(Huling bahagi) Wednesday⦠April 25, 2010, 1:00 pm. Dapat nandon na ako sa function hall kung saan kami ay ikakasal. Araw ng linggo, maaga akong gumising, siyempre para marelaks at para may sapat na oras upang magawa at maihanda ang mga dapat gawin na orasyon.

"Lahat ng tao sa bahay ay masaya, lahat excited sa napakaimportanteng magaganap sa buhay ko. 12:13 pm, handa na ang lahat lalo na ako! Handa na akong lumusong sa bagong akda ng buhay ko. Nagdasal muna ako bago bumaba, â Sana po⦠(Oopssâ¦sorry secret ko âyun hehehe)." â Habib (Guhit ni Annalyn Perez
Lahat ng tao sa bahay ay masaya, lahat excited sa napakaimportanteng magaganap sa buhay ko. 12:13 pm, handa na ang lahat lalo na ako! Handa na akong lumusong sa bagong akda ng buhay ko. Nagdasal muna ako bago bumaba, âSana po⦠(Ooopsss, sorry secret ko âyun hehehe)." Dumating na kami pero konti lang ang tao, parang napaaga yata kami, excited? Inaabangan nila ang pagbaba ko sa sasakyan. Ang soon to be wife ko naman ay ready na rin, nandoon sa kuwarto kung saan susunduin ko mamaya pagkatapos kong ikasal sa kanya.
Commercial: Iba ang paraan ng mga Maranao/Muslim sa pagpapakasal. Ang babae ay nasa isang kwarto lang ng (halimbawa) function hall, at ang lalake lang ang haharap sa mga tao (mga bisita). Uupo sa stage kasama mga abay at bestman niya habang lahat ng tao ay pinapanood sila. May mga magtatalumpati sa stage, bawat panig ay may tagapagalita para sa side nila. Ipapaliwanag kung bakit ganito, bakit ganun, kung anong pamilya sila, saan galing lahi nila, churvaâ¦chuck chack chenes. Minsan nahihilo na ang lalake sa gutom sa sobrang tagal ng seremonyas. Summarized lang âyan ng paraan ng pagpapakasal namin, e-googul niyo na lang para sa kompletong mga ideas. Nagbabalik na ang batibot. Bumaba na ako sa sasakyan, alanghiya pakiramdam ko artistahin ako. Lahat ng tao nakatingin sa akin, lahat naka-smile, humaygad! Buong buhay ko that time lang ako nakaranas ng sobrang atensiyon mula sa mga tao. Ako ang bida sa araw na âyun.
Commercial ulit. Minsan kasi hindi pinagbubuksan agad ng pinto ang groom hanggat hindi niya mabiibigay ang money demand ng mga abay ng bride. Ito ay kasama sa tradition sa Maranao wedding, e-googul na ang ibang paraan ng Maranao wedding. Ako kasi nakapagbigay na in advance.
