(Huling bahagi) Subalit gaano man tayo kabuti at gaano man kataas ang ating paniniwala sa Kanya, dumarating pa din ang mga pagsubok sa ating mga buhay. TSISMIS No. 4 â âGloria! Resign!" Noong Marso 2009, nag-announce nang pagkalugi ang aking minamahal na kumpanya. Nag-announce na rin sila ng temporary lay-off at napasama ako sa mga mawawalan ng trabaho. Subalit hindi ako pinanghinaan ng loob. Hindi ako nagpa-temporary lay-off, nagresign ako sa kumpanya.
Ngunit mapaglaro talaga ang demonyo... parang tadhana. Dumating na ang araw ng medical. Talagang pinaghandaan ko iyon sapagkat ayaw kong magkaroon ng sabit sa aking pag-a-apply. Tinawagan ako ng agency kinabukasan matapos akong ma-examine. 
-- Gilson
Bitbit ko pa rin sa aking puso na mayroong Diyos na tutugon sa aking panalangin, na gumagabay sa akin at nagmamahal sa akin. March 30, 2009... resigned na ako sa aking trabaho, and Praise God, sa maniwala kayoât sa hindi, dawalang kumpanya sa Dubai ang nag-offer sa akin ng trabaho makalipas lang ang isang linggo kong pamamahinga. May kontrata na agad sila na gustong papirmahan sa akin. Ganung kabuti ang ating Panginoon. Pinili ko yung offer na may libreng tirahan at service, bihira na ang ganoong offer kaya naman laking pasasalamat ko sa ating Poong Maykapal. Kung makikita ko nga lamang Siya ng mga oras na iyon ay pihong pupupugin ko Siya ng halik. TSISMIS No. 5 â âCrispin? Basilio? Nasaan kayo mga anak?" Subalit makulit talaga ang demonyo. Hindi ko makita ang aking diploma na kinakailangan sa aking pag-a-apply. Kung kukuha ako ng bago, malamang hindi ako makaabot sa deadline ng requirements. Nandiyan pa rin ang aking tagapagligtas. Isang hapon, birthday ng inaanak ko kay Bevs, nagpunta ako sa kanilang bahay. Nandoon ang ilan sa aking mga kaklase. Naulit ko sa kanila na nag-resign na nga ako at mabuti ang Diyos sapagkat may bagong trabaho na nakalaan sa akin. Naulit ko rin sa kanila na nawawala nga lang ang diploma ko kaya âdi ko pa matapos-tapos ang mga requirements. Hindi pala ako nag- iisa, kasi isa sa kanila, si Rocelyn, ay hindi rin makita ang kanyang diploma. Pagkauwi namin sa aming mga bahay, tinawagan ako ni Rocelyn. Hinanap daw niya ang kanyang diploma sa kanilang bahay at hindi nga niya ito makikita dahil itinago pala ng nanay niya. Kaybuti talaga ng Diyos, kasama palang naitago ng nanay niya ang aking diploma. Kapabayaan ko na rin siguro dati, sanay ako na laging magpahabilin ng gamit sa aking kaklase noong pumapasok pa ako. Nakita ko rin sa wakas ang aking diploma. Kaya naman sa tamang panahon, nasubmit ko lahat ng requirements. TSISMIS No. 6 â âHimala? Walang himala..." Ngunit mapaglaro talaga ang demonyo... parang tadhana. Dumating na ang araw ng medical. Talagang pinaghandaan ko iyon sapagkat ayaw kong magkaroon ng sabit sa aking pag-a-apply. Tinawagan ako ng agency kinabukasan matapos akong ma-examine.
'Aking ililigtas ang tapat sa akin at iingatan ko ang sino mang taong Akoây kikilanlin. âPag silaây tumawag laging handa Ako na silaây pakinggan. Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan. Aking ililigtas at ang bawat isaây pararangalan. Silaây bibigyan koât gagantimpalaan ng mahabang buhay at nakatitiyak na ang tatamuhin nilaây kaligtasan.' (Salmo 91 : 14-16). 
