Kaming mga OFW, bayani kung tawagin
KAMING MGA OFW, BAYANI KUNG TAWAGIN Ni Nepthali Paraiso Maraming mga tao, ang naghahanap ng trabaho Isa na rito ang mga Pilipinong, kung tawagiây OFW Nilisan ang lugar, na kanilang pinanggalingan Upang tunguhin, masaganang buhay âTeka nga, teka muna", baka akala niyong masaya Hindi niyo nakikita, ang totoong eksena Lalo na kayong mga, naiwang pamilya Na pinapadalhan buwan-buwan, ng malaking pera Gusto ko lang malaman niyo, mga kaganapan dito Bilang isang Pilipino, sa hanay ng OFW Narating ang Dubai, Saudi, at Qatar Ngayon akoây nasa Scotland dito naghahanapbuhay Pinansin ko ang mga bagay-bagay tungkol sa mga naging buhay Ibaât-ibang karanasan, kanilang nararanasan Hindi lahat nagtagumpay sa larangan ng hanapbuhay May lungkot at saya, may umuwi dahil hindi kaya. Kaming mga Pilipino, tunay na nagtiis magtrabaho Dito sa kabilang mundo, upang pamilyaây umasenso Sakit at hirap, dusa at pawis, aming dinaranas Sa trabahoây nagpapagal, minsan laging nag-o-overtime May mga tumakas pa, sa lupit ng mga among sadista Hindi alam saan pupunta, sakloloây kailangan nila Ang iba namaây nagtiis, upang sa kahihiyan ay tumalilis Nagtago ng ilang buwan, hanggang ang sanggol ay sumilang Ang iba naman sa amin, naghahanap ng kapiling Dahil sa lumbay, naghahanap ng karamay Kahit panandalian lamang, mailabas init ng katawan Kaya tuloây minsan, sa kulungan sila matatagpuan At marami sa kababayan, nagdaranas ng kawalan Sweldo ay âdi naibibigay, problema ng kompanya kamiây damay Salamat na lamang, sa kababayan naming nagtagumpay May mga organisasyon, tumutulong, dumadamay At sa ibang nakikipagsapalaran, kahit magkanda utang-utang Makarating lamang sa bansang, akala nilaây matagumpay Tourist visa o visit visa, student visa, at kung ano-ano pa Pagdating sa patutunguhan, pagsisisiây naranasan Dahil andito na rin lang, kahit anong trabahoây papasukan Minsan nakikita mo, palakad lakad sa lansangan Magandang suot kailangan, kailangaây maging balingkinitan Kuntodo ang ngiti sa karamihan, sobrang bangoây puhunan May mga OFW naman, na sampung taon na yata sa hanapbuhay Ngunit walang naipupundar, hindi malaman kung nasaan Hindi marunong mag-ipon, pamilyang naiwaây bili rito bili roon Lupaât bahay na pangunahing kailangan, hanggang ngayoây nangungupahan Kahit saang bansa, ako man ay mapunta Napakaraming OFW, talaga namang naglipana Hindi maiwan-iwan, ang ugaling sobrang yabang Oo ngaât matagal ka na, sanaây pagka propesyonal ay makita Sa maraming nagtagumpay, karamihaây mga white collar Malaking sweldong natatanggap sa trabahoây hindi hirap Mga pagpapalang natanggap mga biyayaây talagang ganap Maraming nabahaginan, pamilya ay nakinabang At sa pagpatuloy mong tagumpay, ikaw na aking kababayan Pagtulong sa kapwaây maglaan, kabutihan ay ialay Pagpapala sa iba, balik sa iyo ay sobra-sobra At mararanasan mo pa, ang ginhawa sa tuwi-tâwina Kaya naman aking dalangin, sa mga nagnanais ay pakaisipin Mga trabahong papasukan, mag-isip ng kung ilan Isangguni sa Maykapal, kung ito ba ay laan Hâwag magmadaling lumisan, dahil ito ay kailangan? Minsan sa pagtakas nagmamadaling umiwas Kayaât ang problema, laging kasunod niya âWag matulad kay Jonah, na kinain ng balyena Matutong sumunod sa gusto ng Diyos Laging tumawag at laging kumatok May nakalaang magandang plano, ang Diyos saâyo Magandang hanapbuhay, magandang trabaho Gabay at pagpapala ay makakamtan mo. â GMANews.TV (Tungkol sa may-akda: Si Nepthali Paraiso ay nakapagtrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia, at sa Qatar. Ngayon ay isa siyang seafarer na ang barko ay humihimpil sa UK.) Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!