I wasnât born yet nasa abroad na ang tatay ko. Hindi ko nga siya kilala nung bata pa ako. Ang alam ko lang nun, sumasakay siya sa airplane at nagwo-work sa ibang bansa. Umiiyak pa nga ako nung bata pa ako kapag hinahatid namin siya sa airport. Kasi buong akala ko naiwan namin siya dun, yun pala pupunta siya sa ibang bansa para magtrabaho. I wasnât even aware kung ano ba ang work niya sa abroad. Kapag umuwi siya for vacation, hindi ko siya nilalapitan kasi for me he was a stranger. âSino ba âtong malaking mama na ito?" âYan lagi ang tanong ko everytime na uuwi siya sa bahay.
I grew up only with my nanay explaining na kaya nasa abroad ang tatay ko para sa future namin ng kuya at ate ko. Me, my ate and my kuya were pampered with material things from our tatay. Though we were thankful for those things, mas gusto pa rin namin yung kasama siya. Lumaki kaming malayo ang loob sa tatay namin.
â Lala
I grew up only with my nanay explaining na kaya nasa abroad ang tatay ko para sa future namin ng kuya at ate ko. Me, my ate and my kuya were pampered with material things from our tatay. Though we were thankful for those things, mas gusto pa rin namin yung kasama siya. Lumaki kaming malayo ang loob sa tatay namin. I graduated from kindergarten to high school without my tatayâs warmest embrace to express his happiness for the achievement and recognition I received. Pinilit kong mag-excell para maging proud ang tatay ko sa akin. College graduation ang first time na nakasama ko ang tatay ko sa isang school event. Naiinggit ako sa mga classmates at friends ko âpag kasama nila ang nanay at tatay nila. Pero nakasanayan na rin namin na wala kaming tatay physically. Nasa isip ko na lang kahit wala siya physically, alam ko proud siya sa mga ginagawa ko. And I really made him proud. Hindi ako nawawala sa top 3 nung nasa school pa ako. Lumaki ako na walang tatay sa tabi ko kaya nung nagdadalaga na ako, hindi na ako sanay na may tatay sa bahay namin. Hindi ko nga alam kung ano ang favorite food niya, o kung sino ang favorite actor niya. Kahit nga timpla ng kape niya hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ugali ng tatay ko. Basta ang alam ko strict siya, yun lang. Maraming bawal na kinaiinis ko noon dahil hindi nga niya ako nakitang lumaki tapos pinagbabawalan niya ako ng kung ano-ano Walang gustong umakyat ng ligaw sa akin dahil takot sa tatay ko. Mas gusto ko pang nasa abroad siya at sa sulat at telepono na lang kami nag-uusap. Lumaki akong spoiled pero hindi bratt. Sabi ng nanay at mga kapatid ko, ako raw ang paborito dahil ako ang kamukhang kamukha ng tatay namin. Lahat ng hingin ko sa tatay ko ibinibigay niya, siguro para mapagtakpan niya ang pagkukulang niya bilang isang tatay. Yung pag-aalaga ay pinalitan niya ng mga material things. Lumaki akong hindi lampa, boyish nga ang tingin sa akin. Akala pa nga ng tatay ko tomboy ako.
Sabi niya after ko makagraduate uuwi na siya sa Pinas. Pero hanggang ngayon nasa Saudi Arabia pa rin ang tatay ko. Pero ngayon kasama na ako at ang ate ko. Nagtatrabaho kami sa isang ospital at kapakanan pa rin namin ang iniisip. .
Sabi ko kasi sa sarili k,o hindi ako pwedeng maging lampa dahil walang tatay na magtatanggol sa akin. Pero dumating din ako sa point of rebellion. College na ako nun, parang naramdaman ko na parang kulang ang pagkatao ko dahil wala akong tatay. Bakit ba yung ibang kabataan kahit nasa Pinas lang ang tatay nila nabubuhay at nakakapag-aral pa rin sila? Bakit ang tatay ko hindi puwede? Nag-boyfriend ako kahit number 1 rule niya was, âNo Boyfriend While In School". Halos lahat ng utos niya sinuway ko. Hindi naman ako naging wild girl pero naging pasaway ako sa paningin ng mga magulang ko. Pinatigil niya ako sa pag-aaral pero okey lang sa akin. Sabi ko sa sarili ko, âso what kung âdi ako mag-aral, bibigyan ko na lang kayo ng sakit ng ulo." Super sama ng loob ko nun dahil ang tumatak sa isip ko ay hindi ko matutupad ang pangarap ko dahil sa mga magulang ko. Bata pa ako pinangarap ko nang makatapos ng college. At dahil pinatigil ako thatâs the end of all my dreams. Pero eventually pinapasok din nila ako ulit. Siguro naramdaman nila yung sakit na nararamdaman ko. Gumawa nga ako ng sulat para iparating sa kanila kung gaano ko sila kamahal at kahit pa ilang boyfriend ang dumating ay hindi mahihigitan ang pagmamahal na puwede kong ibigay sa kanila. Ipinarating ko rin sa kanila kung gaano ako nasaktan dahil sa maaring hindi na matupad ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral. Nakagraduate ako at dun kasama ko na ang tatay ko sa isa sa mga pinakamahalagang araw sa buhay ko. Kahit ang laki-laki ng PICC plenary hall, nakita ko agad ang nanay at tatay ko, at buong pagmamalaki ko talagang itinuro sa mga classmates ko na, âayun ang nanay at tatay ko!" Sabi niya after ko makagraduate uuwi na siya sa Pinas. Pero hanggang ngayon nasa Saudi Arabia pa rin ang tatay ko. Pero ngayon kasama na ako at ang ate ko. Nagtatrabaho kami sa isang ospital at kapakanan pa rin namin ang iniisip. Isang beses nakakuwentuhan niya yung isa kong kaibigan dito sa Saudi. Sabi daw ng tatay ko, masaya siya dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na magbond at magkalapit ng loob dahil magkasama na kami sa Saudi. At ramdam na ramdam daw niya ang pagmamahal ko sa kanya.
Sana maintindihan ng anak ko kung bakit ako nasa ibang bansa. Hindi katulad nang hindi ko pag-intindi sa tatay ko nung panahon na nagdaramdam at nagagalit ako sa kanya dahil wala siya sa tabi koâ¦sa mga panahon na kailangan ko ng isang ama.
Pinigil ko ang pagpatak ng luha ko nang marinig ko yun. Dahil sa tagal ng panahon ng pagiging tatay niya at anak ko sa kanya, ngayon niya lang naramdam at ngayon ko lang napadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Malungkot isipin na kailangan na niyang umuwi sa Pinas for good. Umuwi siya last March 2010, at nagkahiwalay na naman kamiâ¦pero para naman makasama niya ang nanay ko sa Pinas. Yes, OFW na rin po ako at hinaharap ang bukas ng anak ko na mag-isa. Mas nag-aalala ako ngayon dahil ako, lumaking may nanay⦠pero ang anak ko, lumalaking walang nanay at tatay. Kahit alam kong hindi siya pababayaan ng tatay at nanay ko, naranasan ko ang feeling na maghanap ng presence ng magulang. Kapag naiisip ko ang sitwasyon namin ng anak ko, naiiyak ako. Tinatatagan ko na lang ang loob ko katulad ng ginawa ng tatay ko. Sana maintindihan ng anak ko kung bakit ako nasa ibang bansa. Hindi katulad nang hindi ko pag-intindi sa tatay ko nung panahon na nagdaramdam at nagagalit ako sa kanya dahil wala siya sa tabi koâ¦sa mga panahon na kailangan ko ng isang ama. -
GMA News Lala Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!