Sa bagong mundo na ginagalawan, âdi na matanaw sa kalye ang mga dati-rati ay kakwentuhan. Wala ng amoy tsiko at mga kumpareng pagiri-giri sa kalsada. Wala na ring mga batang nagpipiko at nagpapatintero. Walang pasaherong naghihintay ng masasakyan, o dyip na humihinto sa maling lugar.
Tatak Pinoy kasi! Kapag may nakasalubong o nakita kang naka shorts o saluwal sa galaan, 'ah Pinoy yan'. âDi man magkakilala sa pangalan, masarap pakinggan ang tawagin kang, 'Kabayan'.
âDwight
Wala na ring nagtitinda ng taho, walang sumisigaw ng balot at penoy. Busal ang kahol ng aso sa lansangan. Wala na ang masanghid na amoy ng babuyan. Pundido na ang ilaw ng mga gusaling pangkasiyahan. Ubos na ang baterya ng videoke, sarado ang malaking telon ng pelikula, at humupa na rin ang ingay sa EDSA. Sa lipunang pilit na pinakikibagayan, may talukbong ang mukha ni Eba na suot ang pangluksa. Pigil ang kamay ng kababaihan, habang arogante ang dating ng ibang lahi. Mayaman sa mina ng langis ang lugar ngunit 'di lubos ang kalayaan. Ngunit sa kabila nito... sa banyagang bansa na panandalian na nating tahanan, nangingibabaw pa rin ang mga kinasanayan. Tatak Pinoy kasi! Kapag may nakasalubong o nakita kang naka shorts o saluwal sa galaan, âah Pinoy yan". âDi man magkakilala sa pangalan, masarap pakinggan ang tawagin kang, âKabayan".

'Wala nang amoy tsiko at mga kumpareng pagiri-giri sa kalsada. Wala na ring mga batang nagpipiko at nagpapatintero. Walang pasaherong naghihintay ng masasakyan, o dyip na humihinto sa maling lugar.'
Nakatuntong man sa kongkretong lupa at bahagyang tumaas ang estado sa buhay, nanananatili pa ring nakasayad ang mga paa sa buhanginan. Nagsusuot pa rin ng gomang tsinelas. Nakataas pa rin ang mga paa habang nanood nang teleserye at pantaserye sa cable Pinoy channel. Sarap na sarap pa ring kumain nang nakakamay. Nananagili sa mga pagkaing bahagi na nang bawat hapag-kainan. Hahalughugin ang buong âbaakala" makabili lang ng sardinas, daing, tuyo at bagoong â mga pagkaing pasok sa panlasa. âDi pa man sumisikat si Jollibee, ang Boy bawang naman ang ating maipagmamalaki. Dahil Pinoy nga, marunong tayong makisama. Kayaât uso pa rin ang pagkuha ng hulugan sa mga Bumbay. Ang Pinoy ay mapamaraan⦠dahil kahit bawal dito ang tupada, laban ni Pacquio ang pinagpupustahan. Wala mang kubrador ng jueteng, may ilan pa ring sideline ang pagloloteryaâ¦nagbabakasakaling makatiyamba). Likas na masayahin ang Pinoy, bawal mang kumuha ng litrato sa pampublikong lugar, pasimpleng po-pose, maipagmalaki lang ang mga larawan sa pamilya at kaibigan. At dahil masinop, bibili at bibili pa rin ng mga gamit basta muraâ¦sabihin mang itoây gawang Tsina. Tumatangkilik pa rin ng mga piniratang CD o DVD na nilalako ng ibang lahi, masubaybayan lang ang mga pelikulang patok sa takilya.
Likas na masayahin ang Pinoy, bawal mang kumuha ng litrato sa pampublikong lugar, pasimpleng po-pose, maipagmalaki lang ang mga larawan sa pamilya at kaibigan.
Bakit kamo? Dahil sa tulad nating namumuhay sa pangingibang bansa, sa mga bagay na ito tayo humuhugot ng kaunting lakas ng loob upang magpatuloy. Sapat na, na kahit bahagya ay maitago ang nararamdamang lungkot at pangungulila. Sa mga bagay na ito ay tila ba buhay ang ating paligid; May mga tambay na sa kanto, may mga batang nagpipiko at nagpapatintero sa kalsada. May naglalako ng taho, may sumisigaw ng balot at penoy sa daan. May mga pasehero na naghihintay ng masasakyan at dyip na humihinto sa tamang sakayan. May naririnig na kahol ng aso, masamyo na ang amoy ng babuyan. May ilaw na ang mga gusaling pangkasiyahan, nangingibabaw na muli ang tunog ng mga videoke. At ramdam na ang diwa ng pagkakaisa. Larawan ng isang lukot na dayuhang salapi. Tinitiis ang kirot, namumuhay sa alaala ng ideal na mundo. Sa imahinasyon na lang nayayakap ang pamilya. At sa likod ng isipan, paulit-ulit na sinasabing⦠âkaya ko pa naman." â
GMANews.TV Dwight E. Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!