Saan ba talaga ang Sodom and Gomorrah na binabanggit sa Bibliya? Tila walang makapagsabi kung saan. Kung ang pagbabasehan ang naisulat na ito na ginunaw ng Diyos at wala nang mabubuhay ng permanente rito, masasabi ko na ang lugar ng Rub Al Khali ng Saudi Arabia ay ang lugar na tinutukoy sa Banal na Aklat.
Parang fiesta nang gabing iyon. Isang buong lamb ang inilatag pero panay ang labas ko. Pinabayaan ko silang mag-umpisa para hindi ibigay sa akin ang mata ng lamb.
â Johnson
Ang Rub Al Khali ay napakalawak na lugar pero ito ay walang buhay maliban sa kutob ng mga explorer na posibleng meron itong malaking deposito ng langis. Sa English ang tawag nila dito ay Empty Quarter. Ang project namin sa loob ng Rub Al Khali ay may kinalaman sa pagbabago ng Saudi Arabia at Yemen ng kanilang borders noong taon 2004. May ibinigay na parte ng lupa sa Yemen at meron din naman nakuha ang Saudi sa Yemen. Dahil dito, nagtayo ng bagong mga kampo ang Saudi sa apat na lugar malapit sa border ng Yemen. Sa amin kinuha ang mga generators na siyang panggagalingan ng kuryenteng kailangan ng mga kampo. Dahil sa kami rin ang magpapatakbo at mag-aaruga ng mga generators, kumuha ako ng 10 Pilipino sa Pinas na tatao sa bawat kampo. Para lumaki rin ang kita namin sa project, kami na rin ang tatapos ng electrical installation sa mga lugar na ito. Nag-umpisa ang aming kasaysayan sa loob ng Rub Al Khali sa paglipad ng 10 katao sa Sharurah kung saan ang mga gamit namin ay nauna nang pinadala. Tanghali na nang kami ay nakarating. Nag-meeting sa office ng Border Guard, at inayos na ang mga sasakyan. Bumili kami ng mga pagkain at tubig na gagamitin sa loob ng disyerto. Ala-sais ng gabi, kakain daw muna kami pagkatapos ay lalarga. Sabi ko, bakit sa gabi kung kailan hindi naming kita ang daan. Sabi naman ng driver na sanay sa loob ng disyerto, dapat daw sa gabi para hindi mainit. Ang sasakyan namin ay dalawang SUV 4x4 Land Cruiser at isang 4 x 4 pick-up kung saan lahat ng gamit namin ay nakalagay. Parang fiesta nang gabing iyon. Isang buong lamb ang inilatag pero panay ang labas ko. Pinabayaan ko silang mag-umpisa para hindi ibigay sa akin ang mata ng lamb. Sabi kasi nila, ibinibigay daw sa panauhing pandangal ang mga mata ng lamb na iniiwasan kong makain. Natapos ang kainan, lahat ay bundat na at ang tanging gusto sa oras na iyon ay matulog. Nagsimula na ang journey. Sa umpisa ay puro patag pa ang disyerto, so wala pang problema. Pero maya-maya pa, may humahabol nang sasakyan sa amin⦠ang mga border guard. Pagkatapos ng paliwanagan at pakitaan ng papeles, ok na. Kilala rin nila ang mga driver namin dahil sila ay bigay ng border guard office. Lumagpas na pala kami ng border ng Saudi at nasa Yemen na.
Bandang 12:00 ng gabi nang tumigil kami sa gitna ng disyerto para daw mag-stretch at mag tsa-a. Pagbaba namin, dito ko nakita ang pinakamaliwag na langit sa buong buhay ko. Walang ulap, at kahit saan ka lumingon ay puro bituin ang nakikita at ang napakaliwanag na buwan. Takot akong humiwalay dahil sa ahas. Maya-maya pa may nakita kaming tumatakbo.
Mabuti na lang wala pang border guard ang Yemen noon sa lugar na pinasok namin. Sabi ng mga Saudi guards, doon sa lugar na iyon daw dumadaan ang mga smugglers na galing sa Yemen. Mga alak, drugs, at armas daw ang dumadaan doon kaya lagi nilang binabantayan maigi ang mga ito. Bandang 12:00 ng gabi nang tumigil kami sa gitna ng disyerto para daw mag-stretch at mag tsa-a (tea). Pagbaba namin, dito ko nakita ang pinakamaliwanag na langit sa buong buhay ko. Walang ulap, at kahit saan ka lumingon ay puro bituin ang nakikita at ang napakaliwanag na buwan. Takot akong humiwalay dahil sa ahas. Maya-maya pa may nakita kaming tumatakbo. Sabi ng driver, mga rabbit daw iyon na sa gabi lumalabas dahil sa maiinit âpag araw. Nang umalis na kami, nag-umpisa ang pagtahak namin sa mga bundok. Bibirit ang sasakyan paakyat parang masisira na ang makina. Pagdating sa taas, biglang tatahimik ang makina at dadausdos naman pababa. Pagdating sa kalagitnaan ay muling haharurot para hindi mabalaho. Ganito kami halos magdamag. Hindi ko alam kung ilan kaming gising pero ako, napaihi na yata sa pantalon ko. Pagkatapos ay patag na uli pero biglang tumigil ang sasakyan. Sabi ko, ano ang nangyari? nasiraan ba? Sabi ng driver, ânakikita mo ba iyon ilaw sa itaas ng bundok na patay sindi?" Senyas pala iyon na pinatitigil kami ng border guard. Pagkaraan ay tinanong kami ng guard kung saan ang punta namin. Iyon pala, ilang kilometro na kaming lagpas sa aming pupuntahan. Kaya ang nangyari, balik uli kami. Dumating kami sa lugar ng Kharkir alas singko nang umaga. Sabi ko, grabe, para kang umuwi ng Pinas. Wala ng gustong lumabas ng sasakyan, tinuluyan na ang tulog sa loob nito. Ang Kharkir ang unang lugar na aming pinuntahan. Ang tanging maayos na koneksiyon sa civilization ay eroplano. Sa unang araw, nag-ayos kami ng aming tutuluyan. Isang parang barong-barong sa tabi ng main road ng kampo kuno ang ibinigay sa amin. Puno ng alikabok, at tila matagal ng âdi natitirhan. Anim na araw lang dapat kami rito alinsunod sa plano. Kaya kahit na mainit, sige ang trabaho namin. Sabi noong isang tao ko, âsir manood ka na lang lapnos na ang mga daliri mo." Bago dumating ang pang-anim na araw, halos ubos na ang tubig kaya sabi ko ay dahan-dahan ang kunsumo. Dahil kung hindi, mapipilitan kaming inumin ang tubig nila sa lugar na hindi namin sigurado kung malinis. Pagdating ng gabi, pagkatapos kumain ay tulog agad kami dahil sa sobrang pagod. Isang umaga, kinausap ako ng isa kong tao, nagising daw siya at meron daw siyang nakitang malaking tao na lumapit sa mga damit namin. Pero bigla raw itong nawala at hindi dumaan sa pintuan. (itutuloy) â
GMA News Johnson Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!