Ako poây isang manggagawa sa labas ng ating bansa. Sumubok akong makipagsapalaran upang matugunan ang pangangailangan ng aking pamilya. Habang akoây naririto sa ibang bansa ay naiisip ako, âkung meron lang sanang magandang pagkakataon sa ating bansa ay âdi ko nanaisin pang mapalayo upang mabigyan ng ginhawa ang aking pamilya." Bawat Pilipino na katulad ko ay may simpleng pangarap na dala-dala nila sa paglisan. Yung may madudukot sa pang-araw-araw na gastusin, maayos na tirahan, at higit sa lahat ay mapagtapos ng edukasyon ang mga anak. Para sa kaalamanan ng lahat, âdi lamang sa mauunlad na bansa may Pilipino. May nakikipagsapalaran din sa mga bansa na napag-iwanan na ng panahon, at kung ikukumpara sa atin ay tila mas maunlad pa tayo ng sampung dekada.
Dito sa bansang aking pinagtatrabahuhan, wala buwis na binabayaran ang mga manggagawa. May mga serbisyong âdi kinakaltas sa suweldo ng manggagawa, libre ang tirahan pagkain, at higit sa lahat ay regular ang kontrata.
â Evelyn
Nakakapagtaka âdi ba? Pero bakit marami pa ring Pinoy na nagtatrabaho sa ganun lugar? Halos malayo sa kanilang pinanggalingan at âdi pa sigurado ang kaligtasan ng kanilang buhay. Kung tutuusin ay maunlad ang ating bansa. Ang bawat ordinaryong manggagawa sa atin ay may maliit na ambag sa gobyerno sa pamamagitan ng buwis na kinakalatas sa kakarampot nilang sinasahod. Kaya ang katagang, âipinanganak na mahirap, mamamatay na mahirap," âyan ang katotohanan sa ating bansa. Dito sa bansang aking pinagtatrabahuhan, wala buwis na binabayaran ang mga manggagawa. May mga serbisyong âdi kinakaltas sa suweldo ng manggagawa, libre ang tirahan pagkain, at higit sa lahat ay regular ang kontrata. Ito pa ang mas nakabibigla, âdi kailangang magtapos ng kolehiyo para makapasok ng magandang trabaho. Sa atin, factory worker lang kailangan pa na at least college level, tapos dadaan pa sa agency. Hindi pa regular ang kontrata kaya paano ka mangangarap para sa pamilya mo kung walang pag-asenso sa buhay. Kaya âdi mo masasabi ang katagang, âkapag may tiyaga, may nilaga." Likas sa Pilipino ang matiyaga sa trabaho. Para sa ikabubuti ng kanyang pamilya ay gagawin niya ang lahat. Kaya nga sa ibang bansa, mas gusto nila ang Pinoy na manggagawa. Pero bakit sa sariling bansa natin ay âdi man lang tayo nabibigyan ng importansiya? Marami ring dayuhan na âdi nagtapos sa pag-aaral na sa Pilipinas nagtatrabaho pero malaki ang sahod. Mas matataas pa ang posisyon kaysa Pilipinong trabahador na âdi umuunlad. Sariling bansa na natin alipin pa rin tayo ng mga dayuhan. Ang kalamangan nila ay ang matagal nilang karanasan sa trabaho. Ito pa ang nagpapahirap sa atin mga Pilipino, kahit nakatapos ka na ng pag-aaral, hindi ka agad mabigyan ng pagkakataon na mapagtrabaho, lalo na kung 'di kilala ang iyong naging unibersidad o eskwelahan. Nakakaloko pa dahil hahanapan ka ng âexperience." Saan ka pa lulugar kung ganun ang requirements bago ka mapagtrabaho?
Malaya tayo pero sa salita lang. Tila nakakulong tayo sa palad ng mga namumuno sa atin na sarili lang ang iniisip at gahaman sa kapangyarihan.
â Evelyn
Malaki o maliit man na kumpanya, iyon ang karaniwang problema ng bagong aplikante. Kapag sa labas ng Maynila ka nag-aplay, kailangan mong makumpleto muna yung mga requirement gaya ng ibaât ibang clearance - Police, NBI, Barangay, at photo copy ng mga employment certificate kahit âdi ka pa natatanggap. Dahil diyan ay lalong nababaon sa hirap ang mga manggagawang Pilipino. Ngayon nga kailangan mayroong pang training certificate mula sa TESDA. Kailangan mag-enrol ka pa sa kanila, dagdag gastos ng malaki. Tapos marami pang hihilingin saâyo at kung mamalasin ang makikinabang lang ay tiwaling mga taga-gobyerno. Pero kapag nag-aplay ka direct sa labas ng ating bansa, âdi mo na kailangan ang marami sa iyon. Kaya ka nga naghahanap ng trabaho para kumita ng pera, hindi para gumastos at mabaon sa utang bago ka makapagtrabaho. Maraming saloobin at sama ng loob ang bawat Pinoy na nangingibang-bayan dahil ang mga nakapuwestong pinuno sa gobyerno ay walang malasakit sa Inang Bayan at sa mga kababayan nila. Malaya tayo pero sa salita lang, tila nakakulong tayo sa palad ng mga namumuno sa atin na sarili lang ang iniisip at gahaman sa kapangyarihan. Sila ang mga opisyal na matamis magsalita, puro pangako makaupo lang sa puwesto. Kung hindi man ang namumuno ang gahaman, ang problema naman ay ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ito ang mga pinagkakautangan ng loob ng namumuno, at pinagkatiwalaan niya gaya ng kamag-anak, kapatid, kaibigan, asawa at kung sino-sino pang mga linta sa kapangyarihan at langaw nakatungtong sa kalabaw. Sana may pag-asa pa tayo. â
GMANews.TV Gumagalang,
Evelyn Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!