Greeting from Netherlands. Magandang araw po sa lahat ng mga Pinoy sa abroad. Madalas po akong magbasa sa column na ito. Maraming bagay at pangyayari akong natutuklasan at naisasabuhay mula sa ibatâ ibang kuwento ng buhay. Ang sarap ng pakiramdam ko kada uuwi ako ng Pilipinas. Makikita ko uli ang nanay at tatay ko, lahat ng mga kapatid ko, at lahat ng mga pamangkin ko -- na kada uwi ako ay mas lumalaki pa sa akin. Lahat naman tayong Pinoy ay mahilig magpasalubong sa atin mga pamilya sa Pinas. Masaya lahat sila sa dalang pasalubong natin para sa kanila, at siyempre sa pagkikita uli ng buong pamilya.
Sinabi sa news na isang OFW ang sumakay ng taxi ang naholdap. Natangay ang lahat ng kanyang gamit, alahas at pera. Nakakainis kasi na âdi nila alam na lahat ng klaseng pagtitipid ay ginagawa natin para lang may mauwi tayong pera sa ating pamilya sa Pilipinas.
â Sietsma-Añes
Pero âdi lahat ng Pinoy na nagbabalik-bayan ay masaya. Bawat isa ay may baon na kuwento ng kanilang buhay sa abroad. Kaya minsan nakakainis ang ibang Pinoy sa Pilipinas, iyong mga nagsasamantala sa ating kababayan. Naalala ko nga nung last December 2009, nang umuwi ako sa Pinas. Sinalubong ako ng pamilya ko sa airport at may dalang sasakyan. Isang lalaki ang lumapit sa akin at pilit akong inaalok na mag-taxi. Ang sabi ko, âpasenya na po may sundo po ako." Nang nasa sasakyan na ako, may isang lalaki ang lumapit naman sa akin at humingi ng pera. Ang sabi ko po uli, ââpasensiya na po.ââ Pag-uwi ko sa bahay, walang katapusan na kuwentuhan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang aking kausap. Hindi pa ako dinalaw ng antok kaya nanood muna ako ng tv. Sinabi sa news na isang OFW ang sumakay ng taxi ang naholdap. Natangay ang lahat ng kanyang gamit, alahas at pera. Nakakainis kasi na âdi nila alam na lahat ng klaseng pagtitipid ay ginagawa natin para lang may mauwi tayong pera sa ating pamilya sa Pilipinas. Bakit ba may tao na walang nang ginawa kundi kunin ang pinaghirapan ng iba? Hindi naman madali ang buhay ng mga OFW sa ibang bansa. Ito ba ang tamang pasalubong ng ilan nating kababayan sa mga katulad nating ââBalik-bayan?" -
GMANews.TV Salamat po,
Sietsma-Añes ng Netherlands Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!