ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
Gov’t kinalampag sa kaso ng namatay na OFW na iniuwing walang mata, dila
MANILA â Nanawagan sa pamahalaan ang alagad ng Simbahang Katoliko na bigyan ng katarungan ang Pinay overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing nagpakamatay sa Saudi Arabia noong 2010. Ang masaklap sa pamilya ng biktima, wala ang isang mata at dila nito nang maiuwi siya sa Pilipinas. Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, dapat kumilos ang mga ahensiya ng pamahalaan para mabigyan ng katarungan si Romilyn Eroy Ibanez, tubong North Cotabato. Sinasabing nagpakamatay si Ibanez sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili at pagsaboy ng asido sa KSA noong Setyembre 2010. Ikinalungkot ni Gariguez ang sinapit ni Ibanez dahil sa kabila ng pagkilala sa mga OFW bilang mga bagong bayani pero tila kulang umano ang suportang naibibigay ng gobyerno. Nitong Lunes, inihayag ng OFW group na Migrante na ipinaalam sa kanila ng pamilya sa Pilipinas ni Ibanez na naiuwi na sa bansa ang mga labi ng pumanaw na OFW. Pero laking gulat daw ng pamilya ni Ibanez nang makita nila na wala ang isang mata nito at dila. Sunog din umano ang katawan nito. Puna ni Gariguez, kung sadyang nagpakamatay ang OFW, bakit nawawala ang mata at dila ng biktima. Kasabay nito, binatikos din ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang ang Overseas Workers Welfare Administration at ilang embahada sa bansa na hindi nakatutugon sa pangangailangan ng mga Pinoy sa abroad. Sinabi ni Cruz na mistulang nagiging palamuti lamang ng pamahalaan ang OWWA at mga embahada sa ibaât ibang panig ng mundo. -- GMA News
More Videos
Most Popular