Para sa akin, ang pagdarasal ay kumakatawan sa tatlong bagay na dapat gawin ng tao. Una, purihin natin ang dakilang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay. Pangalawa, magpasalamat tayo sa wagas niyang pagmamahal sa atin. At pangatlo, humingi tayo ng kapatawaran sa ating mga nagagawang kasalanan sa araw- araw nating pamumuhay.
Naisipan kong isulat ito dahil sa mga pangyayaring inaakala kong hindi tama para sa akin. Katulad ng ginawang panalangin ng libu-libo nating mga kababayan tungkol sa pagbitay sa tatlong Pilipino sa bansang China.
â Jaime
Subalit bago tayo humingi ng tawad sa Diyos, kailangan muna nating humingi ng kapatawaran sa taong nagawan natin ng kamalian o kasalanan. Naisipan kong isulat ito dahil sa mga pangyayaring inaakala kong hindi tama para sa akin. Katulad ng ginawang panalangin ng libu-libo nating mga kababayan tungkol sa pagbitay sa tatlong Pilipino sa bansang China. Pinakikinggan ba ng Diyos ang panalangin? Sa aking pagkatao mula nang ako ay magkaisip, ganito ang aking nasaksihan at napatunayan. Maraming digmaan na ang nangyari sa buong mundo. Katulad ng tinatawag na natural disaster kung saan daang milyong buhay ang nawala. At patuloy pa itong nagaganap hanggang kasalukuyan. Dinidinig ba ng Diyos ang dalangin ng tao? Kung dinidinig ng Diyos ang panalangin ng tao, katulad ng mga ipinagdasal sa mga nabitay, kung didinggin ng Diyos ang panalangin na maisalba sila, paano naman yung nabibiktima ng droga? Hindi magiging patas ang Diyos kapag ganoon âdi ba? Bakit, isasalba yung nagkasala at mapapahamak yung mabibiktima. Ganun ba? hindi naman ganoon âyon. Kaya sinasabi kong hindi dinidinig ng Diyos ang ganyang panalangin. Paki lang kaibigan, pagtiyagahin mong basahin ang nilalaman ng sulat kong ito. Ang dakilang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, alam nating lahat âyan. Bago pa nilikha ng Diyos ang tao. Nilikha muna niya ang planetang ito para sa tao. At ang lahat ng kailangan ng tao sa kanyang pamumuhay ay kasabay na nilikha ng Diyos sa mundong ito. Walang kulang, kumpletong kumpleto. Dahil na rin sa labis niyang pagmamahal sa tao, ginawa ng Diyos na ibigay sa tao ang pamamahala sa mundong ito. Maging sa mga nilikha niyang hayop, maamo man ito o mabangis. Ipinaubaya ng Diyos sa tao ang pamamahala sa mga ito. Ipinaabot ng Diyos ang kanyang mga banal na salita sa ating mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga dakilang propeta o mensahero. At âyan ay nakaabot sa ating mga tao. Binigyan tayo ng Diyos ng sapat na kaalaman at binigyan niya tayo ng walang hanggang kalayaan. Hindi tayo diniktahan ng Diyos sa kanyang kagustuhan. Kayaât ang tao ay malaya sa anumang ibig niyang gawin. Ilan sa kanyang mga banal na salita ay ito:
⢠TULUNGAN MO ANG IYONG SARILI AT TUTULUNGAN KITA, ⢠MAPALAD YAONG MGA TUMUTUPAD AT MAPAPAHAMAK ANG LUMABAG.
Kung hindi mangyayari ang maraming kamatayan ng tao, mapupuno ng tao ang mundo at hindi na maganda ang magiging buhay sa mundong ito. Kapag ang mundo ay napuno ng mga tao, magkukulang na ang pagkain. Kapag nangyari âyon, magkakainan na ang tao sa tao at âyon ang lalong hindi maganda âdi ba?
