Binabati ko ang magandang layunin ng GMANews.TV/Pinoy Abroad. Dahil dito ay nababawasan ang ating mga hinagpis sa buhay bilang OFW. Isa din akong masugid na tagabasa ng Kwentong Kapuso. Ang mga kuwento nila ay nangyayari sa tunay na buhay at mapag-isipan kung tama o mali ang kahihinatnan. Sampu kaming magkakapatid, pang-lima ako. Dapat 11 kami kaya lang maagang pumanaw ang isa sa amin. Si tatay ay family driver, at si nanay naman ay sa bahay para mag-alaga sa amin. Dahil sa hirap ng aming buhay, paminsan-minsan ay nagtitinda si nanay ng prutas mula sa bunga ng punong bayabas at santol sa pinagtatrabahuhan ni tatay.
Maliit pa lang ako ay naranasan ko na ang hirap ng buhay. Kapag Sabado at Linggo ay naglilinis kami ng kapatid kong babae sa bahay ng isang mayaman para may pangbaon kaming magkakapatid at pambili ng bigas.
â Jhon A
Maliit pa lang ako ay naranasan ko na ang hirap ng buhay. Kapag Sabado at Linggo ay naglilinis kami ng kapatid kong babae sa bahay ng isang mayaman para may pangbaon kaming magkakapatid at pambili ng bigas. Sa marangyang bahay ay may mga katulong sila pero kami lang ng kapatid ko ang pinapayagang pumasok sa kwarto ng may-ari magulang para maglinis. Hindi nila ipinagkakatiwala sa mga katulong ang paglilinis sa kuwarto ng mga may-ari. Marami kasing pera at alahas doon sa kuwarto. Pero hindi pumasok sa isipan namin na kumuha kahit isang sentimo. Iyan kasi ang tanging bilin ng aming itay at inay na, âAng pera ay madaling kitain pero ang tiwala ay din a maibabalik pa." Ang pangaral na iyon ang baon namin tuwing kami ay pupunta at maglilinis sa malaking bahay. Wala rin kaming pamasahe kaya nagtitiis kaming maglakad ng malayo para makatipid. Sa edad kong pito noon, kapag walang pasok ay sumasama rin ako sa tatay ko para maglinis ng mga baradong tubo ng toilet o kusina. Hindi ko alintana ang pagod dahil si tatay at inay ang aking inspirasyon sa buhay. Nakikita ko kasi kung paano nila kami buhaying magkakapatid kahit anong hirap ay tinitiis nila. Wala kaming TV kaya madalas nakasabit lang kaming magkakapatid sa bintana ng kapitbahay para makipanood. Nandiyan na pinagsasarhan kami ng bintana at pinto kaya minsan pati daliri ko naiipit. Pero walang magawa si inay, nakikita ko na lang siya umiiyak. Pagdating ng 6 p.m. ay kailangang umuwi na kami dahil oras na iyon pagdarasal. Isang sitsit lang ni inay ay takbuhan na kaming magkakapatid pauwi. Kasi kapag âdi pa kami umuwi sa pangalawang sitsit niya, walis-tingting na ang kasunod nito. Para may dagdag na panggastos, pagkatapos naming magdasal at kumain ay nagpupunta ako sa mga kapitbahay namin para kunin at itapon ang mga basura nila. Doon ay nabibigyan ako minsan ng 10 hannggang 25 sentimos. Masaya na ako noon at ibinibigay k okay nanay ang pera para may pambili ng bigas at baon naming kinabukasan.
Pagdating ng 6 p.m. ay kailangang umuwi na kami dahil oras na iyon pagdarasal. Isang sitsit lang ni inay ay takbuhan na kaming magkakapatid pauwi. Kasi kapag âdi pa kami umuwi sa pangalawang sitsit niya, walis-tingting na ang kasunod nito.
â Jhon A
Kapag bakasyon naman, minsan ay isinasama ako ng tatay ko Lions Club para magbantay ng mga kotse habang nagmimiting ang mga may-ari ng sasakyan, kasama na ang boss ni tatay. Naglilinis ako ng mga kotse baka sakaling may mag-abot ng pera at matuwa kapag nakitang makintab at malinis ang kanilang sasakyan. Minsan meron, minsan walang nagbibigay pero okey na rin kasi masaya ako dahil kasama ko ang tatay ko. Kung minsan ay may nauuwi rin kaming pagkain sa bahay ni tatay kapag may natira sa miting. Minsan nga pati bloke ng yelo (ice) inuuwi ng tatay ko kasi wala kaming refrigerator. Kapag ganung araw, naghihintay si inay sa pagdating ni tatay baka sakaling may dalang masarap na pagkain at ginigising niya ang mga kapatid ko. Noong April 1977, 49-years-old si itay nang nakaramdam siya ng matinding pananakit sa tiyan. Nagpunta sila sa ospital pero âdi na siya pinauwi ng doktor dahil malala na daw ang kanyang karamdaman ay dapat siyang ma-confine kaagad. Ako ang nagbantay at mag-alaga sa kanya sa ospital. Hindi na ako umuuwi sa amin at dinadalhan na lang ako ng damit. Dahil doon na rin ako natutulog sa ospital, pinagtatabi ko ang silya para magkasya kami sa maliit na kama. Masuwerte na lang kung may kama na mababakante. Isang buwan din kami ni tatay sa ospital kung saan natuklasan na mayroon siyang sakit na kanser. Ilang beses na rin siyang binisita ng mga pari at pinapahiran ng holy oil sa pag-asang siyaây sisigla at lalakas. Sa tuwing mag-uusap kami, tinatanong niya ako kung gaano kalaki ang hiwa sa tiyan niya. Para âdi na siya mag-isip at madali siyang gumaling, sinasabi ko lang na maliit kahit ang totoo ay malaki. Napapansin kong lumuluha siya kapag âdi ako nakatingin sa kanya kapag sumasagot. Lagi ko rin siyang tinatanong kung sabay ba kaming uuwi ng bahay. Sasabihin niya, âOo, sabay tayong uuwi." Pero hindi nagkatotoo âyon. (Itutuloy) â
GMANews.TV JHON A Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!