ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang pagbabanta mula sa Gitnang Silangan


4:00 nang madaling-araw, Abril 25, 2011, Saudi Arabia, Gitnang Silangan. Maganda ang gising ko mula sa mahimbing na pagtulog. Nitong nakalipas na gabi tila napagod yata nang husto ang pagal kong mata sa kasasagot ng email at pagsusulat ng case endorsements ng ilang kaso ng OFWs na ni-refer ng kanilang pamilya o di kaya nang nagmamalasakit na kaibigang OFW din.


Nuong una, ‘di ako makapaniwala na mahigit pito hanggang 10 kaso ng OFWs ang tinatanggap ng grupo ko, ang aktibista at progresibong Migrante. Sa buong Gitnang-Silangan pa lamang ito. Malamang, marami pa kung isasama ang mula ibang panig ng mundo na may OFWs.
– JL Monterona
Normal ko na itong ginagawa dahil ‘di naman pwedeng talikuran na lang ang kapwa ko OFWs na may problema at humihingi ng tulong. Di daw kasi sila inaasikaso ng mga opisyal ng embahada. Nuong una, ‘di ako makapaniwala na mahigit pito hanggang 10 kaso ng OFWs ang tinatanggap ng grupo ko, ang aktibista at progresibong Migrante. Sa buong Gitnang-Silangan pa lamang ito. Malamang, marami pa kung isasama ang mula ibang panig ng mundo na may OFWs. Nagkalat na raw ang OFWs sa buong mundo na kahit saang sulok nito may OFWs. Tulad ko, itinulak din ang mahigit 10 milyong OFWs ng kahirapan, walang sapat na sahod sa kabila ng tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo at walang disenteng trabaho. Sa ganitong kalagayan, marami pang mapipilitang mag-abroad. Di pa ako nakapagtsatsa-a (green tea ang madalas kong inumin pag-gising tuwing madaling-araw) nang biglang nag-ring ang cell phone ko. Dali-dali kong pinulot ito mula sa manipis kong kama. Pero walang numerong nakatala, tuloy lang ang pag-ring ng cell phone. Ayaw ko sanang sagutin pero, “baka pamilya ito ng OFW na humihingi ng tulong," ang napag-isip isip ko. “Hello, magandang umaga po," nakangiting bungad ko bagamat alam kong hindi naman makikita ng nasa kabilang linya ang matamis kong ngiti. “Huminto ka nga sa pag-iingay mo. Masyado ka nang maingay!" mataas na boses na tila yata galit na sabi ng kausap ko sa cell phone. “Tumahimik ka nga sa isyu ng mga OFWs!"

“Hello, magandang umaga po," modulated na ang boses ko. “Ano po ang maitutulong ko," dagdag ko baka kasi pamilya ng OFW ang tumatawag this time at humihingi ng tulong. “Baka gusto mo nang manahimik o patahimikin ka na lang? Napaka-ingay mo!"Galit na sabi ng nasa kabilang linya.

Na-shocked ako… pero sinikap kong kumalma. “Wala pong personalan, advocacy at pagbibigay tulong lang sa mga distress OFWs," sabi ko sa misteryosong kausap sa telepono na kagad namang pinutol ang linya bago pa man matapos ang sagot ko sa kanya. Napailing na lang ako, “Ano kayang kasalanan na nagawa ko?" natanong ko tuloy sa sarili ko at naghahanap ng posibleng sagot. “Makapag-init nga ng tubig at makapagtsa-a," utos sa sarili ko. Ilang minuto ang lumipas, nag-ring ulit ang cell phone. “Hello, magandang umaga po," modulated na ang boses ko. “Ano po ang maitutulong ko," dagdag ko baka kasi pamilya ng OFW ang tumatawag this time at humihingi ng tulong. “Baka gusto mo nang manahimik o patahimikin ka na lang? Napaka-ingay mo!"Galit na sabi ng nasa kabilang linya. Shocked ulit ako! “Sorry po... wala pong personalan at pagbibigay-tulong lang sa mga distress OFWs," pagalit na sagot ko. Naputol ulit ang linya. Sinikap kong tawagan ang unregistered number nang ‘di nagpakilalang ‘astig’ na iyon, pero bigo akong makontak ito. Hindi siya iyong tumawag sa akin kanina-kanina lang. Pero, nosi, nosi ba lasi? (Sino, sino ba sila?) dagdag na tanong ko sa sarili. Hindi naman pwedeng mga ripa-pips o tropa-pips or dabarkads ko sa Pinas na nagbibiro lang? Kung ganun nosi nga ba lasi (sino nga ba sila?) Ah, naalala ko na, hindi pa naman ako matanda para makalimutan ang unang banta. Taong 2008, buwan ng Hunyo, mahigit anim na buwan pa lang ako sa Saudi. Hindi pa ako maituturing na ‘Saudi boy’. Para tawagin kang ‘Saudi boy’ dapat mahigit isang dekada ka nang nag-work sa Saudi. Ang aming si Ka Mario, kasalukuyang taga-pangulo ng Migrante-Saudi Arabia chapter, ang certified Saudi boy. Mahigit 15 years lang naman sya sa Saudi and still counting!

