapan mong pera. Kausap ko na ang aking mahal sa buhay sa telepono at ganito ang takbo ng aming pag-uusap: "Magandang hapon sa inyo diyan, napadala ko na ang pera. Ito na yung control number, isulat mo siya...." Parehas ang aming nararamdaman habang kami ay nag-uusap. Masaya ang aming pag-uusap. Ngunit, datapwa't, kung bakit na pagkatapos na makuha ang control number, eh bigla na lang natigil ang aming pag-uusap⦠naputol ang linya! Alam niyo po mga kababayan kong Pinoy na may kamag-anak na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, napakahalaga po sa amin na marinig ang katagang, "Thank you o maraming salamat sa padala mo." Sa pangungusap na iyan ay napapawi ang aming pagod at nagbibigay ligaya sa amin dito para lalo kaming magpursige na kumita at magtrabaho ng mahusay dito sa ibang bansa. Tandaan niyo po na kahit saang bansa mapadpad ang mahal ninyo sa buhay, yung pera na kinita nila ay produkto na pawis, sipag at tiyaga. Hindi po totoo na madaling kitain ang pera sa ibang bansa. Pagtatrabahuhan mo ito para ikaw ay kumita ng maganda. Kaya sana ay huwag ninyong kalilimutan na magpasalamat sa inyong mahal sa buhay kapag nakatanggap kayo ng "magandang balita." Maraming salamat po.
Ricardo sa Israel Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!