(Karugtong) Taong 2009, gamay ko na ang buhay Saudi. Medyo nakakaintindi at nakakapag-salita na ako ng kaunting Arabic words. Sa panahong ito ko na-realize ang sinabi ng aking bayaw, ang pasensya. Hindi lang pala sa ibang lahi maia-apply ito, maging sa kababayan ko rin. Mahirap ang walang mapaghingahan ng sama ng loob. Hindi ka pwedeng magalit at magwala. Ibang-iba ang trabaho sa abroad kaysa sa Pinas.
Sari-saring amoy din ng katawan ang aking nalanghap. Merong amoy tinapay (putok), merong miyembro ng ABB (Ang Bad Breath) at meron ding amoy bayabas (yung sinigang).
â Ahldabest
Sama ng loob sa amo, sama ng loob sa kasamahan, pero wala akong magagawa. Kapag nagkasakit, ako lang mag-isa ang nag-aasikaso sa sarili ko. Buntot mo, hila mo âika nga. Nasa gitna pa lang ako ng laban, kailangang panindigan. Natuto akong maglaba (hindi ko ginagawa sa Pinas âyan) natuto akong magluto (taga-kain lang ako sa Pinas) at natuto akong maging ako. Sari-saring ugali ang na-encounter ko sa abroad â ibang lahi man o kababayan. May sipsip, may backfighter, may maigsi ang pasensya at naghahamon na agad ng suntukan kahit maliit ang dahilan, may masayahin, may makulit at kung anu ano pa. Sari-saring amoy din ng katawan ang aking nalanghap. Merong amoy tinapay (putok), merong miyembro ng ABB (Ang Bad Breath) at meron ding amoy bayabas (yung sinigang). Kadalasang ulam ko ay sardinas kapag tinamad magluto. Kapag medyo sinipag-sipag, hotdog o itlog o noodles. Kapag sinipag talaga, adobong manok o nilagang baka o tinolang manok, at ang pinakapaborito kong pecadilio. Ang hirap mag-budget sa pagkain, kailangang tipirin ang sarili para may maipadala sa âPinas. Excited akong ikinuwento sa misis ko na marunong na akong magluto. Mahirap ang nasa abroad, para akong ibon na nakakulong sa isang malaking hawla na walang selda. Malaya nga, pero hindi talaga malaya. Malaki ang pagkakaiba kung nasa sarili akong bayan. Idagdag pa ang homesick na parati kong nararamdaman. Hanggang kailan kaya patuloy na mangingibang bansa ang mga Pilipino dahil lamang sa kahirapan? Lagi na lamang bang ganito?
Mahirap ang nasa abroad, para akong ibon na nakakulong sa isang malaking hawla na walang selda. Malaya nga, pero hindi talaga malaya. Malaki ang pagkakaiba kung nasa sarili akong bayan.
â Ahldabest
Kapag nakakakita ako rito ng isang pamilya na magkakasama, hindi ko maiwasang mainggit. Missed ko na ang aking pamilya. Aahh.... kaunting tiyaga pa, kalokohan kung magre-resign ako dahil lang sa homesickâ¦tapos kakalam-kalam ang tiyan ng aking pamilya kapag nakauwi na ng âPinas. Kailangang magtiyaga at magsakripisyo para sa kanila. Pagdating ng 2010, kaunti na lang, malapit na akong umuwi. Habang hinihintay ko ang araw na âyon, parang lalong bumabagal ang panahon. Ganun daw talaga, kapag binilang mo ang bawat patak ng segundo, lalo itong bumabagal tumakbo. Sa kainipan, natutunan ko ang paninigarilyo. Nakaka-relax ng pag iisip pero hindi ko ito ginustong bisyo. Katulong ko ito âpag homesick ako, at âpag naaasar sa sinusuong na sitwasyon. Buti na lang may Pinoy Republic at Facebook. Ang mga ito ang tumutulong sa akin para maaliw. Sa aking nalalapit na pag-uwi, naiisip ko, dalawang taon ang nawala sa aking buhay. Kilala pa kaya ako ng bunso kong anak na anim na buwan lamang nung aking iniwanan? Maglalambing pa rin kaya ang panganay kong anak sa akin? Palagay ko marami nang ipinagbago ang Pilipinas â hindi lang sa pamahalaan kundi sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Kung dati hindi sanay ang misis ko na wala ako sa tabi niya sa hirap at ginhawa, ngayon alam ko kayang-kaya na niya. Ang kagandahang nangyari sa akin sa abroad ay masasabi kong may katas din ng Saudi akong uuwian. May maliit na bahay, at kaunting naipong Riyal na tiyak kong mauubos din pag-apak ng aking paa sa lupang sinilangan.
Sa aking nalalapit na pag-uwi, naiisip ko, dalawang taon ang nawala sa aking buhay. Kilala pa kaya ako ng bunso kong anak na anim na buwan lamang nung aking iniwanan? Maglalambing pa rin kaya ang panganay kong anak sa akin?
â Ahldabest
âPuno ng tuwaât galak ang aking balikbayan box" â eraserheads Kadalasan, âpag umuwi ang isang balikbayan, kilala siya ng lahat ng kanyang kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Magtatampo ang iba sa kanila âpag wala sila sa listahan ng pinasalubungan mo. Ang tingin nila sa isang nanggaling sa abroadâ¦mapera. Hindi lahat ay pinalad âpag nakapag-abroad. Parang basketball din âyan â may nananalo, may natatalo. Meron ding mga nanalo na talo. Kapag marami kang naiuwing pera, panalo ka. Kapag wala, talo ka. Pero kung marami kang naiuwing pera at kapalit namaây nawasak ang iyong pamilya, âyan ang panalo pero talo. Inip na akong umuwi, ang bagal nang pagpatak ng segundo. Pero âpag uwi ko, alam kong babalik pa rin ako sa abroad. Marami mang pasakit dito, marami mang mabaho rito, pagtitiyagaan ko, para lamang âyan sa pamilya ko. â
GMANews.TV Ahldabest sa KSA Ano sa'yo ang kahulugan ng salitang 'abroad'? (1) Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!