Halos magti-three weeks na pala nang lumisan si Mama. Parang isang masamang panaginip lang na kahit gumising ka at matulog ulit ay talagang iyon na ang katotohananâ¦ang katotohanan na wala na talaga siya. Ilang linggo rin lang ang nakalilipas nang hindi ko maintindihan kung bakit tungkol sa mga sulat ni Mama ang ipinadala kong artikulo dito sa Kwentong Kapuso. Ngayon alam ko naâ¦wala na pala akong matatanggap at mababasang sulat-kamay na galing sa kanya. (Basahin: Ang Mga Sulat Mula Kay Mama)
Mahirap tanggapin at masakit sa loob na parang ang bilis naman at âdi mo talaga inaasahan. Nagpaalam siya na magbabakasyon lang sa Bohol tapos âdi na pala siya makakabalik pa. Sa kagaya kong sa mga sulat at webcam chat lang ang aming naging communication, mahirap maka-cope at maka-recover. Kulang na ang ka-webcam ko at kulang na rin ang yayakapin ko sa pagbakasyon ko sa Pilipinas.
â Amy G
Mahirap tanggapin at masakit sa loob na parang ang bilis naman at âdi mo talaga inaasahan. Nagpaalam siya na magbabakasyon lang sa Bohol tapos âdi na pala siya makakabalik pa. Sa kagaya kong sa mga sulat at webcam chat lang ang aming naging communication, mahirap maka-cope at maka-recover. Kulang na ang ka-webcam ko at kulang na rin ang yayakapin ko sa pagbakasyon ko sa Pilipinas. Hindi lang pain ang ini-endure ko at ng pamilya ko sa ngayon. Lalo na ang mga kapatid ko na pumunta ng Bohol para sunduin sana si Mama at sa Maynila na mapagamot. Sa pagmamadali nila magpa-book ng flight at maka-chance passenger, âdi na nila nagawang magdamit ng gown at magpa-hair and make up sa mga salon sa atin. May impact pala sa hospital director, doctor at nurses sa ospital na unang pinagdalan kay Mama ang âappearance" ng tao. Kasama ng pain and weeping ang humiliation, traumatic experiences at mga tanong na walang sagot. Sa halos araw-araw na long distance at webcam namin sa ospital kung nasaan si Mama, most of the time umiiyak ang kapatid ko. Para daw silang nasa ibang bansa at para silang dayuhan na nakaranas ng maltreatment. Hindi nila makausap ng maayos ang doctor in-charge. Mga masungit at suplada ang mga staff nurse. Tanong agad sa kanila ng director ng ospital, âmay one million daw sila." Ang tanging Tagalog language na narinig nila. Language barrier sa sariling bansa? Konting Tagalog kapirasong English majority Visayan dialect na hindi naman maintindihan ng mga kapatid ko dahil sinabi na nga sa kanila hindi sila taga-roon. Si Mama lang ang born and raised doon. Ayaw nilang ipaliwanag kung ano ang nangyayari at ano ang gagawin. Umpisa pa lang ay discouragement na kaagad. Gusto nilang maging practical na lang pero ayaw nila palabasin ng hospital si Mama dahil âunfit to travel" daw.
Sa halos araw-araw na long distance at webcam namin sa ospital kung nasaan si Mama, most of the time umiiyak ang kapatid ko. Para daw silang nasa ibang bansa at para silang dayuhan na nakaranas ng maltreatment. Hindi nila makausap ng maayos ang doctor in-charge. Mga masungit at suplada ang mga staff nurse. Tanong agad sa kanila ng director ng ospital, âmay one million daw sila." Ang tanging Tagalog language na narinig nila.
