(Karugtong) Nagulat ako dahil bigla siyang nagtaas ng boses. Sinabihan niya ako na wala akong karapatan labasan siya ng pera para ipamuka sa kanya. Sa akin lang naman, gusto ko lang magbayad. Napuno na rin ako at nakipagsagutan sa kanya. Kasunod nun ay nagulat na lang ako dahil bigla niya akong sinapak. Buti sa panga lang tumama. Mabilis ang pangyayari, pilit ko siyang nilapitan para makabawi kaso may isang Pakistani ang nakahawak sa akin para akoây pigilan.
Sa galit ko, pinagmumura ko siya at lumabas ako ng opisina para magpalamig. Nakarating sa presidente ng kumpanya ang pangyayari at nagkaroon ng meeting tungkol dito. Siyempre ako ang nagmukhang mali.
â Danny
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari walang nakakita na sinapak ako. Kahit yung katrabaho kong Pilipino ay hindi nakita dahil may Pakistaning nakaharang sa harapan niya. Sa galit ko, pinagmumura ko siya at lumabas ako ng opisina para magpalamig. Nakarating sa presidente ng kumpanya ang pangyayari at nagkaroon ng meeting tungkol dito. Siyempre ako ang nagmukhang mali. Nagbanta ang presidente na kung hindi kami magkakasundo ay isa sa amin ang idedestino sa Jjubail. Sinabi ko sa presidente na sige dun na lang ako âwag lang makasama iyong hinayupak na nakaaway ko. Pumayag naman ang presidente pero pagkalipas ng ilang araw ay doon ko naisip na mali yung desisyon ko. Naalala ko na maiiwan ko pala ang asawa ko na mag-isa. Nagpakumbaba ako at humingi ng tawad sa Pakistani at sa presidente sa pag-aakala na pwede ko pang baguhin ang napagkasunduan na sa Jubail na lang ako. Ngunit hindi pumayag ang presidente. Hindi ko alam ang gagawin ko nun, wala na akong maisip na makatutulong sa akin. Naglakas-loob ako mag-email sa Philippine embassy tungkol sa sitwasyon ko. Apat na araw ang nakalipas pero wala akong nakuhang sagot, bagkos ay nalaman ko na nag-email ang embassy sa kumpanya namin tungkol sa sitwasyon ko.
Gustuhin ko man umuwi, inisip ko yung mga naiiwan kong responsibilidad sa Pilipinas, yung babayarang upa sa bahay dahil wala naman kaming sariling bahay. At sakaling umuwi ako, hindi naman ako kaagad magkakahanap ng trabaho.
Nagalit ang presidente ng kumpanya at pinagmumura ako, pati ang embassy. Hindi ko na nabasa kung ano ang nakalagay sa email na ikinagalit niya. Nung araw na iyon ay puwede na kong umiwi sa Pilipinas pero sagot ko ang gastusin. Naisip ko wala pa kaming pera at ipon para sa ganun. Huli na nang nalaman ko na kinausap pala ng asawa ko ang presidente para sa Jubail na lang ako at hindi na pauwiin. Gustuhin ko man umuwi, inisip ko yung mga naiiwan kong responsibilidad sa Pilipinas, yung babayarang upa sa bahay dahil wala naman kaming sariling bahay. At sakaling umuwi ako, hindi naman ako kaagad magkakahanap ng trabaho. Isang malaking desisyon ang gagawin ko, pinili ko na malipat ako sa Jubail kahit malayo sa asawa. April 2011 nang lumipad ako sa Jubail, dalawang araw pagkatapos ng birthday ko. Hindi malinaw kung hanggang kailan ako sa Jubail, ipinaglaban ko rin ang magiging trabaho ko doon. Kasi nung una ay gusto nila akong maging auto mechanic na napakalayo sa trabaho ko. Kaya ang bagsak ko ay data encoder. Sa paglipat ko, hindi na ako masaya. Parang ginagawa ko na lang ito dahil kailangan. Kung may pera lang talaga, uuwi na lang kami ng Pilipinas. Nakita ko ang kampo sa Jubail, parang inabandonang building. Ito ang workshop na tinatawag, dito dinadala ang mga sasakyan na may problema na pinapaupahan ng kumpanya. Wala akong sariling kuwarto kaya nang dumating ako ay doon ako tumuloy sa kuwarto ng isang Saudi na supervisor sa kampo. Doon ako natutulog sa kama niya dahil bihira naman siyang matulog sa Jubail kasi madalas siya sa Dammam. Mabait naman siya kaso minsan may trabaho akong tinatapos at gusto niyang gamitin yung computer ko. Hindi ako pumayag dahil tambak ang trabahong tinatapos ko, sabi ko mamaya na lang pagkatapos ko. Pagkatapos nun napansin ko na unti-unti na siyang nagbago. Ako man ay nailang na rin sa kanya. Bihira ko na siyang kausapin kung hindi naman trabaho ang pag-uusapan namin.
Pero bago pa ako makarating ay naaksidente ako, nakaapak ako ng pako na kinakalawang mula sa ginigibang accommodation sa kampo. Napabagsak ako at nakita iyon ng supervisor ko na nasa van. Pilit akong tumayo at hinugasan ang sugat.
Hindi ko rin naman siya masyadong maiintindihan dahil ang hirap umintindi ng hindi marunong mag-English. Isang beses inutusan ako nung supervisor na may kukunin na papeles sa kuwarto ko. Naglakad ako papunta sa kuwarto at siya naman sumakay sa van. Pero bago pa ako makarating ay naaksidente ako, nakaapak ako ng pako na kinakalawang mula sa ginigibang accommodation sa kampo. Napabagsak ako at nakita iyon ng supervisor ko na nasa van. Pilit akong tumayo at hinugasan ang sugat. Naglakad ako pabalik ng workshop para humingi ng tulong sa kapwa ko Pilipino na dalhin ako sa ospital. Laking gulat ko nang biglang sumulpot yung Arabo kong supervisor na galit na galit at panay ang sigaw. Buti na lang hindi ko maintindihan kaya dedma lang ako. Sinabi ko sa kanya sa English na napako ako at ipinakita ko sa kanya na nagdudugo pa ang sugat. Nakiusap din ako na dalhin ako sa hospital. Ang sabi niya sa pagkakaintindi ko sa pilipit niyang English na, âhindi puwede dito ka lang. Magpahinga ka, itulog mo. Walang magdadala saâyo sa hospital." Sinabihan niya ang mga kapwa ko Pinoy na âwag akong dalhin sa ospital. Ang ginawa ko, tumawag ako sa opisina para humingi ng tulong, at nakausap ko si N, yung Arabo ng marunong magTagalog na humahawak sa kampo. Sabi niya sasabihan niya yung mga tao dito na ihatid ako sa ospital. Pero ilang oras ang nakalipas wala pa ring nangyayari. Tinawagan ko siya ulit ay bigla niyang sinabi na mag-taxi na lang ako dahil busy ang mga tao. Wow! Hindi niya naisip na sa paa nga ako napako at napakahirap sa akin na maglakad papunta sa sakayan ng taxi. Walang nangyari kaya ang asawa ko na lang ang tinawagan ko para kausapin kung sino man ang puwede magdala sa akin sa ospital. Umaga nang mangyari ang aksidente at gabi nang nadala ako sa ospital. Hindi ako nakapasok ng tatlong araw dahil sa nangyari. Ibinawas yung tatlong araw na yun sa sahod ko kasi hindi raw ako nag-file ng sick leave⦠kasalanan ko pa. (Itutuloy) -
GMA News Danny Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (2) Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (1) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!