Noon, gustong-gusto kong mangibang-bansa dahil nakikita ko ang aking kapatid na stewardess na maaliwalas ang buhay. Tuwing umuuwi siya marami siyang dalang pasalubong sa amin; madaming chocolates, bagong sapatos at marami pang iba. So I dreamed of working abroad. âMasarap sigurong mag-abroad?!" Nang dumating sa buhay ko ang aking asawa, isinantabi ko na ang pag-aabroad dahil gusto ko siyang laging kasama. Masaya kami at kumikita naman sa Pinas kahit konti. Nagpakasal kami at medyo marangya ang aming naging kasal. Nang tumagal, kulang na sa amin ang aming kita at konting ipon, hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng trabaho. Pero mabait pa ang Diyos, nandyan kasi ang aking pamilya, mga magulang na tumulong sa akin.
Dahil first timer ako at solo akong nagbiyehe, pagbaba ay sinabayan ko ang mga pasahero papuntang immigration hangang palabas. Kung ano ang ginagawa nila, iyon din ang ginagawa ko.
â Dexter
Pero dahil konti ang oportunidad at konti ang kita sa Pilipinas, nabuhay muli ang pangarap kong mag-abroad, nag-aplay ako ng trabaho sa Saudi Arabia. Suwerte naman dahil merong tumawag na kumpanya at tumanggap sa akin. âWelcome to Kingdom of Saudi Arabia, your local TIME is 1:10 in the morning!" Ito ang natatandaan ko nung dumating ako dito sa Saudi. Pababa pa lang eh tinatanaw ko na ang Jeddah kasi nasa tabi ako ng bintana. âWow, ang ganda naman ng bansang pinuntahan ko." Namangha ako sa dami ng ilaw na natatanaw at magandang tanawin sa itaas. Makikita mo ang mataas na fountain. Dahil first timer ako at solo akong nagbiyehe, pagbaba ay sinabayan ko ang mga pasahero papuntang immigration hangang palabas. Kung ano ang ginagawa nila, iyon din ang ginagawa ko. Mabuti na lang nakalusot ang mga pagkain na nakalagay sa aking bagahe. Madami ko kasi akong baon na pagkain sa aking bag, yung iba kasi ay hinaharang at binubuksan ang mga dalang bagahe. Paglabas ko, nadinig ko ang parang mga ibong loro na nag-uusap. Hindi ko sila maintindihan. âAno ba âyon? Ang iingay magsalita, âyon kaya ang Arabic?" Paglabas ko sa Immigration, hinanap ko agad ang susundo sa akin. Sabi kasi ng agency ko ay meron susundo sa akin. Natagalan ako sa paghihintay sa aking sundo. Nang bukang-liwayway na bigla na lamang may umalulong na hindi ko maintindihan kung anong malakas; ang mga tao ay papunta sa iisang dereksiyon, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Kaya sumabay ako sa agos at daloy ng tao, yun pala hudyat iyon ng âSalah," ang kanilang pagdarasal sa Islam. Pumunta ako sa waiting area at doon na lang ako naghintay. Umaga na wala pa ang aking sundo nang biglang may lumapit sa akin, âArambco? Bulol na sabi nito. Then I said, âNo that is not my company," The Bangladesh national round trice on me and always asking the same question. Pero nang magsawa yata eh umalis din. Maya-maya ay nakaramdam ako na naiihi, pumunta ako sa CR. Sa aking pag-ihi, nagtitinginan sa akin ang mga tao, hindi ko alam kung bakit. Iyon pala ay hugasan nila ng paa yung napuntahan bago sila mag-Salah.
Maya-maya ay nakaramdam ako na naiihi, pumunta ako sa CR. Sa aking pag-ihi, nagtitinginan sa akin ang mga tao, hindi ko alam kung bakit. Iyon pala ay hugasan nila ng paa yung napuntahan bago sila mag-Salah.