Nakaupo na kami sa stage, habang nagsasalita ang mga dapat magsalita sa stage ay padami ng padami ang mga bisita. Tinitingnan ko sila isa-isa, hinahanap ang mga kakilala ko lalong-lalo na ang bagong nanay-nanayan ko na si Mommy Razz (sipsip lang mommy, pero thank you). Kumakaway ako, ngiting pang universe ang aking ngiti. Center of attraction talaga ako, biruin mo, isang sakong mga mata ang nakatingin saâyo? Hahaha..isipin mo lang âyun ah, oh my, I love that moment. Makalipas ang isang-daang taon, natapos na rin sa wakas ang mga nagsasalita na kahit isa ay wala akong nakuha sa mga pinagsasabi nila. Ikakasal na ako, ipinatawag na ng Iman (religious leader) sa stage ang mga magiging saksi sa aming kasal. Bawat panig ay mayroon kanya-kanyang mga saksi. Na-excite na naman si ako, lalo na noong habang tinatanong ako kung tinatanggap ko bang maging asawa si Norjanah. Para bang ang tagal ng pagtatanong niya, parang gusto ko ako na rin ang magtanong sa sarili ko, matagal e. Pagkatapos akong tanungin dire-diretso akong sumagot, âOo, tinatanggap kong maging asawa si Norjanah, sa paraan ng Islamâ¦"On the wings of love." Palakpakan ang lahat, sinabihan akong asawa ko na si Norjanah at kunin ko na siya sa baba. Pinuntahan ko naman, sumama ang mga tao para tingnan kaming dalawa. Sa isang kuwarto kumatok ako sa pinto, pangit kasi kung sa sahig ako kakatok, buti na lang at pinagbuksan nila ako
Commercial ulit. Minsan kasi hindi pinagbubuksan agad ng pinto ang groom hanggat hindi niya mabiibigay ang money demand ng mga abay ng bride. Ito ay kasama sa tradition sa Maranao wedding, e-googul na ang ibang paraan ng Maranao wedding. Ako kasi nakapagbigay in advance. Nagbabalik ulit ang batibot. Nakita kong nakaupo ang asawa ko. âSumaiyo ang kapayapaan," sabi ko sa kanya. Sumagot din siya, ng âAt sumaiyo rin ang kapayapaanâ¦"

âHindi ko makuha ang eksaktong salita upang maitindihan mo kung gaano ako kasaya sa oras na âyun. Nakikita kong masayang masaya ang mga kaibigan ko para akin, ang mga kamag-anak ko, at lalong lalo na ang nanay at tatay ko. Kitang-kita ko sa kanila ang kagalakan sa kanilang mukha na kulang na lang ay ipagsigawan nila na, âAnak namin âyan!, ang pogi!"- Habib (Guhit ni Annalyn Perez)
Nag-hand shake kami with malisya, palatandaan na akin na siya at palatandaan ipinagkatiwala na niya sa akin ang kanyang sarili, (nomâ¦nomâ¦nomâ¦) Palakpakan ulit ang mga tao sa loob ng kwarto. Umakyat kami sa taas, hawak kamay kaming naglalakad sa aisle papunta sa stage (walang altar kasi sa amin). Kailangan muna naming umupo doon para makita ng mga tao at masaksihan na mag-asawa na kami. At siyempre para sa picture taking. Daming tao, nagkakasiyahan, may tumambling, kumakain ng apoy, nagbabasag ng kung anu-ano, syettt!!! Teka, na-over na naman pagkukwento ko, picture-picture lang pala. Hindi ko makuha ang eksaktong salita upang maitindihan mo kung gaano ako kasaya sa oras na âyun. Nakikita kong masayang masaya ang mga kaibigan ko para akin, ang mga kamag-anak ko, at lalong lalo na ang nanay at tatay ko. Kitang-kita ko sa kanila ang kagalakan sa kanilang mukha na kulang na lang ay ipagsigawan nila na, âAnak namin âyan!, ang pogi!" Honeymoon Night! Sa house. Pagkatapos naming magpictures ulit, kumain, buksan ang mga regalo at makipag-chickahan sa pamilya ng asawa ko, pumasok na kami sa aming kuwarto, mwaahahahaha. Tahimik kaming dalawa habang nagbibihis. May nararamdaman akong enerhiya na dumadaloy sa buong katawan ko. Pamilyar na sa akin ang enerhiya na âyun. Nahahalata ko sa aking asawa na kinakabahan siya, nahihiya, at nati-tense. Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mapang-akit na mga mata. Kaya ang ginawa ko, pinatay ko ang ilaw at⦠natulog na kami. zzzzzNgoRkZzzzzz!!! (Wakas) â
GMANews.TV Habib Macarampat An OFW (long) Love Story (1) An OFW (long) Love Story (2) An OFW (long) Love Story (3) An OFW (long) Love Story (4) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!