Kinalulungkot kong sabihin na ang panalangin para sa akin ay hindi dinidinig ng Diyos maliban sa panalangin na papuri, pasalamat at paghingi ng tawad. Kung bakit dahil sa labis na pagmamahal ng Diyos sa tao ay hindi na tayo pinakikialaman ng Diyos dito sa mundo. Ang kanyang mga banal na salita ang siyang nananatiling makapangyarihan dito sa mundo. Pagmasdan mo ang nangyayari sa bansang tulad ng Pilipinas. Madalas nakaririnig o nakasasaksi tayo ng mga krimen. Katulad na lamang na kung minsan isang estudyante ginahasa at pinatay, isang fetus tinapon sa basurahan, ninakawan, ginahasa bago pinatay. Ilan lamang âyan sa mga krimen na nangyayari sa ating kapaligiran. Ang tanong ko, hindi ba âyan nakikita ng Diyos? Nakikita niya âdi ba? Pero bakit hindi niya pinipigilan ang mga kriminal sa mga ginagawa nilang masama? Bakit hindi niya sagipin ang mga taong ginagawan ng masama? Sa kanyang kagustuhan puwede niyang gawing bato o abo ang taong gumagawa ng masama. Pero bakit âdi niya ginagawang sugpuhin ang masasamang tao? Tulad na lamang ng mga digmaan na kung saan daang libong mga sibilyan ang namamatay sa labanan. Ang mga taong ito ay hindi ba nagdarasal? Nandiyan pa nga kung minsan sa loob ng simbahan sa oras mismo na kanilang pagdarasal sila nangangamatay. Bakit hindi ba ito nakikita ng Diyos? Nakikita niya pero bakit âdi niya pinipigilan? Dahil naitala na sa banal na aklat na ang lumabag ay mapapahamak. Dahil kung susugpuhin ng Diyos ang mga taong gumagawa ng masama sa oras na gumagawa sila ng masama, mababalewala ang ang kanyang banal na salita. Ang mga taong gumagawa ng masama ay saklaw sa kanyang salitang âmapapahamak ang mga lumabag." Kaparusahan pagsapit ng dakilang hukom. At ang pagdarasal na paghingi ng anupaman sa Diyos ay hindi nararapat para sa akin. Dahil tulad ng nasabi ko na, ang lahat ng kailangan ng tao dito sa mundo ay ibinigay na ng Diyos. Hindi pa tayo isinilang, nandito na lahat ang kailangan ng tao. Papaano natin makakamit ang mga pangangailangan natin? Magsikap tayo, magsipag, magtipid at magtiyaga. Dahil kung magdarasal ka at ang ipagdarasal mo ay yaong mga materyal na bagay na kailangan mo sa buhay mo, kahit lumakad ka pa nang nakaluhod sa altar sa buong buhay mo ay hindi ka bibigyan ng Diyos, kahit na ga-butil na bigas. Katulad ng sinabi ko, ang lahat ng kailangan ng tao ay nandito na sa mundong ito at wala ng idadagdag pa ang Diyos sa mga ibinigay Niya sa atin. At ang wika Niya, maghanap ka at ikaw ay makakasumpong. May mga nagsasabi na marami raw ang mamatay sa pagkalat ng radiation mula sa bansang Japan. Oo, may posibilidad dahil ang radiation ay lason na nakakamatay sa tao. Maraming artikulo akong nabasa, at may mga nagsasabing ipagdarasal ko kayo bansang Japan. Sinasabi pang may God blessed Japan. Oo tama ang pagbigkas ng salitang âyan. Pero ang ipagdasal mo ang nasabing bansa, pakikinggan ba ng Diyos ?
Ang tamang pamumuhay sa mundong ito ay ayon sa kagustuhan ng Diyos. At iyon ay mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung hindi mo magagawa âyan, huwag ka na lang gagawa ng masama sa kapwa mo.
Hindi ba bago pa mangyari âyang sakunang âyan ay alam na iyan ng Diyos. Walang hindi alam ang Diyos âdi ba? Alam niyang mangyayari ang lahat ng âyan pero bakit âdi niya pinigilan? Katulad ng sinabi ko, hindi na pinakikialaman ng Diyos ang mundong ito dahil na rin sa pagmamahal niya sa atin. At isa pang kadahilanan, ang paglobo ng populasyon sa mundo ay napakabilis. Maraming buhay ang nadadadagdag araw-araw kaysa sa mga namamatay. Kung hindi mangyayari ang maraming kamatayan ng tao, mapupuno ng tao ang mundo at hindi na maganda ang magiging buhay sa mundong ito. Kapag ang mundo ay napuno ng mga tao, magkukulang na ang pagkain. Kapag nangyari âyon, magkakainan na ang tao sa tao at âyon ang lalong hindi maganda âdi ba? Ang lahat ng nangyayari sa mundong ito ay planado na sa Diyos. Ang nangyayari ngayon ay nangyari na noon pa⦠bilyong taon na ang nakalilipas. Tanging Diyos lang ang nakakaalam kung kailan ito magwawakas. Kung magdarasal tayo tulad ng nasabi ko, ang pagdarasal ay âpapuri, pasasalamat, at paghingi ng kapatawaran. Ang paghingi ay hindi kasama sa panalangin. Iyan naman ay para sa akin lang at aking paniwala. Kung mayroon may sakit sa mahal mo sa buhay, gawin mong ipagamot siya sa mga duktor. Sapagkat binigyan ng Diyos ang mga duktor ng sapat na kakayahan para manggamot ng may sakit. Ang panalangin ay hindi sagot sa taong may sakit. Ang duktor at gamot ang kailangan ng taong may sakit at hindi panalangin para sa atin. Ang tamang pamumuhay sa mundong ito ay ayon sa kagustuhan ng Diyos. At iyon ay mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung hindi mo magagawa âyan, huwag ka na lang gagawa ng masama sa kapwa mo. Kung ano ang ayaw mong mangyari saâyo, huwag mong gagawin sa kapwa mo. Ganoon lang, Amen. â
GMA News Ricardo Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!