ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Pinoy Chatroom: Modernong komunikasyon at bagong henerasyon ng OFWs
Pinoy Chatroom jasterbrook89 From Saudi with love Nakatingin sa orasan, nagbibilang nang araw, nag-aabang sa pintuan ng kanilang silid, naghihintay sa taong tatawag o kakatok, nagbabaka sakaling matatanggap na ang liham ng kanyang mahal sa buhay⦠Ganito ang kadalasang eksena ng mga kababayan nating Pinoy noon. Saksi ang mga kinayumos na papel sa bawat gabi ng pangungulila. Tangan ang papel at panulat. Inilalahad ang kanilang niloloob, pagbati, mga kwento at pangyayari sa buhay. You have one message received Sabi nga ng marami, mapalad ang OFW ng henerasyon ngayon dahil hindi na nila dinanas ang minsaây nakababagot na pagsusulat at nakaiinip na paghihintay ng kasagutan sa mensahe. Snail mail lang noon at telegrama, hindi pa uso ang text, instant messaging at electronic mail. Ngayon pinadali at pinabilis na ang komunikasyon sa isang pindutan lang. BUZZ, lol, brb
Sabi nga ng marami, mapalad ang OFW ng henerasyon ngayon dahil hindi na nila dinanas ang minsaây nakababagot na pagsusulat at nakaiinip na paghihintay ng kasagutan sa mensahe. Snail mail lang noon at telegrama, hindi pa uso ang text, instant messaging at electronic mail. Ngayon pinadali at pinabilis na ang komunikasyon sa isang pindutan lang. 
Madalas akong magtungo sa internet café upang doon magpalipas ng oras. Mag-update nang friendster profile, manood at magpost ng video sa youtube, mag-search nang impormasyon sa google, magbasa nang e-message sa yahoo mail at minsan makipagchat na rin. Sa maraming pagkakataon, hindi ko maiwasan na pansinin ang mga kababayan natin na pumapasok sa internet shop. Bagaman may tabing na kurtina o plywood ang pagitan ng bawat computer masasabing hindi pa rin ganap na mayroon kang privacy, may maririnig at maririnig ka pa ring mga pag-uusap. Umaga pa lang ng araw ng Biyernes, kahit saang Internet café ka man magpunta, halos mapuno ito ng mga magrerenta, at karamihan mga Pinoy. Mabaha man ang pila o okupado na ang buong silid. Matiyaga pa ring maghihintay ang ilan o di naman kaya ay maghahanap ng shop na malilipatan. Bago pa man sila maupo sa kanilang pwesto, na text na nila o natawagan ang kanilang kakausapin maipaalam lang na mag o-online na sila. Bakas sa mukha ang excitement. Nasasabik na makita sa webcam ang kanilang kausap , ang kanilang misis, anak, kasintahan, kaibigan o bagong kakilala. âDi man gamay ng ilan ang paggamit ng computer, kapansin-pansin na marami ang nais matuto. Maraming pagkakataon na akong nahingan ng tulong ng ilan nating kababayan. Mayroong hindi magtugma ang ID at password, mayroong hindi ma-access ang webcam, âdi mapagana ang kanilang headset, at may ilan bago pa lang gagawa ng account. Naroroon ang kanilang pagnanais na matuto higit ang kanilang intensyon na makausap ang mga taong pinahahalagahan nila sa buhay. Hindi pinanghihiyangan ang apat o limang riyals na upa kada oras, maabot lang ang kanilang pamilya. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may mga pag-uusap kang maririnig, nakatutuwa, nakalilibang at ang ilan may kurot sa puso.
Publikong lugar man, masikip, mainit at maingay ang internet shop na pinupuntahan ng marami nating kababayan. Hindi maipagkakaila ito ang nagiging pansamantala nilang himpilan upang magkaroon ng oras sa kanilang mga mahal sa buhay. Tila ba isang istasyon ng bus o tren na sabik ang bawat pasaherong makauwi at masilayan ang ang buong mag-anak.
Tulad ng liham pag-ibig, hindi ko malilimutan ang tinig ng isang lalaki na nanunuyo sa kanyang kasintahan, pigil ang bugso ng damdamin, halata na pinipigil ang pagluha, nagsusumamo na âwag siyang iwan; dagdag pa ang pagsasabing, âMahal na mahal kita, hindi ko kaya kung wala kaâ¦" Bukod sa istorya ng kasawian, mayroong ilan na dito natagpuan ang kanilang magiging kabiyak. Dito na nagkakilala, nagkagustuhan at nagpropose. Sa webcam ipinakikita ng lalaki ang wedding ring na kanilang isusuot, maging ang pagsasaayos ng ilang detalye para sa nalalapit na pagpapakasal. Sa loob ng internet café, nangingibabaw ang puso ng isang ama. Malayo man ang distansya sa isaât-isa, dito nila nagagampanan ang pagiging haligi ng tahanan. âKamukhang-kamukha ni daddy si baby," pagmamalaki ng ama na unang nasilayan sa webcam ang sanggol, na noon ay nasa sinapupunan pa lamang ng magtungo sa Saudi. Kausap si bunso, pinapayuhan na paghusayan pa ang pag-aaral, habang nangangako ng magandang pasalubong sa kaniyang pagbabalik. Kung bata pa ang kausap madalas marinig ang baby talk, may lambing na sinasabi âlove ka ni daddy," âmiss ka na ni tatay" o âpakabait ka anak." Dito na rin nagsesermon si erpat na alisin ang hikaw sa tenga ng kanyang anak na binatilyo o pangangaral sa anak na babae na iwasan ng pag-uwi ng hatinggabi. Dito rin madalas mapag-usapan ng mag-asawa ang estado at plano ng pamilya. May bumubuntong hininga habang kinukwenta ang mga naiwang utang sa Pinas, paghahanda sa nalalapit na pasukan, pagbili ng lupa, bayad sa renta ng bahay at ilan pang mga pangangailangan. Publikong lugar man, masikip, mainit at maingay ang internet shop na pinupuntahan ng marami nating kababayan. Hindi maipagkakaila ito ang nagiging pansamantala nilang himpilan upang magkaroon ng oras sa kanilang mga mahal sa buhay. Tila ba isang istasyon ng bus o tren na sabik ang bawat pasaherong makauwi at masilayan ang ang buong mag-anak. Nagbagong bihis man ang pamumuhay ng mga manggagawang Pinoy dala ng pagbabago ng teknolohiya, nananatili pa rin sa puso at sa gawa ng bawat Pilipino ang pagpapahalaga sa relasyon at pamilya. - GMANews.TV Dwight Ernieta Dammam, Saudi Arabia Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
Sabi nga ng marami, mapalad ang OFW ng henerasyon ngayon dahil hindi na nila dinanas ang minsaây nakababagot na pagsusulat at nakaiinip na paghihintay ng kasagutan sa mensahe. Snail mail lang noon at telegrama, hindi pa uso ang text, instant messaging at electronic mail. Ngayon pinadali at pinabilis na ang komunikasyon sa isang pindutan lang. 
Publikong lugar man, masikip, mainit at maingay ang internet shop na pinupuntahan ng marami nating kababayan. Hindi maipagkakaila ito ang nagiging pansamantala nilang himpilan upang magkaroon ng oras sa kanilang mga mahal sa buhay. Tila ba isang istasyon ng bus o tren na sabik ang bawat pasaherong makauwi at masilayan ang ang buong mag-anak.
Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular