Hindi alam ni Amy G bakit niya naisipang ipadala ang kuwento tungkol sa pangungulila niya sa sulat ng kanyang ina na nasa Pilipinas. Pero pagkaraan ng halos isang buwan, nagkaroon ng kasagutan ang kanyang katanunganâ¦hindi na niya makikita muli ang mahal na ina, at hindi rin siya makatatanggap ng sulat-kamay mula rito. Kasalukuyang naninirahan sa US si Amy kasama ang kanya asawa at anak. Sa nakalipas na pitong taon, tanging sa webcam lamang niya nakikita at nakakausap ang mahal niyang ina. Dala na rin marahil ng labis na pangungulila, ibinahagi ni Amy sa Kwentong Kapuso nitong nakaraang buwan ang kanyang hangarin na sana ay muli siyang makatanggap ng sulat na naka-selyo mula sa Pilipinas. Nami-miss ni Amy ang pagbabasa ng sulat-kamay kaysa padaanin ito modernong teknolohiya na e-mail o webcam. Kalagitnaan ng Marso nang ma-stroke ang ina ni Amy. Ilan linggo itong naratay sa ospital bago nito tuluyang ipikit ang kanyang mga mata sa edad na 61. Hindi man daw nabasa ng kanyang ina ang kanyang saloobin, itatabi na lang ito ni Amy bilang alaala ng kanyang pangungulila sa pinakamamahal niyang Mama. Mula sa mga bumubuo ng GMA News Online (Pinoy Abroad-Kwentong Kapuso), ipinapaabot namin ang taus-pusong pakikiramay kay Amy at sa kanyang pamilya. Muli ang aming pasasalamat kay Amy sa pagbabahagi ng kanyang damdamin sa lahat ng mga tumatangkilik ng pitak na ito. Narito muli ang ibinahaging kuwento ni Amy G: Ang Mga Sulat Mula Kay Mama âAnak, kumusta na kayo diyan? Ano gawa mo ngayon? Si Nining kilala pa ba kami? Eto si Papa mo paulit-ulit binabasa ang sulat ninyo sa amin. Ingat kayo diyan ha miss na miss na namin kayo."
Matagal tagal na rin yun. Halos sampung taon na âdi sila sumusulat. Kasi naman, mas nagustuhan na ni Mama ang makipag-usap sa amin sa webcam habang nakikinig si Papa sa tabi niya.
â Amy
Ang sarap makatanggap ng sulat mula sa pamilya sa Pilipinas. Naghahalo ang tuwa at luha habang binabasa mo sila. Damang dama mo ang mga emosyon sa mga letra na sinulat ni Mama, pinasasabi ni Papa at mga sideline na sulat ng mga kapatid ko. Matagal tagal na rin yun. Halos sampung taon na âdi sila sumusulat. Kasi naman, mas nagustuhan na ni Mama ang makipag-usap sa amin sa webcam habang nakikinig si Papa sa tabi niya. Sa facebook na lang din nila tinitingnan ang aming mga picture. Email na lang or text messages ang mas madali para sa mga kapatid ko. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang urong-sulong pa kaming mag-asawa kung aalis ng Pilipinas o hindi. Sayang din naman ang career na binuo namin sa mahabang panahon doon. Mas lalong sayang naman kung âdi namin susubukin ang bagong buhay at oportunidad sa labas ng bansa. Matapos ang 20 taon, nakasama ulit ng mister ko ang kanyang ina at mga kapatid dito sa Amerika. Matanda na si Nanay, sayang ang panahon kung tatanggihan di ba? Nakakatakot mag-umpisa mula sa wala. Walang career, walang sariling bahay, ni walang mga kasangkapan. Ah âdi naman pala mahirap magkaroon ng mga kasangkapan at gamit. May mga yard sale, garage sale at yung iba nga bigay nila ate, ditse, Nanay at ng mga bagong kaibigan. Basta naman pala may trabaho madali lang makapag renta ng bahayâ¦fully furnished pa. Mahirap mag-umpisa ng career pero lagi naming totoo na powerful ang prayer. Hindi naman isang kisapmata lang established ka na kahit magluluhod ka pa araw-araw. But God is good all the time. He will direct Your path as long as you trust in Him.

"Sa haba ng panahon na iyon, nami-miss ko pa rin yung may notice ako from post office na nagsasabing pick-upin ko yung sulat ko or cards from the Philippines. Ewan ko, pero para kasi sa akin, iba pa rin yung sulat kamay ni Mama na binabasa ko kesa dun sa tinaype sa email," Amy. - Guhit gawa ni Annalyn Perez
Mahusay ako sa budgeting kaya awa ng Diyos sa aming pag-uumpisa âdi kami nagutom or kinapos. Yun nga lang isang sasakyan lang ang kaya naming bayaran. Magkaiba kami ng oras sa pagpasok at pag-uwi sa magkaibang direksiyon kaya buong tatag at tapang kong pinag-aralan kung paano sumakay ng bus mula sa amin hanggang downtown kung saan ako nagwo-work. Napakahirap lang âpag mataas ang snow dahil mahaba-haba rin ang nilalakad ko patungong bus station. Super lamig pero âdi ako pwedeng ma-late, may oras ang dating ng bus. Three times pa akong magta-transfer sa halagang one dollar, one way ang layo na ng nabiyahe ko papasok sa office. Mainam naman may school bus sa harap ng inuupahan namin. Bago ako umalis naihahatid ko sa pilahan ng bus ang anak ko. May iniwan na akong lutong pagkain para pag-uwi niya at ng asawa ko may makain na sila. Nagma mop muna ako ng sahig habang nagsasalang ng laundry bago umalis ng bahay para naman âpag Sabado na karaoke na lang kami ng anak ko o papasyal kaming pamilya sa mag-anak ng asawa ko. Family reunion every week. Malaki rin ang pagbabago ng kinagawian naming lifestlye. Mas nakakatuwang ko na sa gawaing bahay ang mister ko âpag walang pasok unlike nung nasa Philippines kami dahil siguro nga wala kaming maid dito. Sa edad na anim-na-taon, natutong magluto mag-isa ang anak ko dahil minsan ginagabi ako ng husto, at âdi niya gusto ang ulam na iniwan ko. Busy din sa sideline na engineering job ang ama niya kaya âdi niya inaabala. Natuto rin akong magshare ng time ko sa ibang tao. Half day lang ako âpag Friday kaya nagbo-volunteer teacher ako sa school ng anak ko. Sa mga Saturdays na out-of-state ang mister ko, dinadalaw ko ang mother niya na nag-iisa lang sa bahay. Sinasamahan kong maggrocery at pinaglilinis ng bahay niya. Malayo rin kasi ang bahay ng iba niyang mga anak. Hindi ako mahilig makipagkapit-bahay sa Pilipinas kasi Sabado at Linggo lang din ang panahon ko sa anak ko. Pero dito sa Amerika mas maraming pagkakataon na maaga akong nakakauwi kaya mas nakakabonding ko ang neighbors kong mga Pilipina na malayo din sa mga anak. Parang sila ang naging nanay ko rin dito. Nagluluto kami habang nagkukuwentuhan ng mga memories sa Pilipinas.
Malaki rin ang pagbabago ng kinagawian naming lifestlye. Mas nakakatuwang ko na sa gawaing bahay ang mister ko âpag walang pasok unlike nung nasa Philippines kami dahil siguro nga wala kaming maid dito.
Sa mga kuwento nila, ramdam ko rin ang malalim nilang ties diyan sa atin kahit matagal na silang naninirahan dito. Kasama nila akong dumadayo sa mga Oriental store kasi hinahanap pa rin nila ang mga pagkaing Pinoy. Sabik silang makatanggap ng mga balita sa mga kaibigan o kakilalang galing Pilipinas. Lalo na nga sana kung may mga naglo-long distance na mga pamangkin nila or may mga sumusulat sa kanila na kaibigan. Mga matatanda na kasi yung mga neighbors ko kaya bihira na silang umuwi sa Pilipinas. Wala na rin naman kasi silang pamilya doon. Everything happen for a reason. Kaya siguro sila ang neighbors ko kasi naging kapamilya at karamay ko sila sa panahon ng aming pag-uumpisa. Parang kailan nga lang, ilang taon na rin akong walang balita sa mga naging kaibigan kong iyun sa Washington State. After one year lang kasi noon, nalipat kami dito sa Illinois. Nakabili kami ng bahay at naka established ng career. Nawala naman yung mga close neighbors namin kasi wala naman kaming Pinoy neighbor dito. Sa haba ng panahon na iyon nami miss ko pa rin yung may notice ako from post office na nagsasabing pick-upin ko yung sulat ko or cards from the Philippines. Ewan ko, pero para kasi sa akin iba pa rin yung sulat kamay ni Mama na binabasa ko kesa dun sa tinaype sa email. Masarap din naman yung nakikita ko sila in person sa webcam. Dramatic lang siguro talaga ako kaya nga almost 10 years na pero tinatago ko pa rin ang mga sulat nila. Binabasa basa ko pa rin once in a while⦠lalo na ang mga sulat ni Mama. â
GMA News Amy G Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!