Marapatin nyo po na aking ibahagi ang aking karanasan sa una kong pagsubok mangibang bansa kung saan hindi po ganun kaganda ang una kong sinapitan dahil ako ay na-deport mula sa bansang Qatar.
Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha sa magkabila kong mga mata nang lumapag sa Terminal 1 ng NAIA ang eroplanong iyun na pag-aari ng Etihad Airlines. 'Salamat po Diyos ko at muli kong masisilayan ang bansang Pilipinas kong mahal!'
â Darwin
Subalit 'di pa rin po ako nawalan ng pag-asa, pag-uwi ko ng Pinas ay nag-aplay uli ako ng trabaho sa abroad at ako naman po ay pinalad na matanggap bilang admin clerk sa Saudi Arabia. Masasabi ko po na maayos naman ang kalagayan ko ngayon. Sa katunayan nga po ilang buwan na lamang ay matatapos ko na ang aking kontrata at muling magbabalikbayan sa ikalawang pagkakataon. Ako ay dating pampublikong guro sa sekondaraya sa isang public school sa Antipolo City. Halos isang dekada rin po akong nagturo bago naisipang mangibang-bayan dahil sa hirap ng buhay sa atin sa Pinas. Hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha sa magkabila kong mga mata nang lumapag sa Terminal 1 ng NAIA ang eroplanong iyun na pag-aari ng Etihad Airlines. âSalamat po Diyos ko at muli kong masisilayan ang bansang Pilipinas kong mahal!" Tangi kong nasambit habang nag-uumapaw ang lubos na kasiyahan sa aking puso at kalooban. Mistulang kaytagal na panahon kong nawalay sa bansa, samantalang ang katototohanan ay anim na buwan lang naman ang inilagi ko sa Gitnang Silangan. Sa halip na pumila sa arrival counter upang tatakan ang pasaporte at dumeretso ako sa kabilang tanggapan. Sinabi kasi sa akin ng guwardiyang nag-check sa mga papeles ko, doon daw ako pumila dahil wala akong passport at tanging travel documents lang ang dala-dala ko. Mas naging pabor pa nga sa akin. Mas mabilis akong natapos dahil iilan lang naman kami na pumila doon. Nakita ko agad ang sinundan kong nakatatandang kapatid na babae na si Ate Teresa. Nasa waiting area na siya ng nasabing paliparan. Buti na lang pala at natawagan ko siya kanina habang nasa Abu Dhabi Airport ako. Salamat sa isang kabayang Pinoy na hindi nagdamot at pumayag na magpahiram ng kanyang cellphone kaya nasabi ko sa aking kapatid kung ano ang eksaktong oras ng pagdating ko sa Pinas. Akala kasi nila bukas pa ng madaling araw ako makakarating ng bansa. Pero ang totoo, alas onse ng gabi ang arrival ko sa NAIA, Terminal 1, batay sa boarding pass na hawak-hawak ko mula sa Etihad Airlines.
Kinurot ng konsensya ang aking puso. Kung pwede ko lang sanang ipihit at ibalik ang takbo ng orasan ay siya kong ginawa ngayon. Sabagay wika nga sa isang palasak na kasabihan, âlaging nasa huli ang pagsisisi.
