Maraming nagsasabi na ang Pilipinas ang âLupang Pangako." Kahit ang mga manunulat ay nagsasabi rin na ang Pilipinas ay âLupang Pinagpala." Marahil totoo nga ito sa kadahilanang ang Pilipinas ay sagana sa yamang kalikasan, yamang dagat at mga puno.
Nakakahiya mang aminin, maraming tao ang nangangailangan ng trabaho subalit wala naming makuhang trabaho sa Pilipinas. Kung may trabaho man, hindi naman sapat ang kinikita para sa mga pangangailangan at gastusin ng pamilya.
â Rudy
Ang mga lupain ay angkop na angkop sa agrikultura upang maging sapat ang pagkain ng mga mamamayan. Subalit hindi lahat ng tao ay magsasaka. Maraming sektor ng paggawa ang dapat pagtuunan ng pansin para sumulong ang ekonomiya ng bansa. Mayroon tayong ibaât ibang gawain at propesyon na dapat gampanan. Nakakahiya mang aminin, maraming tao ang nangangailangan ng trabaho subalit wala naming makuhang trabaho sa Pilipinas. Kung may trabaho man, hindi naman sapat ang kinikita para sa mga pangangailangan at gastusin ng pamilya. Ang mga bansa sa Gitnang Silangan ang napagtuunan ng pansin ng mga manggagawang Pinoy. Maraming trabaho ang nakalaan sa mga skilled Filipino workers. Kasiya-siya ang performance ng mga Pinoy workers dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho, abilidad at talento. Dito dumagsa ang milyon-milyong OFW upang kumita ng sapat sa Gitnang Silangan at maging sa ibang parte ng mundo. Sa rehiyong ito ng mundo matatagpuan ang mga Pinoy. Isang patunay na tinatangkilik ng mga dayuhan ang galing at husay ng mga OFW. Ngunit hindi lahat ng bansa sa Gitnang Silangan ay bukas ang pintuan upang puntahan ng mga manggagawang Pinoy. Nandiyan ang Iraq, Afghanistan, Lebanon, Syria at Nigeria sa Africa, na ipinagbabawal ng Pilipinas na puntahan ng mga OFW. Subalit buong tapang pa rin na pinupuntahan ng mga Pinoy ang mga lugar na iyon upang kumita ng sapat para sa pamilya. Hindi alintana ang sinasabing panganib at peligro gaya ng sinasabi ng ating pamahalaan. Sabi ng ating gobyerno, huwag tutungo roon pero mayroon ba kaming makukuhang trabaho sa Pilipinas? Mapupudpod ang suwelas ng iyong sapatos at mangingitata ka sa pawis pero wala pa ring makukuhang trabaho.
Madali ang umuwi pero paano ang pagbalik namin sa aming mga trabaho. Lungkot at inip ang aming kaulayaw sa tuwi-tuwina. Nakakausap nga namin ang aming mga mahal sa buhay sa tulong ng Internet at cell phones pero hanggang doon na lamang. Iba siyempre ang tuwa at galak kung pisikal na kapiling ang mga mahal sa buhay. 
