Malapit na naman ang Pasko, ilang araw na lang ang bibilangin at Pasko na. Mas mainam sana kung kasama naming mga OFW ang aming pamilya at siyempre nasa sarili nating bayan. Kaya lang talagang mahirap kumita ng pera. Ilang bagay ang kailangang isakripisyo para sa ginhawa na hindi lang para sa amin, kundi maging sa aming pamilya at iba pang mangangailangan ng aming tulong.
Hinaharap ko ngayon ang bagong yugto sa aking buhay at pakikipagsapalaran sa malayong bayan. Isang mayamang bansa sa Gitnang Silangan ang Qatar pero ngayon pa lamang ito nagsisimulang makipagsabayan sa mga kalapit na bansa sa larangan ng pagpapaunlad.
â Rey D.
Kung may maganda lang sanang trabaho sa Pilipinas, siguro mas nanaisin namin na sa sariling bayan na lamang mamalagi. Pero kailangang lisanin ang sariling bayan para sa mas magandang kinabukasan ng aming mga mahal sa buhay. Hindi na bago sa akin ang pangingibang bayan, mula nung magtapos ako sa kolehiyo, abroad na agad ang naging destinasyon ko. Ang Saudi Arabia ang una kong napuntahan. Pero matapos ang ilang taong pamamalagi doon, nandito naman ako ngayon sa Doha, Qatar. Hinaharap ko ngayon ang bagong yugto sa aking buhay at pakikipagsapalaran sa malayong bayan. Isang mayamang bansa sa Gitnang Silangan ang Qatar pero ngayon pa lamang ito nagsisimulang makipagsabayan sa mga kalapit na bansa sa larangan ng pagpapaunlad. Dahil dito, maraming trabaho ang binuksan na sinamantala ko. Kumpara sa Saudi Arabia, malaki ang kaibahan ng Qatar. Bagamat parehong Islamic country, may kaunting kalayaan ang mga babae rito. Maaari silang makapagmaneho ng sasakyan at lumabas ng bahay na walang abaya. Hindi rin mahigpit sa pakikipag-usap sa mga babae. Malaya mo silang makakausap nang hindi ka natatakot na mahuli ng mga âmutawa" o iyong tinatawag na religious police ng mga Islamic country. Katulad ng Saudi Arabia, marami ring mga Pilipino ang nagtatrabaho dito, at sagana ang bansang ito. Ngunit sa kabilang banda, marami sa amin ang nangungulila sa ating sariling bayan. Maraming malulungkot na kuwento ang mga OFWs sa lugar na ito. Hindi naiiba sa ibang bansa kung saan maraming mga Pilipinong nagtatrabaho.
Nakakainggit ang isang kasamahan naming Mar na isang electrician, naka-schedule ang pag-uwi niya sa Pinas bago ang Pasko. Pero masaya kami para sa kanya dahil marami rin namang Pasko ang lumipas na hindi niya kapiling ang kanyang pamilya. Nagtagumpay siya sa pangungulit sa aming amo.
Ngunit kahit na may kanya-kanyang kuwentong malungkot o emosyunal, kahit na malayo sa sariling bayan, hindi pa rin naman nawawala sa mga Pinoy ang kahit papaano ay namnamin ang diwa ng Pasko. Kaya lang siyempre, iba pa rin kung nandiyan ka sa sarili nating bayan â kasama ang buong pamilya, ang buong tropa. Ang dami kong nami-miss kapag Pasko. Pero hanggang miss na nga lang kasi wala naman kaming magagawa kahit na mag-iiyak at umatungal pa kami rito. Si Mel, kasama kong artist dito, kapapanganak lang ng asawa niya nung isang linggo. Masaya siya at kahit paano ay nakaraos ng matiwasay ang kanyang misis. Isang malusog na sanggol ang ibinigay sa kanila, napakagandang pamasko sa kanya ng kanyang asawa. Pero gaya nga ng nasabi ko, laging may âsana." SANA mas masaya siya kung nandoon siya sa piling ng kanyang misis at bagong munting anghel ngayon Pasko. Ang sarap yata ng piling na kayakap mo ang iyong mga mahal sa buhay sa mga ganitong okasyon, punong-puno ng pagmamahalanan. Hindi ba âyan ang diwa ng Pasko? Ang kasama ko namang si Roy, wall paper installer, nanganak din ang misis nung isang araw langâ¦babae ang kanyang anak â congrats uli pare! Katulad ni Mel, mas magiging masaya rin SANA si Roy kung kapiling niya ang asawa sa panahon ng naghihirap ito sa panganganak.
