ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Ito Ang Aking Bayan: Isang Bansa, Isang Lahi
Ito Ang Aking Bayan: Isang Bansa, Isang Lahi Ni Rodel M. Jaboli Isang bansa⦠isang lahiâ¦bayang minimithi, Paraisong maitatawag dahil sa angking gandaât yumi Perlas ng silangan sa atiây taguri Ng mga dayuhang minsan na ring yumurak sa ating Inang lahi. Bayan na halos ilang daang-taong inapi, Niyurakan at binusabos ng mga banyagang maitim ang budhi Binusalan ang bibig, nilatigoât nagdulot ng hapdi Sa isip at sa damdamin ng mga anak ng ating lipi.
Mga buwayang pinagnasaan ang natatago nitong yaman, Mga ngiting-asoây nagtatahol sa ganid nang kasakiman Nagpupuyos sa galit ang bayang kanilang inagawan Nang karapatan at kalayaang nilustay dahil sa katakawan. Hinayaang nakatiwangwang ang naghihingalong bayan, Gumagapang nang nakahandusay âdi pa rin nilubayan Nagbingi-bingihan sa sigaw ng katarungan Ang mga demonyong nagpakilalang Diyos na makapangyarihan. Isang diwa ang nagising, isang tinig ang namutawi, Nanuot sa damdamin ang himig na sawi Nais maaninag ang matagal nang pinakamimithi Ang masilayan ang tuwa at ngiti sa nanunuyot na labi. Ang bulong ay napalitan ng hiyaw na nakabibingi, Mala-dagundong na nagpayanig sa bayang-inapi Nagngangalit, naghihimagsik nais gumanti Sa delubyong naranasan sa kamay ng ibang lahi. Sama-samang nag-alsa, naghimagsik, nakipaglaban Maitaboy lamang ang mga banyagang nag-astang Panginoon Dumanak ang dugo nadilig ang tuyong lupa ng katapangan Iisa ang sinisigaw, iisa ang layunin Maghimagsik! Kalayaan para sa bayan! Lakas ng Pilipino laban sa lakas ng kanluran Hindi nagpagapi, hindi nagpatalo sa hangad na maangkin Ang kasarinlang pinagkait sa ating bayang sinilangan. Ang sikat ng araw sumilip sa bayang inapi, Hinaplos ang bayang uhaw sa yakap, may ngiti Nang tagumpay sa panunumbalik ng kalayaang matagal nang mithi Natanggal na ang piring sa mata at nasilayan ang bahaghari. Ang dating paos na tinig ay nagsisimulang maghari Upang maisatinig ang himno ng pagpupunyagi Wala nang mang-aabuso, wala nang mang-aapi Napalayas na ang mga dayuhan dahil sa magigiting na bayani.
Wala nang kadilimanâ¦wala ng dapit-hapon, Nanumbalik na ang liwanag ng katarungan Nagising na tayo sa bangungot ng kahapon Wala ng dusa at hinagpis na lalatay sa ating katawan. Nakalipad na tayo sa hawla ng kasakiman, Aawit tulad ng isang ibon sa kalawakan Malayang maglalakabay upang maabot ang kasaganahan Katiwasayan at kapayapaan para sa ating Inang bayan. Hinulma ng panahon ang kasaysayan ng ating lahi, Ang mga bakas ng kahapon ay marapat na hindi isantabi Oo ngaât ang kasaysayan ay nagbabago, ngunit âdi dapat iwaksi Ang mga bayaning nagbuwis ng buhay na siyang naging susi. Sa pakikipaglaban sa kalayaaang tayo ngayoây naging saksi Nagtatamasa dahil sa taglay na katapangang namumukod-tangi Mga bayaning Pilipino na dapat makilala ng susunod na salinlahi Inuna ang pag-ibig sa bayan bago ang kanilang sarili. Isang bansa⦠isang lahi⦠ito ang aking bayan, Bagong kasarinlan ay narito ngayon Patuloy na haharap sa hamon ng panahon Di palulupig sa anumang tangka ng kasakiman. Magkakaisa, kapit-bisig, sama-samang lalaban, Itataguyod nang buong katapangan ang Inang bayan At taas-nooây isisigaw sa buong sangkatauhan Isang bansa⦠isang lahi⦠ito ang aking bayan. - GMANews.TV Rodel M.Jaboli sa Kuwait Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!

Marvin Agustin bilang Dr. Jose Rizal

Mark Anthony Fernandez bilang Andres Bonifacio
Tags: kwentongkapuso
More Videos
Most Popular