Noong nag-aaral pa ako, isa sa mga pangarap ko ang makapag-abroad. Siguro ay dahil na rin sa mga naririnig kong magagandang nangyayari sa mga tatay ng mga kaibigan kong nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya mula noon, ipinangako ko sa sarili ko na makakapag-abroad din ako at magiging maganda rin ang buhay ko. Sobrang excited nung una, nung first time kong makapag-abroad. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Sa simula, maganda at maayos naman, dahil bukod sa malaki ang kita, mabibili mo ang anumang gustuhin ng pamilya mo at mga anak mo. Kaya masaya ka dahil naibibigay mo ang gusto nila.
Sobrang excited nung una, nung first time kong makapag-abroad. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Sa simula, maganda at maayos naman, dahil bukod sa malaki ang kita, mabibili mo ang anumang gustuhin ng pamilya mo at mga anak mo.
â Jun
Hindi naman ako gaanong nalungkot noon dahil sa dami rin naman ng mga kasama kong Pinoy sa pinagtatrabahuhan at sa aming tinutuluyan. Para lang hindi malungkot, kailangan mong ituon ang attention mo at oras sa mga bagay na pwede mong pagbalingan kasama ang mga kaibigang Pinoy. Nandiyan yung maglalaro kayo ng basketball, billiard, table tennis, kain sa labas, mamasyal sa ibang lugar every weekend at kung ano-ano pa. Kaya lang nung unang bakasyon ko, at muling alis ko pabalik sa trabaho, dun ko na naramdaman ang sobrang pagkalungkot na tila ba may bolang bakal na nakatali sa mga paa. Parang ang hirap ihakbang ng mga paa mo papasok sa paliparan habang nakikita mong nakatingin sa iyo ang iyong mahal na asawa at anak. Kumakaway sila at nababasa mo sa kanilang mga mata ang pagkalungkot dahil muli ka na namang aalis ,at matagal na panahon uli bago kayo magkikita. Ang hirap pala, hindi rin pala sapat na kumikita ka lang ng malaki. Nandun yung pagnanais mong makasama na lamang ang iyong pamilya, ang makita kung paano lumaki ang mga anak mo; ang magabayan sila; ang turuan sa pag-aaral kapag may assignment; ang ipagluto mo sila at makitang sarap na sarap sa pagkain ng iyong inihanda; ang halikan ka nila bago pumasok sa eskwela. At kapag uwian na, malayo pa sila sa bahay eh naririnig mo na ang boses nila at tinatawag ka. Maraming bagay na pala akong hindi nagagawa, maraming bagay na pala akong hindi nasusubaybayan sa pamilya ko. Pero lahat kaya kong tiisin para lang mabigyan sila ng magandang buhay, magandang hinaharap. Para naman kapag dumating ang araw na sila naman ang nakatapos, hindi na sila kailangan lumayo para mabigyan din ng magandang buhay ang pamilya nila. Pero paano?
Kaya lang nung unang bakasyon ko, at muling alis ko pabalik sa trabaho, dun ko na naramdaman ang sobrang pagkalungkot na tila ba may bolang bakal na nakatali sa mga paa. Parang ang hirap ihakbang ng mga paa mo papasok sa paliparan habang nakikita mong nakatingin sa iyo ang iyong mahal na asawa at anak.
Sa loob ng ilang taon, lagi akong nakikipagbuno at nakikipaglaro sa kapalaran. Kailangan, habang malayo ako, kailangan kong ingatan ang sarili ko dahil sa akin umaasa ang pamilya ko. Hindi ko matatanggap na balang araw ay hindi magbunga ng maganda ang lahat ng paghihirap ko para sa pamilya ko. Kaya kahit na anong hirap, kahit na anong init, kahit na anong lamig, kahit na anong sigaw ng amo, kahit na anong klaseng pagtrato, okey lang sa akin. Kailangang tiisin ito lahat alang-alang sa pamilya. Pero nagbago ang aking pananaw sa buhay, sabi ko sa sarili ko, I will never failâ¦neverâ¦never. Kailangan may gawin akong hakbang, kailangan merong alternatibo, hindi puwedeng laging ganito. Dumating yung point na nagkaroon ako ng mindset sa goal na gusto kong marating at matupad, ang makasama na ang pamilya ko at huminto na sa pagtatrabaho sa abroad pero may kinikita ako. Kung anu anong pamamaraan at bagay ang ni-research ko sa kung paano ko matutupad ang goal na âyon. Lagi ko ring ipinagdarasal na sana bigyan Niya ako ng idea kung paano ko sisimulan, kung paano ko gagawin. Hanggang isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, isang article ang nabasa ko sa isang Pinoy na kahit sa Pinas ay kumikita ng malaking halaga sa loob lamang ng isang buwan. Nung binabasa ko ang article na yun, dun nasagot ang isa sa mga katanungan ko kung paano ako magsisimula para matupad ang gusto kong mangyari. Naging inspirasyon sa akin ang article na binabasa ko, at dun ko sinimulan ang pagresearch. Tuwing pagkatapos ng trabaho, nagri-research kaagad ako sa mga maaari kong gawin, hindi ako nag-aksaya ng bawat minuto para lang matutunan ang bagay na pwedeng tumupad sa pangarap ko.
Hanggang isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, isang article ang nabasa ko sa isang Pinoy na kahit sa Pinas ay kumikita ng malaking halaga sa loob lamang ng isang buwan. Nung binabasa ko ang article na yun, dun nasagot ang isa sa mga katanungan ko kung paano ako magsisimula para matupad ang gusto kong mangyari.
â Jun
Nag-struggle ako nung una, natural lang naman yun dahil bago pa lang ako sa linyang napili ko, malayo sa tinapos ko. Wala ako kahit na katiting na experience pero pinagtatyagaan ko. Araw-araw na pinag-aralan ang bawat sulok ng kalakaran. Hanggang sa dumating ang araw na dinala ako nang pagri-research ko sa isang website na siyang kasagutan sa mga katanungan ko, at doon ay lumilinya na ako sa online marketing, using the internet. Hindi rin madali sa una pero habang tumatagal, nagagamay ko na lahat lahat. Mahirap din dahil may trabaho ako buong maghapon then pag-uwi yun ang inaasikaso ko. Ganun siguro talaga, kapag may gusto kang marating, kailangan mo tiyagain para magbunga nang naaayon sa kagustuhan mo. Now, Iâm starting to make sales online, I am now earning sa lahat ng paghihirap ko, may mga nakikita na akong profits under my name na resulta ng pagtiyayaga ko araw-araw kahit mapuyat. And the title of this article tells you na malapit ng matapos ang pagtitiis sa abroad which is true. Malapit nang matapos ang pagtitiis ko sa abroad, âgoodbye abroad, goodbye bosses, goodbye being an OFWâ⦠and, âHello Philippines, Iâm coming. I want to spend and enjoy life with my family, being with them.â Salamat at God bless to us all.
Jun F. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!