Taliwas sa isang masayang eksena na kalimitan kung napapanood sa telebisyon o maging sa pelikula man na may temang pagbabalikbayan, hungkag at kulang sa emosyon ang aking mababakas sa mukha ng aking kapatid. Mag-isa lang siya na sumundo sa akin. Sa sulok ng kanyang mga mata ay maaaninag ang kakaibang awang nadarama niya sa akin. âHehehehehe! Mukhang galing ka lang ng Libas! (Samar) kulang na lamang na may bitbit kang bigas at saging!" Napangiti ako sa tinuran ni Ate Teresa. Kahit medyo malungkot ang eksena ay ginawa niya itong masaya sa pagitan ng manaka-nakang hirit at mga biro niya. âExcited sa iyo ang mga pamangkin mo! Gusto nga nilang sumama akin ngayun sa pagsundo sa iyo kaso âdi ko na pinayagan, may pasok pa kasi ang mga iyun sa iskul bukas!" Kinurot ng konsensya ang aking puso. Kung pwede ko lang sanang ipihit at ibalik ang takbo ng orasan ay siya kong ginawa ngayon. Sabagay wika nga sa isang palasak na kasabihan, âlaging nasa huli ang pagsisisi." Kakatwang eksena, galing abroad subalit wala akong dalang mga pasalubong, tanging ang bitbit kong maleta nang umalis noon ang siya ko pa ring dala-dala ngayon. Sabagay dapat ko pa ngang ipagpasalamat sa Diyos at nakabalik ako ng buhay at ligtas! Minabuti naming mag-abang ng bus na may biyaheng Fairview. Gusto sana ng kapatid ko na mag-taxi kami, tutal binigyan daw siya ng limang daan ng panganay naming kuya na nasa Antipolo nang malamang siya ang susundo sa akin ngayon. âMag bus na lang tayo! Wala naman akong dala kundi sarili ko lang. Ibili na lang natin bukas ng bigas at ulam ang sukli sa 5 hundred na bigay ni Kuya Larry." Suhestiyun ko pa sa kapatid ko. Habang nakasakay sa bus ay panay ang kwento sa akin ni Ate Teresa. Tungkol sa ginawa nilang aksyon para mapabilis ang aking pag-uwi. Ang Nanay ay lumapit pala kay Commissioner Libanan ng Immigration. Kilala niya kasi ang pulitiko dahil nagkataong malayong kamag-anak daw namin ang asawa nito. Subalit sa patuloy na kwento ni Ate Teresa, sadyang nahirapan nga raw sila. Iba kasi ang batas at kultura ng Qatar kayat kahit nasa posisyon ay wala pa ring nagawang tulong sa kaso ko si Commissioner Libanan.
Hindi ako makatulog nang madaling araw na iyun. Kahit may jetlog at pagod sa biyahe, nanatiling gising ang aking diwa. Parang nanonood ako ng slideshow. Isa-isang nagsasalimbuyan, at ipinakikita ang mga kaganapan sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan.
Hindi man lang nagpasaring ng panunumbat at pagsisi sa akin ang ate ko. Wika nga niya, ânangyari na ang lahat." Binanggit pa niya sa akin ang isang lumang kawikaang ingles, âdonâtât cry over spilled milk." Tulog na ang apat kong pamangkin nang dumating kami sa tahanan ng kapatid ko sa Fairview. Mag-aala una na kasi ng madaling araw. Naglatag ng banig saka binigyan ako ng kumot at unan ni Ate Teresa. Sa salas na ako pumuwesto, puno na kasi ang kanilang munting silid para sa kanilang mag-iina. Kanina habang nasa biyahe ay nabanggit din pala ng kapatid ko na kaalis lang daw ng asawa niya noong nakaraang buwan papuntang Saudi Arabia naman. Nang nasa Pinas pa nga daw ang bayaw ko, silang dalawa ang pabalik-balik na nagtatanong at nangungulit sa agency ko sa may Mabini. âMalay ko ba sa kapatid mo na âbakla" pala iyun! Alam niyang Muslim na bansa ang Qatar kaya dapat kung anuman ang kasarian niya hindi niya dapat ipinangalandakan doon dahil alam niyang bawal na bawal. Ako pa raw ang sinisisi ni Maam Tess ang may-ari ng agency na iyun na pinag-aplayan ko bilang isang âmale private tutor" sa Qatar. Hindi ako makatulog nang madaling araw na iyun. Kahit may jetlog at pagod sa biyahe, nanatiling gising ang aking diwa. Parang nanonood ako ng slideshow. Isa-isang nagsasalimbuyan, at ipinakikita ang mga kaganapan sa buhay ko nitong mga nakaraang buwan. Tuwang-tuwa ako nang malamang tanggap agad ako sa unang trabahong inaplayan ko sa Qatar. Walang kahirap-hirap sa internet lang ako nag-aplay, at kaagad akong tinawagan para sa interview na naging tuloy-tuloy na hanggang sa makaalis ako ng bansa. Mabait ang Ministrong amo na sumundo sa akin sa airport ng Doha, Qatar. Sobrang kulit nga lang ng tatlong anak niyang mga batang lalaki na tuturuan ko dapat sa dalawang taon na aking pinirmahang kontrata. Subalit sa âdi inaasahang pagkakakataon, tatlong linggo lamang akong nanilbihan sa buwenang maharlikang pamilyang iyun. Sadyang may plano ang Diyos para sa ating lahat. Nagbibigay siya ng mga pagsubok at pagkatapos ng eksaminasyon doon mo pa lamang malalaman ang paksang aralin o leksiyon. (Itutuloy) -
GMA News Darwin Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!