Uulitin ang aking X-ray dahil may nakita raw dito ang mga duktor. Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang balitang iyon. Halos mangiyak ako sa aking narinig. Halos mawalan na ako ng tiwala sa Kanya noong mga oras na iyon. Subalit pinanghawakan ko pa rin na anak Niya ako. Simula nang matutunan kong dasalin ang Salmo 91, pinanghawakan ko na ang kanyang mga sinabi: âAking ililigtas ang tapat sa akin at iingatan ko ang sino mang taong Akoây kikilanlin. âPag silaây tumawag laging handa Ako na silaây pakinggan. Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan. Aking ililigtas at ang bawat isaây pararangalan. Silaây bibigyan koât gagantimpalaan ng mahabang buhay at nakatitiyak na ang tatamuhin nilaây kaligtasan." (Salmo 91 : 14-16). Kaya naman pinanghawakan ko na negative ako sa ano mang sakit. Papunta na ulit kami ng aking girlfriend (na si Isabel), kinabukasan sa clinic na iyon kung saan may nakikita raw sa aking X-ray. Sakay kami ng bus subalit hindi kami masyadong nag-iimikan. Ako na mismo ang nag-quarantine sa aking sarili, baka nga kasi may sakit ako. Ayaw ko siyang mahawa. Nandoon pa rin ang aking pagdududa. Habang naglalakbay kami, ini-off ng kundoktor ang TV na Wowowee pa ang palabas. Binuksan Niya ang stereo sa FM, laking gulat ko na habang umiiyak ako, narinig ko ang tugtog sa radyo: âDonât give-up just walk on, have faith in your heart, for My love will see you through!" Tanghaling tapat at hindi ko inaasahan na ganung klaseng tugtugin ang aking maririnig. Lalong dumaloy ang aking luha sapagkat naiiisip ko na si Yahweh El Shaddai ang kumakanta nun sa akin. Nabuhayan ako ng loob sa kantang iyon at mas lalo akong nabuhayan ng marinig ko ang sumunod na kanta: âI believe I can fly, I believe I can touch the sky!" Nabanggit ko na lang sa aking sarili na âYes Lord, I believe I can fly, I believe that I can be in Dubai". Pinunasan ko ang aking mga luha sapagkat ayaw kong makita ako ng aking gf na umiiyak. Kaya naman bago ako sumalang sa X-ray, nagdasal ulit ako ng Salmo at inangkin kong wala akong tama, wala akong sakit. Kinabukasan, mag-aayos naman sana ako ng NBI, subalit nagkataong anniversary ng gawain ni El Shaddai sa Aplaya noong mga araw na iyon kaya naman ipinagpaliban ko na lang ang pag-aayos ng dokumento. Si Bro Rex America ang na-assign sa healing message. Naaalala ko pa rin ang sinabi niyang ang mga taong may sakit ay hindi kinasisiyahan ng Diyos. Tapos sinabi niya na itaas ang kamay ng mga may sakit at pumunta sa unahan. Hindi ako pumunta, sapagkaât pinanghahawakan ko na nang mga oras na iyon na wala akong sakit dahil kinasisiyahan ako ng Diyos . Iyon ang aking itinimo sa aking puso noong mga oras na iyon. At sinabi din Niya: âKapatid, pag-uwi mo, tatanggapin mo na ang iyong kahilingan!" Malakas na âAmen" ang itinugon ko. Kaya naman pag-uwi ko, tinawagan ko ang agency kung ano ang balita. âPrasie God!" Negative nga ang kinalabasan. Wala akong AIDS, Tuberculosis at Hepa. Ok lahat ng medical exams ko.
At noong November 27, 2010, sabay kaming umuwi sa Pilipinas ni Isabel upang mag-isang dibdib. Ikinasal kami noong December 18, 2010. At ngayon, masaya kaming nagsasama dito sa Dubai upang makabuo ng isang pamilya. Nawaây pagkalooban kami ng Poong Maykapal ng mga anak sa Kanyang itatakdang panahon.
Napakabuti talaga ng Panginoon. Patuloy lamang nating panghawakan na buhay Siya, na mahal Niya tayo, na naririnig Niya ang mga kahilingan natin, na talagang dumarating lang ang mga pagsubok sa ating buhay, na nandiyan ang Diyos at tunay na hindi Niya tayo pababayaan, patuloy lamang nating ialay ang ating pagtitiis sa Panginoon, patuloy lamang nating ibigay ang ikapu sa gawain ng Diyos at patuloy lamang tayo na magtiwala sa Kanya, tuloy tuloy na magiging maayos ang ating buhay. TSISMIS No. 7 â âTogether again..." Kaya naman noong June 18, 2011, naka-dalawang taon na ako rito sa Dubai. At sa kabutihan talaga ng Diyos, nagawa pa Niyang isunod sa mismong kumpanyang aking pinapasukan si Isabel, ang aking ex-girlfriend (asawa ko na ngayon), noong September 28, 2009. TSISMIS No. 8 â âTaaaaan-tan-tanan." At noong November 27, 2010, sabay kaming umuwi sa Pilipinas ni Isabel upang mag-isang dibdib. Ikinasal kami noong December 18, 2010. At ngayon, masaya kaming nagsasama dito sa Dubai upang makabuo ng isang pamilya. Nawaây pagkalooban kami ng Poong Maykapal ng mga anak sa Kanyang itatakdang panahon. Ang daming tsismis ano? Ngunit higit pa riyan ang dami ng kabutihan na ipinamalas Niya sa akin. Kaya naman nararapat lamang na kabutihan din ang aking ipamalas sa iba para sa patuloy na ikaluluwalhati at ikadadakila ng Kanyang Pangalan. P.S. Ang mga itoây pawang mga totoong pangyayari sa aking buhay... hindi ito mga TSISMIS! Sanaây binasa mo ito hanggang dito sa dulo hindi lang dahil sa kanyang pamagat. â
GMA News Gilson Aceveda Gusto mo ba ng tsismis? (1) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong
Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa
Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!