Isang magandang araw po sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo na mga kapwa ko Pilipino, higit sa lahat sa mga OFW na kagaya ko. Isang malaking hamon sa akin bilang babae at ina ang pagpunta ko sa bansang ito, na sinasabi nilang nakakatakot at malapit sa disgrasya. Pero iyon ay akala lang nila dahil sa totoo lang ay wala iyong katotohanan. Kung iisipin natin kahit saan tayo pumunta at maaaring may mangyaring hindi maganda sa atin sa ayaw man natin at sa gusto. Ang importante lang sa lahat ay âdi ka mawalan ng pananalig sa nasa ITAAS. Na kahit anong balakin mong gawin sa buhay ay tanging Siya lamang ang tangi mong matatakbuhan na âdi ka iiwasan o iiwan.
Hindi ako basta lang pumunta rito na sa sarili ko lang desisyon at kagustuhan. Dalawang magandang rason kung bakit ako nandito ngayon. Una, kumita ng halagang maitutustos ko sa dalawa kong anak. Ikalawa, ang makasama ang lalaking nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para ipagpatuloy ang buhay kong nasira.
â Miss GM
Sumulat ako sa inyo upang ibahagi ang buhay ko ngayon dito sa bansang ito at kung paano ako nakarating dito. Maraming ayaw maniwala na nandito nga ako, mga kaibigan, kakilala, kamag-anak at mga ilang tsismosa. Pero ebidensiya ang mga kuha kong litrato mula dito kaya lang sila naniwala. Matagal na akong may planong mag-abroad, hindi pa lang talaga palarin. Madami na akong inaplayan na ahensiya sa 'Pinas. Pero kapag nag-aaply na ako kapag hindi DH mas matataas ang standard na gusto nilang i-hired. Bukod pa dun, ang taas din ng placement fee ng ibang ahensya. May ilang napasahan ko pero alanganin akong tumuloy, ewan ko ba siguro hindi talaga para sa akin ang mga yun. At itong bansang ito ang para sa akin. Hindi ako basta lang pumunta rito na sa sarili ko lang desisyon at kagustuhan. Dalawang magandang rason kung bakit ako nandito ngayon. Una, kumita ng halagang maitutustos ko sa dalawa kong anak. Ikalawa, ang makasama ang lalaking nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon para ipagpatuloy ang buhay kong nasira. Nasirang buhay dahil lang sa nawalan ng tiwala ang aking minahal at pinagkatiwalaang kabiyak. Na ni minsan ay âdi ko inisip na magkakaganito kami. Na mawawala nang tuluyan ang pagmamahal ko sa kanya at mababaling iyon sa lalaking kasama ko ngayon dito. Nagsimula kami sa simpleng chat lang, alam namin pareho na âdi na kami malaya. Pero patuloy kami sa aming relasyon hanggang sa ngayon, minsan nakakaramdam ako ng "guilt" pero iniisip ko may dahilan kaya kami nandito ngayon⦠at kung bakit kami pinagtagpo sa âmaling" panahon.
Nagsimula kami sa simpleng chat lang. Alam namin pareho na âdi na kami malaya pero patuloy kami sa aming relasyon hanggang sa ngayon. Minsan nakakaramdam ako ng 'guilt' pero iniisip ko may dahilan kaya kami nandito ngayon⦠at kung bakit kami pinagtagpo sa 'maling' panahon. .
Ramdam at ipinakikita namin sa isaât isa ang pagmamahal na alam naming pareho na bawal dahil pareho na kaming kaming pamilyadong tao. Pero hindi kami nakakalimot sa mga mahal namin sa buhay sa 'Pinas. Nabawasan man ang pagmamahal namin sa aming kanya-kanyang asawa, sa mga anak namin ay hindi nawala kahit nandito kami. Suportado namin ang isaât isa basta para sa mga bata. Hindi madali ang relasyon naming dalawa dahil anytime ay puwedeng malaman ng kanya-kanya naming mga asawa. Anuman ang mangyari, magkawalaan man kami pero hanggang sa huling hininga ko ay hindi na siya kailanman mawawala sa puso't-isip ko. Siya na lang ang ititibok ng puso ko hanggang sa huling hininga ko, at alam ko na siya man ay ganun din. Maraming iba't ibang kuwento ng karanasan ang nabasa ko sa pitak ninyong ito kaya nainspired akong i-share naman ang istorya ng buhay ko. Hindi madali pero masarap palang kahit alam mong may mali kang nagagawa sa buhay mo, naramdaman mo ang maging masaya dahil "nagmamahal ka" kahit "bawal".
At heto na ako ngayon, dito nagsasama kaming malaya kahit bawal, kahit hindi pangmatagalan. Nakilala kong nang lubos at taong dati sa Internet ko lang nakakausap.
Ito ay katotohanan na ngayon ko lang napatunayan dahil ako mismo ang nakaranas. Hindi po madaling mabuhay sa lugar na kung saan ay dayuhan ka. Kailangan mo ng taong masasandalan at makakaramay sa oras ng pangugulila. Ngunit depende na sa iyo yun kung magiging positibo ang isipin mo sa buhay. Hindi ako against sa mga kagaya kong may kanya-kanyang 2nd husband sa ibang bansa. Pero âdi rin naman ako pabor na gawing libangan lang ang magkaroon ng "kalaguyo". Pangit pakinggan pero yun kami dito. Ang payo ko lang sa mga naiwang pamilya sa 'Pinas, kung talagang malaki ang tiwala niyo sa asawa niyo, at anuman ang magawa nilang mali sa malayong lugar, kayanin niyo sana na silaây patawarin dahil hindi lahat ng nandito sa lugar nito at nakakagawa ng ganitong bagay. Hindi kami "santo" o santa," tao rin kami. Pero kung mananatili ang tiwala at pagmamahal ninyo sa kanila ay mananatili rin silang matatag. Hindi ninyo kami dapat sisihin sa kahinaan namin dahil sa karanasan ko, minsan na akong nagmahal ng todo at nagtiwala pero sinira lahat yun. Ni hindi ko inisip na magkakaroon ako ng pangalawang lalaki na mamahalin⦠na nakahandang sumugal sa kamatayan makasama lang siya. At heto na ako ngayon, dito nagsasama kaming malaya kahit bawal, kahit hindi pangmatagalan. Nakilala kong nang lubos at taong dati sa Internet ko lang nakakausap. Hindi ko makapaniwala pero nandito na ako at siya ang dahilan kung bakit malakas ang loob kong pumunta rito at magtrabaho. Nais ko siyang "pasalamatan" ng lubos-lubos dahil sa kanya ay nabuo ang respeto ko sa sarili ko. Natuto akong muling magmahal at maranasan na mahalin ng may tiwala at pagpapahalaga. Mahal na mahal kita "asawa ko," bawal man ang pag-iibigan natin, hanggang sa huling hininga ko ikaw lang ang isigaw ng puso ko. -
GMANNews.TV Miss G.M. Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!