ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang pananagutan sa naiwang pamilya sa Pilipinas


Magandang araw po sa mga kapwa ko OFW around the world, mabuhay! Nandito na po ako ngayon sa Europe nakikipagsapalaran mula sa Thailand.Gusto ko lang pong i-share kung anong meron dito sa ngayon, na nararanasan ko sa buhay ko.Nuong nasa Thailand po ako at nagwork bilang teacher ay kakaiba. ‘Di sila mahigpit, yun nga lang maraming tsismosang Thais at marami rin namang good.


Kaya ko lang naman minsan nagagawang umutang dahil wala akong matakbuhan. Pero ‘di naman ako tatakas, wala po yun sa dugo ko dahil nagbabayad talaga ako at gumagawa ng paraan.
– Eliza
Pero kaya naman ang buhay gaano man kahirap manirahan sa ibang bansa dahil malayo sa pamilya. Sa abroad ko naranasan ang napakatinding pait at kabiguan sa buhay. Marahil kasama ‘yan sa life natin, kasama para makuha ang magandang goal sa buhay. Duon ko naranasan ang kabi-kabilaang pangloloko ng mga kapwa ko Pinoy at maliitin ang pagkatao ko. Marahil ganun sila mag-isip laban sa akin dahil duon ko lang sila nakilala sa Thailand. Akala nila palautang ako nang ‘di nagbabayad kahit alam pa nila na nabiktima ako ng illegal recruiter. Kaya ko lang naman minsan nagagawang umutang dahil wala akong matakbuhan. Pero ‘di naman ako tatakas, wala po yun sa dugo ko dahil nagbabayad talaga ako at gumagawa ng paraan. Ang papangit nilang mag-isip.Yung iba naman malinis ang heart, ok lang.Duon ko naranasan ang halos ayaw ko nang galawin ang 1 Baht na natitira or worse nauubusan pa at nagugutom. Never kong naranasan sa Pinas ‘yon. Now, nandito na ako sa Europe at may asawang puti. Pero never kong inatang sa balikat ng asawa ko na buhayin ang buong family ko. I'm very proud to say that. Nuong unang dating ko rito ay wala po akong work. Never akong nagsend sa Pinas dahil kawawa naman hubby ko. ‘Di niya naman po obligasyon na buhayin ang buong family namin,ang laki pa naman. Kahit naman ang Pinoy ay ‘di po naman niya obligasyon na buhayin ang whole family ng asawa niya,di po ba? Ang sa akin lang nung time na yun, basta may problem sila lalo na't emergency ay tutulong po kami ng asawa ko. Kaya panay pray ko na sana ok lang sila, makakakain sila ng 3x a day. Hindi naman po dito pinupulot ang pera at simple lang ang life namin dito. Kapag Christmas ay nagse-send kami ng konting package tapos cash, yun lang bilang gift.

Well, sa mga Pinay na todo-bigay, maganda rin kasi nakaka-help sa family nila but for me iniba ko naman po...Now, nakakuha na po ako ng job habang nag-aaral ng driving at language. Masaya po ako kasi pera ko mismo ang ipapadala sa pamilya ko.

Thanks at sa bawat paliwanag ko ay nauunawaan lagi ng family ko kung bakit ‘di pa ako makasupport. Alam naman po ng asawa ko ang Filipino culture, na "tumutulong" ang ibang Pinay at nagsesend ng pera sa family nila kahit na jobless sila. Naghanda nga siya sa bagay na ‘yan at sinabi sa akin na padalhan ko money ang family ko. Kaso ang reply ko,"wait muna Pa at maghahanap ako ng work. Ako ang dapat magpadala kasi obligasyon ko yan." Makakahanap at makakahanap ako ng trabaho, konting tiis lang. Iba yung sariling sikap.Well, sa mga Pinay na todo-bigay, maganda rin kasi nakaka-help sa family nila but for me iniba ko naman po...Now, nakakuha na po ako ng job habang nag-aaral ng driving at language. Masaya po ako kasi pera ko mismo ang ipapadala sa pamilya ko. Sure na sure pa ako na mas mabuti ito kasi akin mismo at wala akong maririnig ng kahit ano – like mula sa parents ng hubby ko. Dito sa work ko bawal ang tsismis.Kung magsasalita ka dapat all about work.Lahat seryoso, strict. Minsan may super liit na mali, masyado silang direkta pero lakasan lang ng loob para magtagal at matapos ang kontrata. Hindi ko rin naman ini-spoiled ang family ko.Tama lang ang ibinibigay ko sa kanila. Nagtitira rin ako sa sarili ko. Nagko-contribute din ako ng konti dito sa bahay namin ng asawa ko, kaso tinanggihan niya. Ako pa nga ang binibigyan niya ng pera. Sa mga kapatid ko naman, masaya ako kasi may sariling sikap din sila. Hindi sila nakikialam sa akin at sa mga tsismosang kapitbahay ko na, komo asawa ko raw ay foreigner, bakit daw luma pa rin ang bahay naming. Bakit daw ‘di ko hingan ng pera hubby ko. Puwes ‘di pa rin ako hihingi sa kanya at hinding-hindi ko gagawin na ipa-obliga ang buong pamilya ko. Hindi ako nakikinig sa kanila at ‘di ako nagpapaapekto. Now, nakikita niyo na ang bahay namin na ako mismo ang nagpapagawa at taas-noo ako dahil sarili ko mismo ang lahat ng pera na ginagastos diyan. Thanks God kung wala ka wala din po ako! - GMA News Online Eliza Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!