Sinabihan ko mga kapatid ko matuto silang maging matapang at mag-demand ng mga sagot sa kung ano man ang ginagawa nila dahil karapatan ng pamilya ng pasyente na maintindihan kung ano ang nangyayari. Wala man akong medical education, training at practice, alam ko na dapat ay findings, diagnoses muna at solutions or possible treatments bago mo singilin ang pasyente or ang family. Kung mga kapatid ko nga na may mga Bachelorâs degree at may iniwang mga trabaho sa Maynila ay nakaranas ng ganung treatment, how much more pa kaya ang mga pasyente at family na wala talagang kakayahan makapag-aral? Paano pa kaya nila kakausapin at mamaliitin ang kakayahan? Nandito pa rin ang pain at mga questions na kung nagamot ba ng tama si Mama. One thing is for sure, masaya ang mga nasa ospital na iyon sa Tagbilaran City dahil fully paid ang bills hanggang sa huling sentimo ng kalahating milyon na siningil nila sa amin. Balewala sa kanila ang buhay ng Mama ko. Pero sa akin at sa mga kapatid ko ay malaki ang pasasalamat namin sa ating Diyos na binigyan Niya kami ng isang ina na kagaya ni Mama. Si Mama na hindi nagsawang magmahal at mag-alaga sa amin. Paggising pa lang niya sa umaga ni hindi pa naaasikaso ang sarili pero ang kakainin ng pamilya ang kaagad na inihahanda. Kahit anong meron ay pilit niyang pinagkakasya sa lahat. Maging ang para sa kanya ibibigay niya para aming mga anak niya. Si Mama na parang âdi napapagod. Linis siya ng linis, laba siya ng laba, kasama na rin ang kanyang pag-iisip kung paano na ang bukas ng pamilya. Sa paraang magagawa niya para makatulong, tiniis niya ang hirap sa paghahanap-buhay sa ibang tao upang masiguro na may maipandagdag siya panggastos ng pamilya. Nakita ko kung paano nagtulungan sina Mama at Papa para sa akin at sa mga kapatid ko. Si Mama na laging nagpapayo sa amin kung ano ang makabubuti sa aming buhay at nang âdi kami mapahamak. Si Mama na laging nagpapaalala sa amin na mag-aral kaming mabuti para naman mapawi kahit konti ang hirap ni Papa sa mabigat na pagtatrabaho.
Salamat din sa mga taong nakiramay sa amin â sa mga relatives, friends and dating classmates, mga dating neighbors and officemates na thru FB na nagka-connect ulit. Salamat sa husband ko na full financial support ang ibinigay, at sa pagturing niya at pagmamahal din kay Mama na parang biological mother na rin niya. Sa iyo Mama, paalam at hanggang sa muli nating pagkikita.
Si Mama na matipid at mahusay magbudget ng pera kaya kahit napakahirap ng aming buhay ay nakapagtapos kaming magkakapatid ng pag aaral. Lagi siyang taga-gising sa amin, hinahatid kami at tinatanaw sa aming pag-alis ng bahay. Kapag ginabi kami, lagi siyang naghihintay sa amin, sinisigurado niyang ligtas kaming nakakauwing lahat sa bahay. Si Mama na matiisin sa kahit anong hirap at pati na sa mga salita na minsan ay nakasasakit sa damdamin niya. Si Mamang na mapagbigay sa sarili niyang nanay, sa mga kapatid at mga pamangkin niya. Hindi baleng wala na siya, basta makatulong siya na walang hinihintay na kapalit. Si Mama na naging tapat na asawa sa aming Papa na isang OFW. Maraming maraming salamat Mama sa pagmamahal mo. Sa iyong pang-unawa at pag-alaala. Sa pagiging tapat mo kay Papa, at matiising asawa. Salamat sa pagsama mo sa aming mga lakad, pakikiisa mo sa aming pagtawa at pagluha. Sa pagdamay mo sa aming kalungkutan, gayundin sa paniniwala mo sa aming kakayahan. Salamat sa iyong mga panalangin para sa bawat isa sa amin. Sa ibinigay mong panahon na kami arugainâ¦pati na sa mga anak namin. Hinding hindi ka namin malilimutan, at ang iyong mga payo. Kahit ulitin man ang buhay natin, ikaw pa rin ang pipiliin kong Mama. Salamat din sa mga taong nakiramay sa amin â sa mga relatives, friends and dating classmates, mga dating neighbors and officemates na thru FB na nagka-connect ulit. Salamat sa husband ko na full financial support ang ibinigay, at sa pagturing niya at pagmamahal din kay Mama na parang biological mother na rin niya. Sa iyo Mama, salamat, paalam at hanggang sa muli nating pagkikita. â
GMA News Amy G sa USA Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!