Hindi pa rin mapapantayan iyong madarama mo ang yakap nila, iyong halik nila sa pisngi, iyong hawak nila sa iyong kamay, at paghaplos sa kanilang buhok at pagmano, sabay bati saâyo ng âMerry Christmas" mahal, honey, ama, dad, tatay o kaya mommy, nanay, ina, o kaya tito, tita, ate, kuya, bunso, anak, at kung ano-ano pa.
Si Dondon nga pala, isa ring wall paper installer, kapapanganak din lang ang misis, nakapanganay na siya. Kaya naman masidhi rin ang lungkot ngayong Pasko dahil hindi niya kasama ang unang anak sa unang Pasko nito sa mundo. At katulad ng maraming OFWs sa ibaât ibang sulok ng mundo, nangangarap din ako, si Mel, si Mar at si Roy na sana makauwi kami ng Pilipinas kahit ngayong Pasko lang. Kaya lang malabong mangyari pa sa ngayon dahil ilang buwan pa lang kaming nagtatrabaho ditto. Nakakainggit ang isang kasamahan naming Mar na isang electrician, naka-schedule ang pag-uwi niya sa Pinas bago ang Pasko. Pero masaya kami para sa kanya dahil marami rin namang Pasko ang lumipas na hindi niya kapiling ang kanyang pamilya. Nagtagumpay siya sa pangungulit sa aming amo. Beteranong OFW si Mar the electrician. Sa kanyang sariling bilang, 17 Pasko ang lumipas na hindi niya kasama ang kanyang pamilya. Kaya naman sobra siyang excited sa kanyang homecoming ngayong Pasko. Iniisip ko, kung may anak siyang one-year-old nang umalis siya ng Pinas, papaano kaya niya itong haharapin sa pag-uwi niya na 18-anyos na ngayon? Pero ganyang talaga ang buhay-OFW. Kasama iyan sa sakripisyo na hindi mo makita ang paglaki ng anak mo basta maging maganda lang ang kanilang buhay at hindi sila makaranas ng hirap. Si Mar the electrician, puspusan ang ginawang trabaho nitong mga nakaraang araw para mapayagan siyang umuwi ngayong Pasko sa Pinas. Kasama kasi sa kondisyon sa kanyang pag-uwi ay tapusin muna niya ang kanyang mga trabaho. Kaya kahit walang overtime pay, kahit araw ng day-off, nasa job site siya para matapos ang mga dapat tapusin. Kaming mga maiiwan dito, mag-iisip uli ng paraan kung naming ipagdiriwang ang Pasko sa isang Islamic country. Sa totoo lang, hindi uso ang Pasko dito kaya hahanap uli kami ng paraaan upang mairaos ito kapiling ang aming pamilya rito -- ang mga kapwa OFW.
Sa lahat ng mga kapwa ko OFWâ¦Maligayang Pasko at ligtas na Bagong Taon. At gaya ng pabiro nating sinasabi⦠âhuwag kayong mag-alala, lilipas din âyan.
Tiyak, kanya-kanyang toka sa luto â may bahala sa spaghetti, kare-kare, pansit at kung ano-ano pa. Mabuti na lang at tumapat sa Biyernes ang Pasko dito, na ibig sabihin, magkakasama kami mula umaga hanggang gabi dahil walang pasok. Sa tulong ng Internet, asahan na kanya-kanya rin ang bukas ng laptop para mabati at makausap ang aming mga pamilya sa pamamagitan ng âchat" sa YM o Facebook. Mas maganda kung may webcam para makita rin namin ang mga mahal namin sa buhay sa Pinas. Siyangapala, wish namin sa Pasko sana hindi magkaaberya ang internet connection. Salamat talaga sa bagong teknolohiya. Kung noong araw ay mag-aantay ka ng sulat na minsan umaabot ng buwan bago makarating, ngayon segundo na lamang ay makakausap mo na ang pamilya mo kahit sa loob ng iyong kuwarto. Pero siyempre iba pa rin ang iyong personal mo silang kasama. Hindi pa rin mapapantayan iyong madarama mo ang yakap nila, iyong halik nila sa pisngi, iyong hawak nila sa iyong kamay, at paghaplos sa kanilang buhok at pagmano, sabay bati saâyo ng âMerry Christmas" mahal, honey, ama, dad, tatay o kaya mommy, nanay, ina, o kaya tito, tita, ate, kuya, bunso, anak, at kung ano-ano pa. Sa lahat ng mga kapwa ko OFWâ¦Maligayang Pasko at ligtas na Bagong Taon. At gaya ng pabiro nating sinasabi⦠âhuwag kayong mag-alala, lilipas din âyan." â
GMANews.TV Rey Dulay sa Doha Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!