Bawal daw sa Afghanistan kasi magulo, may giyera, maraming Taliban, madalas ang putukan at lagi may patayan. Bakit? sa Pilipinas ba walang gulo? Tahimik ba sa Pilipinas? Nasa Pilipinas ka nga, butas naman ang bulsa mo at kumakalam ang sikmura. Ano kaya ang pipiliin mo, ang makipagsapalaran kahit meron panganib o mamatay sa gutom at nakadilat ang mga mata? Taong 2007 nang ipinairal ng Pilipinas ang deployment ban sa Afghanistan. Ito ay sakabila na libu-libong ang mga Pinoy na nandito at patuloy na nagtatrabaho at nakikipagsapalaran. Masaklap ang naging epekto ng deployment ban na ito. Hindi kami makauwi upang makapiling ang aming mga pamilya. Madali ang umuwi pero paano ang pagbalik namin sa aming mga trabaho. Lungkot at inip ang aming kaulayaw sa tuwi-tuwina. Nakakausap nga namin ang aming mga mahal sa buhay sa tulong ng Internet at cell phones pero hanggang doon na lamang. Iba siyempre ang tuwa at galak kung pisikal na kapiling ang mga mahal sa buhay. Anim ng taon na rin ako rito sa Afghanistan. Dumating ako rito noong 2005 at legal ang pagpunta ko rito. Meron akong kaukulang clearances mula sa DFA at POEA. Ang bakasyon ay pinahihintulutan pa ng panahong iyon ngunit nang ibaba ang pagbabawal noong October 2007, biglang naglaho ang karapatang iyon. Naglaho na rin ang karapatang bakasyon upang makapiling pansamantala ang pamilya. Masaklap di ba? Masakit sa kalooban. Noong February 11, 2011, mayroong ipinalabas na memorandum ang Embahada ng Pilipinas sa Pakistan na siyang nakakasakop ng Afghanistan dahil walang embahada ang Pilipinas sa bansang ito. Ayon sa ating embahador hanggang December 31, 2011 na lamang puwedeng manatili ang mga Pinoy sa Afghanistan alinsunod sa kautusan ng US Central Command. Subalit puwede pang makapagbakasyon hanggat wala pa ang petsang itinakda. Bilang paglilinaw sa kanyang memorandum, nagsugo siya ng dalawang delegado rito sa Kabul noong February 24, 2011, na pawang mga taga-Philippine Embassy sa Pakistan. Ginanap ang pagpupulong sa Park Star Hotel noong February 24, 2011 dito sa siyudad ng Kabul. Ayon sa delegado, para makakuha ng OEC at malayang makabalik sa trabaho sa Afghanistan, kailangang ihanda namin ang mga sumusunod na mga papeles. Una, affidavit notorized by the US Consul signifying our employment; Ikalawa, passport, legal contract, visa at working permit; Ikatlo, a guarantee letter mula sa kompanya sa sagot ang repatriation kung kakailanganin; at Ika-apat, a letter of employment mula sa kompanya.
Wala na bang tulong na maasahan sa mga kawani ng ating embahada? Sana naman magising na sila. Pera ng bayan ang kanilang ginugugol kaya dapat tumbasan nila ng tapat na paglilingkod at hindi kasinungalingan.
Naihanda naming lahat ang mga kailangang dokumento. Nagbayad pa kami ng $50 USD para sa notaryo ng US consul na nangaling sa sariling bulsa. Malaking halaga rin. Halos katumbas na ng isang sakong bigas na puwedeng pagsaluhan ng pamilya. Nagpadala ako ng email sa POEA Administrator upang ihingi ng linaw ang mga sinabi ng mga delegado. Tinanggap ko ang katugunan na nagsasaad na hindi sila nag-aayos ng OEC ng mga Balik-Manggagawa mula sa Afghanistan hanggat walang kautusang manggagaling sa ahensiyang nakatataas sa POEA. Mayroong dalawang e-mails akong naipadala sa Philippine Embassy sa Pakistan. Ang isa ay naka-address sa delegado at ang isa ay sa mismong embahador subalit parehong hindi nila sinagot ang aking mga sulat. Sumulat ako upang humingi ng paglilinaw sa kanila dahil tatlo sa aking mga kasamahan ang umuwi ng Pilipinas bitbit ang mga dokomentong kanilang sinabi. Ngunit binalewala lang iyon ng DFA at POEA. Naipagbigay-alam ko na rin sa media ang ginawang panloloko ng mga tauhan ng ating embahada. Bakit nagtuturuan ang mga kawani ng dalawang ahensiya ng ating pamahalaan. Walang alam ang dalawang ahensiya sa memorandum na pinalabas ng ating magiting na embahador. Nakapagtataka, bakit nagpalabas ng memorandum na hindi nalalaman ng DFA Main? Ano kayang motibo rito, papogi? Bakit kailangang magtungo pa rito sa Kabul ng mga kinatawan ng embahador para maglubid lang ng buhangin sa aming pagpupulong? Kay laking pera ang kanilang ginugol tapos kasinungalingan lang pala ang kanilang sasabihin, nakakainis. Wala na bang tulong na maasahan sa mga kawani ng ating embahada? Sana naman magising na sila. Pera ng bayan ang kanilang ginugugol kaya dapat tumbasan nila ng tapat na paglilingkod at hindi kasinungalingan. Kaya nga meron tayong mga embahada sa ibat-ibang panig ng mundo ay para tugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW. Kung walang makukuhang tulong sa embahada, saan pa dadaing ng tulong ang mga OFW? -
GMA News Rudy ng Kabul, Afghanistan Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!