Hapon na wala pa rin ang sundo ko, kinakabahan na ako. Ano ba itong napuntahan ko?! Thanks God!, Iâm so lucky meron akong Pinoy na nakita. Nagtatrabaho siya sa airport at tinulungan niya ako. Dinala ako sa office ng airport at tinawagan ang aking sponsor-company. Maya-maya lamang ay meron ng dumating para sunduin ako at marunong mag-English. Pagdating namin sa sasakyan, nakita ko ang Bangladesh na umikot sa akin ng tatlong besesâ¦siya pala ang sundo ko! Isa pala siyang supervisor sa isang project - airport project na hawak din ng kumpanya. âDi ko kasi siya naintindihan, bulol kasi! Siya ang nagdrive sa amin papuntang accommodation. Habang nasa daan, nag-iiba na ang nakita ko sa eroplano. Ang magandang tanawin ay napalitan ng disyerto, puro buhangin at alikabok. Dinala ako sa aking temporary na silid kasi sa ibang project ako ilalagay. Wala pa ang mga kasama ko kasi may mga trabaho sila. Sa kabilang silid naman ay mga tulog ang tao kasi shifting ang schedule nila. Nang mapag-isa na ako sa loob ng aking silid, noon ko naramdaman ang unang kirot ng lungkot na maging malayo at ma-homesick. Bigla, naisip ko ang aking mga mahal sa buhay lalo na ang aking asawa - na buntis na. Malinaw na malinaw pa sa aking isipan ang bilin niya: âIngat ka âDy sa pupuntahan mo, at sana makabalik ka sa amin na walang anumang problema. Mami-miss kita. Dy."
Nang mapag-isa na ako sa loob ng aking silid, noon ko naramdaman ang unang kirot ng lungkot na maging malayo at ma-homesick. Bigla, naisip ko ang aking mga mahal sa buhay lalo na ang aking asawa... na buntis pa naman.
Dahil sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ay nakatulog ako na may luha sa mata⦠minuta tuloy ako paggising! Kinabukasan, inilipat na ako sa project na aking destino. Sumalubong sa akin ang isang Pinoy na magdadalawang taon ng nagtatrabaho dun. âWelcome pare, dito tatag lang ng loob at matatapos mo rin ang kontrata mo. Ang tinatapos dito ay kontrata hindi trabaho." Dinala niya ako sa maliit na silid at doon daw ang kwarto namin. Pinagpahinga muna niya ako. Kinagabihan, bagamaât malalim na ang gabi ay naging madamot ang antok sa akin. May agam-agam sa aking isipan, âAnoâng buhay ang aking haharapin sa lugar na ito? Ano ba itong project na ito?" Iniisip ko pa rin ang naiwan kong buntis na asawa at mga mahal sa buhay sa Pinas. Sa unang araw ko sa project, tulad ng inaasahan ay language barrier ang una kong naging problema. Paano ba naman, maski simpleng English eh hindi ako maitindihan ng mga kasama ko. Zero kasi sila sa English at Arabic lang ang salita. Tuloy, naging interpreter ko ang aming manager na Sudanese, at ang kasamahan kong Pinoy. Subalit sa kabila ng lahat ng hirap sa pakikipag-usap sa mga Arabo, sinikap kong gampanan ang bawat gawaing iniatang sa akin. Iyon naman ang importante âdi ba? Kahit hindi ko kabisado ang pagiging appliance technician, (ang inaplayan ko kasi ay CCTV Technician), wala akong magawa kundi gawin na lang iyon. Dito ko lang nakita ang mag-ayos at magset-up ng satellite receiver, madali lang palang matutunan. Isang linggo lang medyo natutunan ko na ang basic Arabic sa tulong ng libro at pag-interpret ng aking kasamahan. Sa isang kampo ng military ang project na napuntahan ko. Dito ko nakita ang mga sundalo na matitikas kung sumaludo, at may kasama pang tadyak. Pero pagkatapos magsaluduhan ay bigla silang magbebeso-beso, ngek! bading? (joke lang) Dito ko din napasok ang kanilang kulungan dahil kasama sa trabaho namin ang pag-maintenace nun. Maganda ang kanilang kulungan, naka-aircon at meron pang satelitte receiver. Para kang wala sa kulungan pero nakakatakot ang itsura ng mga nakakulong. Dito rin ako nakapanood ng pinapalo ang likod at pinupugutan ang mga nagkakasala sa kanilang batas. (Itutuloy) -
GMANews.TV Dexter Ang 3 'M' sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa (2) Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!