Nag-ring na naman ang cell phone ko. Biglang sulyap sa relo, 5:20 a.m. na. Registered call mula sa aking butihing asawa. “Hello? Oh musta," sabi ko. “Si Leo, tinatanong ako kanina pa “Asan daddy ko?", sabi ng misis ko. “Kaya tinawagan kita; eto si Leo kausapin mo."

Kung sa tandang pa, may tahid na si Ka Mhar. Pero ‘young at heart’ siya huh! Peace be with you, Ka Mhar (atin-atin lang, ayaw nyang magpatawag ng Mario, dapat Mhar. He he he). Galing ako ng Doha-Qatar nuong una. Naka-apat na taon ako doon, bago nakahanap muli ng job sa Saudi. Riyadh ang unang destinasyon ko. Nalipat ako ng job site last year sa Buraydah, at nitong huli sa Hail City, Saudi Arabia pa rin. Dahil Migrante naman ako, itinuloy ko ang advocacy ko at ng grupo: ang pagtulong sa mga distress OFWs, sa mga inabuso at minaltrato, hindi pinapa-sweldo at kinukulong ng kanilang amo. Sa kalaunan, dumami na ang mga OFWs na humihingi ng tulong at sumigla ang pagtulong ng Migrante sa Saudi dahil sa suporta ng OFWs at kanilang pamilya, tuloy-tuloy ang pagtulong ng grupo sa mga distress OFWs, run away, biktima ng sexual harassment at rape. Pero tila di naging masaya ang mga opisyal ng embahada at gobyerno sa pagtulong ng grupo. Kapag di nga naman sila umaksyon, naglalabas ang Migrante ng pahayag sa media at sinisiwalat ang kanilang pagpapabaya at di pagbibigay tulong sa mga distress OFWs. Sa ganitong panahon ng pagsigla nang pagkilos ng grupo una kong natanggap ang banta sa buhay mula sa mga misteryosong tao. Pananakot lang iyong unang banta, dahil wala namang nangyari sa akin. Ganito rin siguro ang pangalawang banta. Harassment lang din ito. Pero, dapat lang mag-ingat ako at ang grupong Migrante mula sa mga banta at pananakot na ito. Baka kasi seryosohin nila eh! Malay ko baka bigla na lang akong hablutin. Sampahan ng kaso at ikulong. Uso ngayon iyan sa Pilipinas, culture of impunity kahit sa ilalim ng rehimeng Aquino. Pero ‘di natin tiyak baka mauso rin dito. Speaking of culture of impunity, bagamat wala akong eksaktong datos ng extra-judicial killings at forced disappearances, isa ang tiyak: walang-humpay ang pagdami ng mga biktima mula sa hanay ng mga social and political activists at mga mamamahayag. Mga biktimang aktibistang mangagawa, magsasaka, estudyante, pari/madre, na ang hangad ay pagbabago ng lipunan, pantay, may hustisya at tunay na kapayapaan. Nag-ring na naman ang cell phone ko. Biglang sulyap sa relo, 5:20 a.m. na. Registered call mula sa aking butihing asawa. “Hello? Oh musta," sabi ko. “Si Leo, tinatanong ako kanina pa “Asan daddy ko?" sa ng misis ko. “Kaya tinawagan kita; eto si Leo kausapin mo." Si Leo, pangatlo at bunso kong anak, magti-3 years old ngayon Agosto. Dalawang pagkakataon ko pa lang nakasama during my 1-month yearly vacation noong 2009 at 2010. -- GMA News JL Monterona Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!